Tumigil siya sa paglalakad nang makarating na kami sa labas. Napatigil din ako dahil nga hawak-hawak niya ako. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at humigit siya nang malalim na hininga. Pinapakalma niya ang kanyang sarili. "Nagkataon lang na roon din siya kumain," umpisa ko na. Binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. "I texted you," imbis ay sagot niya sa aking sinabi. "Naiwan ko kasi ang phone ko sa drawer ng table ko," mahina kong sambit. Napatango siya. "Akala ko kasi ay hindi ka agad makakabalik. Ang sabi mo kasi ay may lunch meeting ka," dugtong ko. "Yeah. Nakipag-meet na ako kanina at agad na tinapos iyon para sana magsabay tayong kumain." Nagsisi tuloy ako. Sana pala ay hindi ko iniwan ang aking phone. "I'm sorry," bigla ay sambit niya. Napakunot tuloy an

