"Lynusdrei..." iyan lamang ang lumabas sa aking bibig. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto. Ni hindi ko magawang pulutin ang bag ko. Napaurong ako nang tumayo siya. Umigting ang kanyang panga. Tuluyan na akong napasandal sa pader. Hindi ko pa sinasadyang napatay ang ilaw. Dahil sa madilim ay hindi ko siya makita. Wala tuloy akong alam kung saan na nga ba siya. Ni yapak niya ay hindi ko marinig. Hindi ba siya umalis sa pwesto niya? Kakapkapin ko na sana ang switch ng ilaw. Napasinghap na lang ako nang ipangko niya ang mga kamay ko sa pader. Akmang sisigaw pa lang ako nang sakupin na niya ang aking labi. Nanghina ako. Nanlambot ang tuhod ko. Mabuti na lang ay hawak niya ako kung hindi ay baka natumba na ako. Mapagparusa ang halik na iginawad niya sa akin. Ramdam ko ang frustration

