Muntikan ko pang mabitawan ang hawak kong tasa. Mabuti na lang ay naging maagap ako. Kung hindi ay mapapaso ako sa mainit na tsokolate. Mabilis akong umalis doon. Lalo na at nakita ko ang pagbaba ni Tita Lyn. She scanned my face. "Something is bothering you," pansin niya. Napaawang ang bibig ko. Paano niya nalaman iyon? Ganoon ba ako kahalata? "You look pale, Shiastelle," sagot na niya sa tanong ko sa aking isipan. "Malamig po kasi," iyon na lang ang ginawa kong palusot. Hindi ko naman masasabi sa kanya na narinig ko ang kanyang asawa at sinabi nito na ipapakasal sa ibang babae ang kanilang anak. Ganoon ba talaga sa mga mayayamang pamilya? Sa mga palabas at libro ay madalas na ganito ang nangyayari. Hindi ko naman akalain na mangyayari sa akin. Natapos na sa pag-uusap ang dalawang

