Tumigil ako sa pagkulit kay Hux at mabilis na lumapit kay Lynusdrei. "Good morning," bati ko at ngumiti sa kanya. Hinawakan ko siya sa may siko at iginiya na papunta sa hapag kainan. "Mag almusal ka na," nakangiti ko pa ring sambit. Napatingin ako sa aking kapatid nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Ano namang itinatawa niya? Pinanliitan ko siya ng mga mata. Mas lalo lamang siyang tumawa. "Good morning," bati na ni Lynusdrei. Mukhang nagising na ang buong diwa niya. Pinanood ko ang paghila niya ng upuan. Akala ko ay uupo na siya. Tumingin siya sa akin at inlahad iyon. "Upo ka na," sambit niya. Napakagat ako sa aking labi at umupo na. Pagkatapos ay tumabi na siya sa akin. "Namumula ka, Ate," pansin sa akin ni Hux. Nilaglag pa talaga ako sa harapan ni Lynusdrei! Pareho

