Chapter 6

3003 Words
Chapter 6 "Uuwi ka na?!" gulat na sambit na Jake nang magpaalam ako kaya bahagya akong napatalon sa lakas nang sigaw niya. "Yeah, I am so tired. Wala pa akong magandang tulog. I have to," Naging matamlay ang itsura niya pero tumango na rin kalaunan dahil sa sinabi ko. "Fine, let's hang out soon. Kaloka, ang busy mo masyado. Iba talaga kapag best actress ano?" Napangiwi ako saka nagpaalam na sa lahat bago tuluyang lumabas ng room na nirentahan niya. "Joyce? Going home?" "Yeah, see you soon," sabi ko sa mga kakilala na nagtanong. Marami pa ang lumapit sa akin kaya hindi ako kaagad nakalabas. Nang magkaroon ako ng pagkakataon na takasan sila ay hindi ko na sinayang 'yon. I got my key on my purse before heading towards the parking. Nang akmang bubuksan ko na ang kotse ko may naaninag ako paparating kaya nilingon ko 'yon muna, na sana hindi ko na ginawa. "The best actress is going home? I thought you're a party girl?" Napairap ako. "Don't talk me," inis na sambit ko bago tuluyang pumasok sa loob. Nang maistart ko ang kotse ay hindi nagtagal namatay ito. Napaawang ang labi ko saka inistart ulit pero namamatay lang siya. Ilang ulit kong sinusubukan pero mga sampung segundo lang namamatay kaagad ito na siyang nagpainis sa akin. What the hell? Ngayon pa? Inis akong lumabas saka sinipa ang kotse bago humalukipkip. Nang buksan ko ang phone ko ay hindi rin iyon mabuksan kaya hindi ko na napigilan ang inis ko at tinapon ko 'yon. Malaking tunog ang ginawa ng pagtama ng phone ko sa kotse pero wala na akong pakialam. "What happened?" inis kong siyang tiningnan nang sabihin niya iyon. "You don't know me." "Tss, I am not playing here." Sinamaan ko siya ng tingin pero malamig niya lang ako na tiningnan pabalik kaya sa huli ako rin ang sumuko. "As you can see, I can't go home because of this car," inis na sambit ko. I don't even know why he's still here. "Let me try." Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang kusa siyang pumasok sa driver's seat saka sinubukang paandarin ang kotse ko pero ganoon rin ang nangyayari. Ilang ulit niyang ginawa pero wala pa rin. Napabuntong hininga na ako sa ikapitong subok niya dahil wala par in. It's my fault though, sana sinigurado ko muna na maayos ang kotse bago ko ginamit. "Sira," sabi niya nang makalabas kaya walang gana kong tiningnan ang kotse. "Yeah, obviously," sabi ko bago hinubad ang cardigan na suot sabay kuha ng purse sa loob ng kotse. "Thanks though," sabi ko matapos 'yon pero naningkit lang ang mga mata niya. I don't even know if it's true but I think I saw his jaw clenched. "And?" tanong niya na ipinagtaka ko. "And?" I asked back. May inis na dumaan sa mukha niya at bahagya pa siyang napangiwi kaya bahagya akong natulala sa sabay na pagbabago ng emosyon. Napansin ko pa ang maliit na butil ng pawis na namumuo sa itaas ng ilong niya na dapat dugyot tingnan pero nakakaakit kapag siya. Seloso siya? "Seloso," wala sa sariling utas ko. "What?" Nanlaki ang mga mata ko at agad umiling ng mabilis. "I mean thanks, sasabay nalang ako sa RM ko pauwi," sabi ko at agad siyang nilampasan pero isang hakbang palang ay napahikab na ako. Sh*t, I am really tired and sleepy. "I can take you home. If that's okay?" Napalingon ulit ako sa kanya na gulat na gulat dahil sa narinig. Did I heard it right? O nag-iimagine lang ako dahil sa sobrang pagod? "Huh?" "I can take you home," ulit niya. Napalunok ako dahil sa pagkakataong 'yon parang na-hypnotized na ako ng mga mata niya. "Let's go," malamig na sabi niya kahit wala pa akong naging sagot. Sinundan ko siya nang tingin habang papalapit sa isang magarang kotse sa tabi lang ng kotse ko. Napalunok ako nang binuksan niya ang passenger's seat sabay tingin sa akin. His car is telling me how rich he is. Black Aston Martin. "Let's go," ulit niya kaya wala sa sariling naglakad ako papalapit. I shouldn't be doing this but I think my body has its own control now. Pigil hininga ako habang papasok. At sa sobrang panginginig ng kamay kahit paghila sa seatbelt ay hindi ko magawa. "Let me. " Napaawang ang labi ko ng siya ang kusang nagkabit ng seatbelt sa akin. Nang mapalingon ako sa kanya ay hindi ko inaasahang magdidikit ang mga ilong namin. Napalunok ako ng maging mas seryoso siya lalo. His eyes dropped on my half opened lips so I unconsciously licked it. Aksidenteng humagod ang kamay niya sa braso ko kaya hindi ko maipaliwanag ang init na biglang namuhay sa katawan ko. Napakagat labi ako dahil doon saka ilang beses na napalunok. The tension is too much. Nang magkatinginan ulit kami mas lalong nag-init ang pakiramdam ko nang mabasa ang kakaibang sinasabi ng mga mata niya. I know this too well, because his eyes looks like this when we shared our hot night in Hong Kong. "You kissed me first. Remember that," paos na sabi niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. I remember it too well. I remember how soft his lips were. I remember how I got so attracted to his lips so I kissed him first. I can clearly remember it. Sabay kaming napaiwas ng tingin sa isa't isa nang may kotseng biglang nag-start sa bandang unahan. Napalunok nalang ako sa kaba nang maisarado niya ang pintuan sa tabi ko bago umikot papunta sa driver's seat. Halos matuod ako sa upuan nang makapasok siya. Sumulyap siya sa akin saglit bago tuluyang pinaandar ang kotse. His car smells like him. "Can you wear your cardigan?" sabi niya at agad akong napailing. "No." "Why?" Hindi ko maiwasang lingunin siya. Naabutan kong tutok na tutok siya sa pagmamaneho pero nagawa niyang sumulyap sa akin ng isang segundo. "It's—" "Then wear my coat, at the back," Bahagya niyang tinuro ang backseat kaya napalingon rin ako doon. Nakita ko ang isang coat na hindi nakatupi ng maayos. "Wear it." Hindi ko alam kung anong nasa isip ko pero agad akong dumukwang para makuha iyon. Nang makuha ko ay agad kong inalis ang seatbelt para maisuot ng maayos ang coat niya. His manly scent immediately hugged my body. Nang lingunin ko siya ulit may kaunting ngisi na siya habang nasa daan lang ang tingin. Napatikhim ako bago tumingin na lang rin sa labas. "You didn't tell me your address." Nanlaki ang mga mata ko at nagkanda utal-utal pa sa pagsabi ng address ko. I literally want to slap myself right now. This is so embarrassing. Naipit pa kami sa traffic pero wala ni isang nagsalita sa amin. Parang hindi kami gumagalaw sa sobrang haba ng traffic. Napabuntong hininga ako saka napatingin sa kabilang sasakyan. The awkwardness could kill me right now. Kaagad na lumaki ang mga mata ko nang mamataan ang lalaki sa kabilang kotse na parang nakatitig sa amin. "Tinted 'to diba?" knakabahang tanong ko habang nakatingin sa lalaking hindi kumukurap habang nakatingin sa amin. "Yeah," I sighed and nodded with his answer. Bumalik ulit ang tingin ko sa lalaking nakatingin at narealize ko na mangha lang siya sa kotse. I thought I'll be the headline tomorrow. Joyce Lim spotted with Aizen Santibañez? I am famous but damn, his name is bigger than mine. Santibañez palang alam ng hindi basta-basta. "No worries you won't be the headline tomorrow," biglang sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko. Tumango lang ako ng marahan saka tiningnan ang paunti-unting paggalaw ng mga kotse. "Pwede?" tanong ko kalaunan sabay turo sa stereo ng hindi ko na makaya ang hangin sa pagitan namin. Tiningnan niya ako sandali bago tumango. Napapikit ako ng mariin dahil sa unang tumugtog. "This is all so crazy! Everybody seems so famous!" Agad kong pinatay ang stereo saka napatikhim. "The song is good—" "No, I don't like it," I spat. He chuckled so I swallowed really hard. Bumalik kaming dalawa sa pananahimik matapos 'yon. And the awkward silence ate us again. "Oh s**t," mariin na mura niya kalaunan saka agad tinigil ang kotse bago dali-daling bumaba. Agad akong nataranta kaya bumaba rin ako kaagad. "What's—" "What the f**k? Get inside," madiin na utos ni Aizen at bahagyang tinabon ang katawan niya sa akin. Lumingon pa siya sa magkabilang gilid. "Wait, ano bang nangyari?" Curious na tanong ko saka sinubukang sumilip pero madiin niya akong tiningnan. Huli na ng marealize ko ang tinutukoy niya. Agad akong pumasok sa loob ng kotse at kabadong tiningnan kung may nakakita ba sa akin. Napahinga ako ng maluwag nang makitang parang wala naman. Nang bumalik siya sa loob ay agad ko siyang pinagtuonan ng pansin. "What's happening?" "No," malamig na sambit niya. "No, I am sure that something's going on—" inis niya akong binalingan kaya hindi rin natuloy ang sasabihin ko. "Not so serious, may nagkabanggaan lang. I don't know that you are so careless." Napasimangot ako ng kaunti bago tumingin sa labas. Hindi nagtagal ang pagtigil namin dahil sa aksidenteng nangyari na medyo malapit sa amin. Kalaunan gumalaw na rin ang traffic at naging maluwang na. "Turn," pag-instruct ko nang makita ang village namin. Tiningnan niya ako ng malamig kaya natahimik ako saka umayos ng upo. Pinahinto ng guard nang dumating kami sa gate ng village kaya napakagat labi ako. He opened the window on the driver's seat so the guard immediately saw me. I smiled awkwardly at the guard. Kitang-kita ko na nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa bago tumango. This village is exclusive. They value privacy, thank God. "Number 13," sabi ko nang makita ang bahay ko kaya dahan-dahan rin niyang hininto ang kotse. Nang tumapat sa gate agad ko siyang tiningnan para magpasalamat pero hindi ko rin nagawa kasi nakita kong nakatingin siya sa bahay ko na parang sinasaulo ang lahat. Nang mapalingon siya sa akin ay nang-init ang pisngi ko kasi napansin niya akong nakatitig. I cleared my throat. "Thanks," awkward na sabi ko bago bumaba. Hindi ko inaasahan ang pagbaba rin niya. Pilit akong ngumiti saka patakbong pumunta sa gate saka nagdoorbell, nang mabuksan ay wala na akong ibang inisip kundi pumasok sa loob. Nang marinig kong umalis ang kotse niya doon lang ako nakahinga ng maluwag. "Oh My God," gulat na sambit ko ng mapansin ang coat na suot ko. Napakagat labi ako saka wala sa sariling pumasok sa loob, dire-diretso papunta sa kwarto ko. I smell really like him. Dumikit ang amoy niya sa akin. Pagkatapos kong mag-ayos hindi na ako nakaramdam pa ng antok. Dilat na dilat ako habang nakatitig sa ceiling. Parang naaamoy ko parin ang lalaking lalaking amoy niya. It feels like he's just near me. Hindi ako makatulog at parang hindi ako tinatablan ng antok. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako kalaunan at paggising ko alas siyete na ng umaga. Napamura ako ng malutong dahil malelate na naman ako. Hindi nga ako nagkamali dahil agad may kumatok sa pintuan. "Ma'am!" "Oh My God!" Nasabi ko bago tumakbo papuntang bathroom. I suddenly remembered my phone. Tinapon ko pala 'yon. I stored a lot of private stuff on that phone. How can I forget about it? "Aira? Tell Tenzy that my phone got lost!" Dali-dali kaming bumiyahe papunta sa studio kung saan ako magso-shoot ng commercial. Pagkarating namin doon ay agad akong sinalubong ng galit na Road manager. "Joyce, what do you mean that your phone got lost? Paano kapag may nakakita? Paano kapag nabuksan nila? Oh My God Joyce! Hindi ka nag-iingat!" Inis akong napasabunot sa buhok ko. "I forgot, I'm sorry." "My God, Joyce! Hindi ko na alam! You are so careless!" "Tenzy, call someone to block my phone—" "Who?" I sighed and shook my head. Tahimik akong nagdasal na sana walang nakakita. Sana naapakan ng kotse para basag na basag na at hindi na magamit pa. Sana sira na 'yon. How can I forget about my phone? Mura nang mura si Tenzy habang nagtatawag ng kung sino habang inaayusan ako. Ramdam na ramdam ko ang galit at inis siya dahil sa pagtitimpi niyang sumigaw ng malakas. Namumula na rin siya at halos itapon na rin ang phone. "Put*ngina!" "Ma'am," humihingal na tawag ni Aira sabay abot sa akin ng isang phone. Isang phone na kilala ko dahil akin 'yon. Nanlaki ang mga mata ko saka mabilis kinuha 'yon sa kanya. I checked my phone and it's not broken. Parang hindi ko tinapon. My case is customized so it has my name at the back. "Paanong napunta sa'yo 'to?" nagtatakang tanong ko pero umiling si Aira saka huminga ng malalim. "May nagbigay po Ma'am, lalaking naka-america na sobrang seryoso! Parang bodyguard ng isang presidente! Hindi ko alam! Basta sabi niya ibigay ko daw sa'yo." Napaawang ang labi ko saka chineck ang phone ko. Fully charged na 'yon at parang wala namang nagtangkang magbukas. It has password so I knew it. Sinong nagbalik? "Hindi mo tinanong kung sino?" Mabilisang umiling si Aira. "Umalis rin kaagad Ma'am." "Sure ka?" Tumango-tango si Aira at doon na sumali si Tenzy sa usapan. "Nandito na? Sinong nagbigay?" Sabay kaming nagkibit balikat ni Aira dahil wala kaming alam. Napaisip si Tenzy saglit. "Better change your phone, mabuti na ang sigurado. I'll order one for you," tumango lang ako pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino ang nagbalik nitong phone ko. Fans? Sa dami ng Joyce sa mundo hindi agad nila malalaman na akin 'to. And my lock screen is a flower! Hindi mukha ko. Tiningnan ko lahat ng laman ng phone, pati case tinanggal ko na rin para makasigurado pero wala akong nakitang iba. "Don't use that," tumango ako kay Tenzy sa ikalawang pagkakataon. Habang nagso-shoot ay hindi maalis sa isip ko 'yon pero nagawa ko pa rin naman ng tama ang lahat. "You sure hindi mo kilala ang nagbigay? Namukhaan mo ba?" tanong ko kay Aira pero umiling siya ulit. "Joyce! Joyce! We love you!" Dahil sobrang focus ang isip ko sa kung sinong nagbigay ng phone ko wala akong pinansin na fans ni isa. I am too preoccupied. Sinong magbabalik nitong phone? That is so impossible. Sinong bang nakakita noong tinapon ko 'to? No! It's not him. Hindi siya, I'm sure. Aizen Santibañez doesn't care at all. I knew it, hindi siya sigurado 'yon. But who? May stalker ba ako? Artista ako kaya di maiiwasan 'yon. "Palagi mong dalhin ang bodyguards mo para sigurado," paalala ni Tenzy saka pinuntahan rin ang dalawa kong bodyguards. I sighed because I suddenly feel so scared. Takot ako dahil baka may nagbabantay sa bawat kilos ko. Hater ko ba? What if that person installed something on my phone to know everything? "Tandaan mo ang sinabi ko. Cancelled na ang susunod mong shoot. Stay at home, Joyce. I am warning you, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Mas mabuti na ang sigurado." Imbes na matuwa dahil sa pag cancel ni Tenzy ay mas lalo pa akong natakot. Sobra ba 'tong seryoso? Kahit si Tenzy nababahala. "Irereport ko 'to—" "No—" "We need to be sure, Joyce," madiin na banggit ni Tenzy kaya tumango lang rin ako. Kahit nasa loob ng van ay hindi ko maiwasang mabahala. Someone's after me? What if yes? May nakalaban ba ako? Or insecure people who wants to ruin me? Imbes na umuwi sa bahay ay nagsabi ako sa driver na dalhin ako sa pinakamalapit na shooting range track. Madalian akong nagbihis ng sports bra saka leggings bago pumasok sa loob. May alam ako slight sa pagbabaril. I did a lot of action films before but I forgot how to do it correctly. I need to freshen my mind, for me to be able to defend myself? Basta lang. "Magaling po Ma'am,” sabi ng nagtuturo sa akin kaya napatango ako at napangiti. "Mr. Santibañez is here," sabi ng isang instructor sa hindi kalayuan kaya napatingin ako doon. Wala sa sariling sinundan ko ng tingin ang instructor na nagsabi at nakita kong sinalubong niya si Clark and Aizen. Napalunok ako dahil agad nagtama ang mata namin si Aizen pero agad 'yong tinabunan ni Clark. "Joyce? You're here? Action movie?" tanging pag-iling lang ang sagot ko at kusang dumiretso ang tingin ko sa likuran niya. Bahagya rin siyang napalingon doon kaya napakurap ako ng bahagya saka tumikhim. Clark chuckled and looked at me like he's teasing me. "Joyce?" natatawang tawag niya pero inirapan ko lang. "Don't worry, I can keep a secret," dagdag pa niya kaya nginiwian ko siya kaya pumunta na lang siya sa katabi kong cubicle habang tumatawa. Inis ko siyang binalingan pero agad rin akong napalingon sa likuran ko dahil sa presensyang lumapit. The cold and serious face of Aizen Santibañez welcomed me. Bahagya itong napalingon sa kapatid niya na tumatawa pa rin bago binalik ang tingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin saka sinubukang itutok ang baril sa target. I have no plans to shoot but someone hold my arms to fix my position. "Wrong," mahina at pabulong na sabi niya bago hinawakan ang kamay kong nasa trigger at agad pinutok ang baril. Hindi ako makahinga dahil doon. "Aiz, are you the instructor?" natatawang sabi ni Clark sa kabila kaya agad akong binitawan ng kapatid niya. Kinuha ko ang nasa tainga ko saka mahinang tumikhim. "Got your phone?" Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw ang bumalik?" gulat na tanong ko. Is this for real? "Yeah," tamad na sabi niya saka pumunta rin sa kabilang cubicle bago nagsimulang mag-assemble ng baril. Namangya pa ako dahil sa bilis niya na parang sanay na sanay kaya natigilan ako. At hindi pa ako matatauhan kung hindi lumapit sa akin ang bodyguard ko. "Ma'am, sabi ni Sir Tenzy umuwi na raw kayo," balita ng bodyguard ko kaya napabuntong hininga ako bago tumango. Sumulyap pa ako kay Aizen sa huling sandali na nakaposisyon na bago tuluyang umalis doon. Hindi ko na kailangang magpalit ng phone kung gano'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD