Chapter 4
"Joyce! Wahhhh! We love you!" Matipid kong nginitian ang fans ko bago tuluyang pumasok sa building ng network namin.
"Hey," bati ng isang artista kaya tinanguan ko rin siya pabalik.
TV guesting again.
Mahina akong kumakanta habang inaayusan ng mga stylist ko. Masaya ako sa trabaho, masaya ako. Pero pagod na ako.
"Perfect!" sabi ng make-up artist ko kaya natawa ako ng mahina.
Agad kong kinuha kay Aira ang phone ko pagkatapos niya akong picturan. Napangiti ako ng makita na maganda ang gawa nila ngayon. Natural look. I took photos of myself and I posted those photos on my social media accounts because I do really like my look right now and I also need engagement. Pinatay ko rin kaagad kasi sunod-sunod ang mga notifs na pumasok.
"Smile Joyce, and please don't ruin anything," paalala ni Tenzy bago ako sumalang sa live screen.
Tumango ako ng mahina sa kaniya saka huminga ng malalim.
"Let's us all welcome our very own beautiful and best actress, Joyce Lim!" pakilala ng host kaya agad akong ngumiti ng malaki bago pumasok.
"Hi everyone!" malakas na bati ko kaya mas lalong naghiyawan ang mga fans.
"Iba talaga pag si Joyce. Chill kayo jan!" sabi ng baklang host kaya mahina akong natawa bago bumeso sa kaniya sabay upo.
"Good Day Joyce, blooming na blooming. Pabulong naman tungkol sa love life mo," pabirong sabi niya kaya umiling ako habang natatawa.
Sa sobrang tagal ko na sa industriyang 'to ay lahat ng emosyong dapat gawin nasaulo ko na. Lahat ng dapat kong ipakita dapat praktisado. Sometimes it's real but sometimes it's also fake. I can do it all perfectly.
"I'm happy," sabi ko sa masayang tono kahit ang totoo ay napapagod na ako.
I want to get out of this spotlight. Gusto kong magpahinga.
"Sanaol Happy! Kayo happy din kayo?!"
"Gloyce! Gloyce! Gloyce!"
Sandaling nawala ang ngiti sa labi ko nang isigaw ng lahat ng tao sa studio na 'to ang pangalan ng love team namin. They are all hoping that it's true behind the camera. I am a fan too, gusto ko ring magkatuluyan ang mga nakikita ko sa tv. But I can't apply it to myself. I have my own perspectives. And Glen is out of that.
Love team is just a love team. There's no love in between, in our case.
"So tanungin natin si Joyce, kamusta na kayo ni Glen?" parang nanunuksong tanong ng host.
I knew what to say. Sa araw-araw na tinatanong sa akin 'yan, alam na alam ko na ang sasabihin.
"We're good," kunwaring kinikilig na sabi ko kaya mas lalong nagsigawan ang lahat. Pati ang host ay sumigaw rin at tumalon-talon pa.
"Malaking sana all!"
I laughed a little. A fake laugh just to show them that I am happy.
The interview went so well. He's a happy go lucky host so It has no dead air between us. He jokes all the time so I immediately adjusted myself.
"So ang huling tanong na pinakaaabangan ng lahat! Mayroon na bang nabubuo between Joyce and Glen?"
"Gloyce! Gloyce! Gloyce!"
Ngumiti ako bago nilapit ang microphone sa bibig.
"Hindi pa 'yan sa ngayon ang priority ko," mahinang sabi ko kaya lahat nagsidaing sa pagkadismaya. That’s the safest answer and it’s for them to put different meanings.
After that, I waved my hand and bid my goodbye to all of them before exiting the stage.
Nang mapunta ako sa dressroom ko ay agad akong sinalubong ni Tenzy.
"You should have answered something more exciting word in the last question," Napabuntong hininga ako saka umupo sa harap ng dresser dahil sa sinabing iyon ni Tenzy.
"I told them the truth Tenzy—"
"Hindi natin kailangan ng katotohanan. We need your fans' support."
"They'll support—"
"Mag-ingat ka Joyce. Isang maling salita lang ang lumabas sa bibig mo ay bubulusok ka pababa."
Oh, I would love that Tenzy. Ang pagbulusok ko pababa ay parang matagal na pahinga para sa akin na siyang gusto kong gawin ngayon.
Akala ko free ang afternoon schedule ko sa araw na 'to kasi lahat ng tapings at photoshoot ko tapos na. Akala ko makakapagpahinga ko kahit saglit lang pero mali pala. Right after we went out of the building, Tenzy showed me an invitation letter.
"Oh my, I forgot. We have to attend a party. Senator's birthday and you're invited."
Nanlumo ako sa sinabi ni Tenzy pero tumango rin ako kalaunan. Nag rush siya para sa gown ko, tumawag sa sikat na designer. Sa Van nalang ako nagbihis at nag-ayos. Ang in just a blink, I am all ready to attend that party.
Na-i-invite ako sa mga ganito. Because some politicians are hiring me for their campaign during elections. This is not new to me.
Medyo malayo-layo, pero hindi na ako nagtaka nang huminto kami sa isang magara at napakalaking mansyon. Inayos ko ang mukha ko saka dahan-dahan bumaba para harapin ang sunod na pagod para sa oras na ito.
Flashes of cameras welcomed me so I smiled. Ngumiti ako ng todo hanggang sa makapasok sa pinakaloob. I saw some familiar artist so I went to them and greet.
"As always, looking so good Joyce," puri ng isang artista galing sa ibang network.
Hindi na ako nagulat nang makita ko si Glen. This party is full of influential people, we are not influential as politicians yet we are famous.
"Hi," marahang bati ni Glen kaya napangiwi ako.
"Don't touch me," nagpipigil na sambit ko kaya hindi natuloy ang akma niyang paghawak sa akin. Humalakhak lang siya sabay inom sa wine sa hawak.
"Come on Joyce, cameras are everywhere," panunuya niya pero hindi ko siya nginitian o ano.
"Joyce!" Bati ng isang politician na kakilala ko kaya agad akong lumayo kay Glen para bumati.
"Hi Ma'am," I greeted.
"My son is here, he likes you very much. Come, come," hindi magkamayaw na sabi niya at agad akong hinila papasok sa mansyon. Hindi na ako nakapagreklamo pa.
"There, Sandro!" tawag niya sa anak. Agad akong napangiwi nang makita ang itsura ng tinawag niya. He is not that good looking. Hindi katangkaran at medyo maitim, pango rin ang ilong at halos lumuwa ang mata sa laki.
He also has a lot of scars on his face. At may balbas na kaunti.
Hindi ako nanlalait. I am just stating my opinion. And my opinion is not that good towards him.
Nang makalapit ang anak niya ay ngumiti ako ng pilit.
"Hi," bati ko kaya bahagyang namula at nahiya ang lalaki.
Hanggang tainnga ko lang ata siya. I am just wearing four inches heels. Ang baba niya para sa isang lalaki. At hindi marunong magdala ng damit, hindi halatang mayaman. Para siyang naligaw at pilit nakikibagay.
"Hi, I am Sandro. I've been wanting to meet you in person," sabi niya sabay lahad ng kamay.
Nagdalawang isip pa ako pero sa huli nakipagkamay ako ng mabilisan. Hindi ko winala ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kaniya na parang kinikilig pa ata. Nagkamot siya sa batok niya na parang bata kaya hindi ko napigilang matawa.
Maraming bumati na iilang kakilala kaya naging busy na ako at hindi ko na napagtuonan ng pansin ang lalaki.
"Here comes the group of CEOs!" malakas na sabi ng isang lalaki kaya pati ako napatingin kung saan sila bumaling.
Agad akong nataranta nang makilala ang isa sa mga tinutukoy sila. Indeed a group of Ceo's and one of them is the guy I had a one night stand with. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko kaya hindi ko na pinigilan pa ang sarili kong inumin ng diretso ang ang wine na kinuha ko sa kakadaan lang na waiter.
Napamura ako sa isipan ko. The last thing I want to see is him. Kahihiyan, Joyce.
"Excuse me, sorry," sabi ko sa lalaki na magbabalak pa atang magtanong.
"Oh D*mn," mura ko nang may mabangga ako kakatakas sa lugar na 'yon.
Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko ang pamilyar na amoy. Nang mag-angat ako ng tingin sa nakabangga ko ay agad akong napaatras palayo. The Aizen Santibañez just teleported himself in front of me. Hindi nawala ang panlalaki ng mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
Nang rumehistro sa akin ang lahat ay agad ko siyang nilampasan na parang hindi ko siya kilala. And right now, I am thanking God because I am a good actress. Thank you for giving me this talent.
Habang naglalakad ako papunta sa kung saan patuloy pa rin ang pagwawala ng puso ko. I am sweating real hard because of my mix emotions. Kaya nang makakita ako ng rest room agad akong pumasok sa loob sabay hinga ng malalim. Hindi na ako nagdalawang isip na maghilos at umulit ng make up. I did my own makeup inside and I must say that I am not as good as my artists when it comes to this.
Nang medyo kumalma ang buong katawan ko dahan-dahan akong lumabas ng restroom. Nanghula ako ng daan para mahanap si Tenzy pero pagkaliko ko iba ang nahanap ko.
"Joyce, come here, Hija," dabi ng isang Senador nang makita ako.
Ngumiti ako ng pilit saka lumapit sa kanila ng kausap niya. Ang taong iniiwasan ko.
"Aizen, have you met this beautiful woman? I bet you didn't, by the way this is Joyce, the famous actress. And she's one of the artists who supported me for my campaign last year. Joyce, this is Aizen, the Ceo of Fsailship," pakilala niya sabay tawa.
Napalunok ako sabay tingin kay Aizen. Pinigilan ko ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat ng makita ko siyang mariin ang tingin sa akin.
Oh My God Joyce. Just chill!
"Hi, Mr. Santibañez nice to meet you," marahang sabi ko sabay lahad ng kamay para sa isang shake hands.
Tiningnan niya lang ang kamay ko kaya nanlamig ako sa hiya. Nang medyo tumagal na hindi niya parin tinatanggap tumikhim ako at akmang ibababa na ang kamay pero hinawakan niya para sa shake hands. His hand feels so soft with a little bit of rough texture, but I immediately got my hand because I know that I am trembling.
"Good, Aizen is searching for a model of his newly opened business. Try Joyce, she's so good."
Napangiwi ako pero hindi ko pinahalata.
"I am sorry—"
"Yeah," sagot niya kaya napamura ako sa isip ko.
Sh*t! Ayaw!
"Good, good!"
Awkward akong ngumiti dahil sa kaba. "Would you mind if I excuse myself? I am so sorry, my manager is looking for me," magalang na paalam ko at hindi pa sila nakakasagot agad na akong umalis, nagmamadali.
Napapikit ako ng mariin bago tuluyang naglakad ng mabilis. Nang hindi kinaya ng binti ko dahil sa panginginig, agad akong sumandal sa isang pader na medyo sa madilim na parte. Pinakiramdaman ko ang puso ko at patuloy pa rin ito sa pagtibok na parang nasa karera.
Nag-ring ang phone ko pero wala akong ganang sagutin 'yon kaya hinayaan ko lang hanggang sa mamatay. Hindi masyadong rinig ang music sa bandang dito. Wala ring makakakita sa akin dahil madilim at walang nagagawi.
I sighed a lot of times.
"Forgetting about me? Really?" bigla sabi ng boses sa may gilid kaya tumalon ang puso ko sa kaba.
Walang pasubaling hinarap ko ang lalaking nagsalita sa gilid ko. Hindi ko mapigilang tingnan siya mula ulo hanggang paa. I appreciate his black three piece suit more in this little dim place, kumikinang rin ang mga mata niyang malalamig. The perfect look for his title, hot bachelor.
"Really?" pag-uulit niya kaya nabalik ako sa huwisyo ko.
Napatayo ako ng tuwid at humakbang paatras para lumayo sa kanya.
Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil medyo madilim. Pero ramdam na ramdam ko ang titig na pinupukol niya sa akin.
Higit ang pagpapasalamat ko ng biglang magring ang phone ko kaya agad ko 'yong kinuha at sinagot. At walang pagdadalawang isip at tuluyan nang tumakas.
"Tenzy where are you—"
"Where are you?"
"Oh my God, wait," natatarantang sabi ko sabay takbo. I don't care about my poise anymore. I just want to get out of this mansion.
Nang makita ko si Tenzy agad ko siyang hinila pabalik ng Van.
"Saan ka ba nagpupupunta? Bumati ka man lang ba sa celebrant?"
"Let's go home please," pagsusumamo ko kaya napabuntong hininga siya bago tumango.
"Joyce—"
"I'm sorry, nahilo lang ako," pagsisinungaling ko kaya natahimik na lang rin siya.
Buong biyahe tahimik lang kami. Naging maingay lang nang binuksan ni Tenzy ang tv sa harap. Pero nang bumaba siya agad ko ring pinatay kaya tahimik na ulit. My warm lights inside this van is making me more sleepy.
"Ma'am?"
Napakurap-kurap ako ng mapansin na nasa bahay na pala kami.
"Pakibaba nalang po." Sabi ko sa driver at agad pumasok sa loob. I sighed once again.
Forgetting about him? Dapat ba araw-araw ko siyang naalala? Araw-araw nga!
It's just a one night stand right? Why does he keep on appearing in the places where I was? Nananadya ang pagkakataon. I just want to focus on my work.
That one hot night in Hong Kong made me really crazy. I just had hot and steamy s*x with one of the youngest billionaires. He got my everything. Kahihiyan lang ang natira sa akin.
Tapos magpapakita pa siya? Kakausapin niya pa ako.
Oh damn.