Chapter 24 Sunod-sunod na nag-cancel ang mga endorsements na nakaline up para sa akin kaya hindi ako nakaalis ng bahay kinabukasan. Tenzy is here and also my Mom and Tito Henry para sumbatan ako. "Hindi ka kasi nag-iingat!" galit na sabi ni Mommy sabay bato sa akin ng news paper kung saan ako ang headline. Napalunok ako dahil alam kong tama sila. "You wanna quit?! Nandito na! Sa wakas dumating na rin ang hinihintay mo! Fine! You quit! Alam mo bang pwede kang kasuhan ng network dahil dito?!" Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sigaw ni Tenzy kaya umiyak lang ako nang umiyak. "Ten—" "Damn it Joyce! You are the star! What happened? Masyado ba akong nakampante na pahahalagahan mo ang career mo? Hindi ko na alam," galit na sabi niya habang dinuduro-duro ako. Si Mommy naman nakahalukipk

