Nakangiti ako nang malaki habang pababa. Nadatnan ko si Lynusdrei na nakasandal sa pinto ng kanyang kotse. Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo at binuksan na iyon. Pagkapasok sa loob ng kotse ay napansin niya ang aking malaking ngiti. Nginuso ko ang hawak ko. Napangisi na rin siya. "I told you." Habang nagmamaneho siya ay sinilip ko ang laman ng paper bag. Iyong huli kong pinili na sapatos. The simple yet elegant looking one. "Why don't you wear it at work?" he asked. Pumiling ako. "Hindi muna ngayon. This is your mother's gift. Ayaw kong masalaula," utas ko. Pagkarating sa trabaho ay naghiwalay na kami ng landas. Busy ako ngayon sa paggawa ng project. Kay Mr. Carl naman ito. Si Mr. Carl ang CEO ng kumpanya. Siya talaga ang may ari nitong pinagtatrabahuhan ko. Busy ito

