Chapter 23 "What?!" Gulat na tanong ko sa Mommy ko. Kaagad na umakyat ang inis at galit sa utak ko sa mga nalaman. She sold my land properties! Binenta niya halos lahat ng mga binili ko. Iyon lang ang natatanging investments ko. I bought that using my own money but my mother processed the papers. Nakapangalan sa kanya halos lahat! "Mom!" frustrated na sigaw ko. Wala na akong pakialam kung may pumasok man sa dressing room sa mga oras na 'to. Unti-unting tumulo ang luha ko saka nanghihina akong napaupo sa high chair sa tapat ng dresser habang hawak-hawak ang phone na nakatapat sa tainga ko. Hindi ko makayanan ang mga sinasabi ni Mommy. "Why? Binenta ko para may pakinabang naman. So I could pay for our needs!" sumbat niya na parang kasalanan ko pa. "Mom...why—" "Joyce, I already disow

