Nakatulala ako ngayon. Pagod na pagod na ako. Halos halughugin na yata namin ang buong mall. Dahil kaming dalawa lang ay nagpresinta akong hawakan ang mga pinamili niya. Hindi ko naman expect na bawat puntahan namin ay may bibilhin siya. Ayan tuloy at ang sakit na ng mga braso ko. Umupo muna ako sa may tabi at binitawan ang mga paper bag. Walong paper bag na malalaki. Halos damit ang laman ng mga iyon. Ngayon naman ay nagsusukat siya ng sapatos. Tumingin siya sa akin at pinatayo ako. Pinapili niya ako kung ano ang mas maganda. Pinili ko ang red na stiletto. Bagay iyon sa kanyang aura. Mas magmumukha siyang socialite. "Nice choice. Good taste," she said while nodding her head. Nang kausapin niya ang saleslady ay pasimple kong minasahe ang mga braso ko. Salitan ang aking ginawa. M

