Chapter 5

2858 Words
Chapter 5 Napanguso ako habang tinitingnan ang bagong billboard ko na nakalagay dito sa gitna ng edsa. I look awful in that photo! They made me wore a cat attire and it's so childish! Para akong fifteen years old na nagpupumilit magdalaga ng mabilis. "Aira, look, ang pangit!" inis na sabi ko sa PA ko kaya napangiti lang siya bago umiling. "Ang ganda naman po." Napabuga ako ng hangin sa inis at mabilis sinara ang bintana ng van. I saw a lot of good comments online about that billboard. Hindi ko alam kung anong kinaganda no'n. That is so childish! Hindi angkop sa edad ko. I am already in my twenties for God's sake! Habang nasa daan ay nagcheck ako ng social media accounts ko para mag-update. Napapangiwi nalang ako kapag may nababasa akong opinions tungkol dito sa bago kong album. At habang abala ako doon ay biglang may pumasok na mensahe mula sa matagal ko ng kaibigan sa loob at sa labas ng industriya. Jake: Joyce tonight, don't forget. Me: Yeah, please don't make me drunk. Jake: Let's see. Napairap ako saka bahagyang ni-recline ang upuan para mas maayos na makapagpahinga. I want to sleep but I can't oversleep. May sofa bed dito sa loob ng Van pero ayokong matulog kasi mawawalan ako ng gana magtrabaho mamaya. "Ma'am tumawag na si Sir Tenzy, dapat daw nandoon na tayo," tarantang sabi ni Aira pero hindi ko pinansin. Hindi nagtagal kaagad kaming nakarating sa mall kung saan magaganap ang mall show namin ngayon. Para mag-promote sa upcoming movie namin. Dumaan kami sa back door na hinanda para sa akin, amin ni Glen. "Ma'am—" "Ahhhhhh! Joyce! Joyce!" Agad nagsigawan ang mga fans nang makita ako kaya yumuko ako ng bahagya para itago ang mukha. Qt pagkarating ko sa hinandang dressing room ko ay agad kong nakita si Tenzy na umuusok na ang ilong sa galit. I am late. I know. "Joyce," madiing bulong niya kasi hindi niya ako pwedeng pagalitan dito. Ngumiti lang ako sa mga staff na nagpapicture kaya medyo matagal bago pa ako ayusan. "Traffic," sabi ko kay Tenzy bago umupo sa harap ng dresser. "May bodyguards kang dala?" tanong ni Tenzy kaya bahagya akong tumango habang nakapikit para sa pag-lalagay ng makeup artist ko ng eye shadow. "Okay listen, Glen is already done. And I want you to have a super great chemistry on that stage right there. Gusto kong makita ang pagningning ng mga mata niyo kagaya noon. You know what to do Joyce, don't disappoint me." "Hurry! Hurry! We'll start!" Nang matapos akong ayusan agad akong tumango saka lumabas sa dressing room. Agad namang sumalubong si Glen na nakasuot lang ng simpleng polo at pants. Agad siyang dumikit sa akin kaya huminga na lang ako ng malalim para ihanda ang sarili ko. Start of work. "Hi," malambing na bati niya kaya ngumiti rin ako ng matamis para sa mga staff na nanonood. Nakita ko pang may nagkasakitan sa gilid dahil sa sobrang kilig. Glen's hand stayed on my waist and I let him. Hinayaan ko siyang maging mas malapit sa akin para sa trabaho. I've been acting in the camera for how many years, alam ko na ang takbo ng lahat. "Smile," madiing bilin ni Tenzy bago pa kami sumabak sa stage. "How are you?!" sigaw ni Glen kaya mas lalong nagwala ang mga fans. May iilan pang nakaakyat sa stage pero agad ring napigilan ng mga bouncer. "Ahhhh! Joyce and Glen forever! Ahhhh!" I flash a wide smile and greeted our fans while waving my hand. Hindi binibitawan ni Glen ang bewang ko at umaarte rin akong na gustong-gusto ko 'yon. "Waahhhhhhhhhhhh!" Kinanta namin ang soundtrack ng upcoming movie namin at nag question and answer rin. May games pa na hinanda kaya medyo matagal natapos. Nang matapos ang mall show naging busy pa kami sa mga nagpapa picture, at hindi ako pwedeng magreklamo. Mga limang oras kami sa unang mall show. We have three mall shows today so I still have a lot of time. "Good Job!" Masayang sabi ni Tenzy habang pumapalakpak pa. Tiningnan ko si Glen na nakangisi rin. "Okay, dating gawi!" masayang sabi ulit ni Tenzy bago nginuso kami para lumabas na sa pangalawang mall show. A familiar noise of our fans invaded my ears. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gusto ang tinatamo ko ngayon. I like it, I love it. Gustong-gusto ko 'to. Pero dumating talaga ang pagkakataon na napagod ako. Napagod ako sa buhay kong 'to. Napagod akong humarap sa mga tao, napagod akong humarap sa camera. "So let's ask our stars!" "Waahhhhhhhh!" I chucked. Hindi pa sila nagtatanong alam ko na kaagad kung ano 'yon. "Medyo seryoso 'to kaya humanda na kayo!" Pareho kaming natawa ni Glen at bahagya pa akong lumapit sa kaniya dahilan para magwala lalo ang mga tao sa baba. I can't deny our chemistry. We really look so good together. We really look so good in person and on screen. That is why we made it this big. "Sanaol! Question—" "Wahhhhhhhhhhhhh!" "Are you two together for real?" Napangiti ako bago lumingon kay Glen. Ngumiti rin siya bago ako mas nilapit sa katawan niya. Kunwari natawa ako saka bahagyang nagtago sa balikat niya. "Soon you'll know," praktisadong-praktisado na sabi ni Glen kaya mas lalong umingay ang buong mall. "Oh My God, the chemistry is real!" Ngumiti ako at pasimpleng inalis ang kamay ni Glen na nasa bandang tiyan ko na at kumaway sa mga fans para hindi sila magduda. "I love you all!" Sigaw ko bago naunang bumalik sa likuran. Kahit sa backstage rinig na rinig parin ang sigawan. My head is already spinning. Madalas akong makaramdan ng ganito kapag sobrang inis at sobrang pagod na ako. Hindi ako naturally healthy. I am eating healthy foods and I am also doing my exercises. Pero sa puyat ko, doon ako hindi sigurado. Swerte na ako kapag nakakatulog ako ng six hours straight. "Good Job! I love you both! The next movie will be successful!" sabi ni Tenzy pero si Aira ang binalingan ko para humingi ng tubig. "Joyce we'll—" "Tenzy, I have to attend Jake's birthday," agad na putol ko kasi alam kong hindi niya ulit ako pagpapahingahin ngayon. Natigilan siya saglit at biglang nag-isip. "Jake? Oh Jake?" I lazily nod. Nagkibit balikat siya saka tumango nalang ng mahina kalaunan. Jake is a friend of mine. He's a gay and he's a great comedian. I need to attend in this kind of party. We are good friends in real life. Pero kasama rin sa party na 'to ang popularity. A lot of artists will attend. At ipo-post sa social media ang pictures para ipakita sa tao na nagkakasundo lahat ng artista. "Bakit hindi ako invited?" bulong ni Tenzy na hindi ko na rin pinansin. "Aira please," sabi ko kay Aira sabay turo sa mga make-up na ginamit namin. "Invited si Glen?" Tanong ni Tenzy pero nagkibit balikat lang ako. "I don't know, maybe?" Napakunot ang noo si Tenzy saka nakasimangot na lumabas ng dressing room ko. "Ma'am," ani Aira sabay bigay ng isang pack ng wipes na agad kong kinangiti. "Thanks," Nagsimula na akong magbura ng make-up. I have a very heavy make up and I don't like it. Ang bigat na ng mukha ko. "After mall show uuwi muna ako." "Opo." Nagsimula akong magtanggal ng make up para medyo makahinga ang balat ko. Lalagyan rin naman mamaya kaya okay lang. I am more comfortable in my bare face. Natapos lahat ng mall shows namin at halos mamatay na ako sa sobrang pagod. "Okay, mauna na ako," paalam ni Tenzy kaya pumasok na rin ako sa Van ko. Pinili kong mahiga saglit sa sofa bed. Pinilit kong matulog kahit five minutes lang pero hindi ko rin nagawa. Pagkarating namin sa bahay agad akong naligo at nag-ready para sa pupuntahan kong party. We will celebrate his birthday in a high end bar. So I need to wear a hot and sexy dress. Kailangan kong makibagay. Jake: Don't forget my gift. Napangiwi ako saka tinapon ang phone ko sa kama. I wore a maroon tube and I also got a cardigan. I partnered it with my black LV leather skirt and four inches gucci stiletto. Nag mirror shot muna ako sa walk it bago tuluyang bumaba. "I'll drive, Mang Joey," sabi ko sa driver kaya agad rin itong tumango. Pinalabas niya ang kotseng gagamitin ko. It was a white Toyota Sedan and It's my favorite car among all of my cars. Hindi pa ako nakakalabas sa village ay nag-ring na kaagad ang phone ko sa isang tawag. It's Jake, by the way, that maarteng bakla. Binilhan ko pa siya ng Gucci na gift kasi nga maarte siya. And d*mn him, parang nginangarag niya pa ako. "What?! Papunta na nga," inis na bungad ko pagsagot ko kaagad. I could hear so loud music in the background so I rolled my eyes. "Really? Come here na! We'll hunt guys! Tutal ayaw mo naman kay Glen! Wahahahha!" Binabaan ko na ng tawag saka nagfocus nalang sa pagmamaneho. Medyo matagal rin bago ako nakapag park sa parking bar kung saan gaganapin ang birthday. We'll just drink and dance! Maglalasing sila for sure. Lahat ng invited mga wild! I don't even know why I came! This bar is for really rich people only. Kapag pumasok sa loob walang arti-artista. This place is made for parties! Parties for rich people! Nasa isang private room sina Jake kaya agad rin akong dumiretso doon. Napangiwi ako nang maabutan ko kung ano na ang mga ginagawa nila. They are dancing while someone is singing in karaoke. "Baby Girl!" agad na sigaw ni Jake nang makita ako. Akala ko yayakapin niya ako o ano pero kinuha niya lang ang dala kong gift. "What the f*ck—" "Let's party!" "Joyce! Glen is there!" sabi ng ilang artista na naroon rin. I even saw Kevin. Sinubukan kong hanapin si Bianca pero wala akong nakita kaya umupo nalang ako sa tabi ng isang tahimik na direktor. May nagbigay sa akin ng red wine na agad ko rin namang tinanggap habang pinagmamasdan ang mga nagsasayang artista. Nawala na lahat ng class nila na madalas pinapakita sa tv. They are all wild and drunk. May mga magkasintahang tunay, may mga naglalabas ng totoong anyo. This is the show business. Ang hirap ng trabaho namin. We can't even be ourselves in front of all people. Kailangan naming magpanggap para kumita at magpasaya. "Let's go out!" sabi ng kung sino sabay hila sa akin. Nanlaki nalang ang mata ko saka nagpatianod. Lahat kami lumabas para makisalamuha sa mga taong nandirito. "Be careful! Mga artista!" natatawang sabi ni Jake bago humalo sa dance floor na puno ng tao. I laughed and danced with them because why not? I am here to party. Trabaho na bukas ulit. "You are so beautiful!" sabi ni Pio na isa ring artista pero hindi kasing sikat ko. "Thank you! You look good also!" Namula siya kaya agad ko siyang iniwan. "Kev, where's Bianca?!" inismiran ako ni Kevin kaya nangunot ang noo ko bago siya tinulak ng mahina para dumaan. "Joyce!" Natawa ako bago tuluyang lumayo sa dance floor. "Aizen!" "Ay put*ngina," mariing bulong ko sabay tingin sa likuran kung saan ko narinig ang sigaw na 'yon. Nanlaki nalang ang mga mata ko dahil saktong paglingon ko tumama ako sa isang matigas na bagay. Napamura ako sa isip ko nang maamoy ang amoy na pilit kong sinuksok sa pinakailalim ng utak ko. "Aizen!" "Oh s**t," mariing mura ko bago tuluyang lumayo doon at halos patakbong pumunta sa restroom. "Joyce!" Hindi ko na pinansin pa ang mga tumawag at kaagad nang pumasok sa restroom para doon huminga ng malalim. Napapaypay ako sa sarili ko dahil sa kaba na biglang umahon sa buong sistema ko. Nang tingnan ko ang mukha ko sa salamin pulang-pula ako hanggang leeg kahit isang sip lang naman ng wine ang nainom ko. Nang medyo kumalma agad akong lumabas saka bumalik sa private room kung nasaan kami kanina pero marami na ang humarang sa akin para mangamusta. Young politicians and male models who I worked with. May ibang artista rin akong nakasalubong na galing sa ibang network kaya hindi rin ako nagpakita ng pagka disgusto. "Bye, I wanna work with you soon." "Same," nakangiting sabi ko bago umalis. Bago pa akong makarating sa private room namin agad nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang makakasalubong ko. The f*cking young Billionaire, Aizen Santibañez is chatting with some guys who I know are as powerful as him. May sinabi ang isang senador na kakilala ko kaya sabay-sabay silang napalingon sa akin na agad kong kinagulat. Ngumiti sa akin ng matamis ang isang konsehal na mukhang unggoy kaya hindi ko na napigilan ang pag ngiwi. Ang nakaagaw lang ng atensyon ko ay ang mga matang malalamig galing sa isang tao na hinding-hindi ko makakalimutan. I swallowed and tried to avoid their direction but I was too late because one of them called me. "Joyce, right? Nice meeting you," sabi ng isang batang mayor na siyang unang nakalapit. Hindi ko alam kung bakit nagdalawang isip akong tanggapin ang kamay niya pero sa huli nakipag kamay na rin ako habang may ngiti ng kaunti. "Hi," bati ko rin kasi sunod-sunod na silang nagpakilala. "Aizen, you know her? Of course you knew, right?" Agad dinaga ang dibdib ko saka nagpilit nalang ng ngiti. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Aizen dahil sa tinanong nila na kasalukuyang pinaglalaruan ang shot glass gamit ang labi. "Yeah? Maybe? We knew each other right?" malamig na tanong niya pero natukoy ko doon ang panunuya dahil sa ngising pinapakita niya. And for the first time, for the first time my nervousness towards him faded away. Napalitan ng inis. "Yeah we knew each other, Mr. Santibañez," malambing na sabi ko habang nakatingin sa kanya kaya hindi nakalampas sa akin ang pasimple niyang pagsuyod ng tingin sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero unti-unting umalis ang mga kasama niya at siya na lang ang naiwang nakaharap sa akin. "Excuse me—" "Not so fast," he said before capturing my arm. Agad kong winasiwas ang braso ko na hawak niya kaya agad niya ring nabitawan. "Let's talk, can we?" seryoso pero may halong panunuya na sabi niya. Ngumiti ako ng sarcastic. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko. I am not drunk but I am so proud of myself for being this confident. "We can't, Mr. Santibañez. At ano namang pag-uusapan natin? Just forget all of your memories with me. Can you?" matamis na sabi ko na may halong panunuya rin kaya unti-unting lumaki ang ngisi sa labi niya. "You mean? That night? In Hong Kong? I'll forget how you moan—" "F*ck you!" I snapped and he chuckled like I was entertaining him back. "That was nothing! Naiintindihan mo? Wala lang—" "Says by the virgin huh?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa pangalawang beses hinagod niya ulit ng tingin ang buong katawan ko. And this time I felt conscious. "I never thought that you are into one night—" "Virgin nga eh! Edi sayo lang!" inis na putol ko sa kanya pero pinagsisihan ko rin kaagad. "Am I lucky then?" sinamaan ko siya ng tingin pero hindi nawala ang ngisi sa mga labi niya. He even licked his lips so I got distracted. Napakurap-kurap ako bago nag-iwas ng tingin saglit. "Forget about me! Hindi mo ako kilala. Get it?" sabi ko ulit ng makabawi. "I don't follow orders, you know that?" Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. "Forget about that night, forget about me! Because I already forgot about it!" "You think I'll believe you?" Mahina kong tinulak ang dibdib niya habang nanlilisik ang mga mata pero parang tuwang tuwa pa siya. "You act like we really know each other so well." "Shut up!" Tinaasan niya ako ng kilay kaya inirapan ko siya. "Joyce!" "Oh s**t!" mabilis na mura ko at saka siya nilampasan ng walang kahirap-hirap para puntahan ang tumawag. It was Tenzy! Nandito siya! "Who are you talking with?" seryosong tanong niya habang sinisilip ang pinanggalingan ko pero agad ko 'yong tinakpan ng katawan ko. "Just a former friend—" "Who?" "Wala, tara! Jake is there!" kunwari excited na sabi ko kaya agad rin siyang tumakbo papunta sa tinuro ko. Wala sa sariling nilingon ko kung nasaan ako nanggaling kanina nang makalayo si Tenzy at nakita ko na ang lalaking kausap ako kanina may kausap ng ibang babae. He is flirting! "Damn assh*le," inis na sambit ko bago sinadyang dumaan sa gilid ng babae saka malakas siyang binangga at hindi na lumingon pa ulit. "Ouch!" "Ouch," maarteng panggagaya ko saka tuluyang pumasok sa private room kung nasaan kami kanina. "Ang landi—" "Sino?" biglang pagsulpot ni Glen. "Ikaw," inis na sabi ko saka tinulak siya kaya napaawang ang labi niya sa gulat. "Joyce—" "Don't talk to me!" "Someone is in bad mood?" panunuya ng iilan kaya napairap ako saka kumuha ng isang shot ng tequila at ininom 'yon agad-agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD