Chapter 22 "What?! You rented the whole beach resort in Batangas?!" gulat na sigaw ko at halos napatayo narin ako. Napaatras sandali si Mama pero agad rin siyang nakabawi. Ngumiti siya ng matamis saka proud na tumango-tango. "Yes, I love their place and foods. Your Tito's birthday will be held there," Nagmamalaking sabi niya kaya napatampal ako sa noo ko saka umiiling-iling. Hindi niya alam ang sinasabi niya. Hindi niya alam kung magkano ang aabutin. "I want to surprise him. After his birthday party, I am planning to rent a yacht and we'll go to Batangas then after that I'll get a chopper and we'll have a two weeks vacation in Amanpulo," dagdag niya pa kaya natawa ako ng sarcastic. Planadong-planado ng Mama ko ang mga balak niya sa birthday ni Tito. "Fine," inis na sabi ko kalaunan

