Mabilis akong nagtago sa gilid nang umikot na siya. Naglakad na siya palabas ng banyo at dumiretso sa kama. Saka ko lang natandaan ang tunay na pakay ko sa banyo nang maramdaman ko na ang pantog ko. Saglit lang ako roon. Lumabas na rin ako. Napahawak ako sa baywang ko nang makapunta na sa tapat ng kama. Tumingin ako sa kanya. Masarap na ulit ang tulog. Kanina ay antok na antok ako, ngayon naman ay sobrang nagising ang buong pagkatao ko. Hindi ako sure kung makakatulog pa ba ako nito. Umupo na ako sa kanyang tabi. Agad naman na pumatong ang kanyang kamay sa aking legs. Napatingin ako sa ilalim na parte niya. Kahit na nakatakip na iyon ngayon ng saplot ay para bang nakikita ko pa rin ang kabuuan niya. Napakagat ako sa labi ko nang mag-replay sa utak ko ang nakita ko kanina. Napap

