Chapter 7
"Ate!"
Nawawalan ng pasensya kong nilingon ang kapatid ko na kanina pa ako kinukulit. She wants to be part on this certain big project and she wants me to help her. The director is really a great friend of mine. But I won't, that would be unfair.
"Bree, kung gusto mo mag-audition ka," madiin na sabi ko pero napapadyak siya sa inis.
She is so spoiled and childish. Paano siya magkakaroon ng kinabukasan sa showbiz kung ganyan siya? If she let her fans know that attitude, she'll be bash. Lahat ng gusto niya gusto niyang makuha.
"Why would I? You are here to help me—"
"Why don't you just study hard?" Inirapan niya ako sa sinabi ko kaya mas lalo lang naubos ang pasensya ko.
We are sisters but we don't really look alike. Her father is a pure Filipino so she has this Filipino features. Unlike me who has chinese blood because my father is half chinese. Her skin is tanned and mine is fair. Her hair is naturally black and mine is a little bit brown. Pero hindi ko na napreserve kasi ilang beses na rin akong nag hair color.
Bree is beautiful, but to be honest she is not that head turner. Kung itatabi siya sa ibang magagandang artista na nagsisimula palang ay hindi siya kaagad napapansin. She is not that tall also. At her age she's just 5'2. Mama is tall and her father is kinda short.
"Ate—"
"Tigilan mo ako Bree. You want everything to be easy? Alam mo ba kung ano ang takbo ng industriyang gusto mong pasukin? For God's sake, you need to work hard. Hindi dahil gusto mo ibibigay kaagad."
She rolled her eyes again. "Fine, Mama is right, you are so selfish."
Napairap rin ako nang tuluyan na siyang lumabas ng bahay ko. That kid is so spoiled.
"And Ate! Don't you dare go to our house!"
Nagtiim bagang ako dahil sa huling sigaw niya.
"I paid for everything in that f*cking house mind you!" sigaw ko rin na sana ay narinig niya.
Inis akong umupo sa couch saka inis na yumakap sa unan. Pinipilit niya ang sarili niya sa pag-arte. She just want the fame, I don't even know if she has a talent. I didn't even heard her sing. And dance? Damn, nagpapasexy lang siya sa t****k.
Ilang minuto ko siyang siniraan sa isip ko hanggang sa makuntento na ako.
I am so happy today so I need to get her out of my head. I have a whole day rest and that is so good. Dito lang ako sa bahay buong araw.
Habang papaakyat ako sa kwarto ko biglang nag-vibrate ang phone ko. I am still using my phone, I told Tenzy that I knew someone who gave it back. And that's the truth. Kilala ko naman kasi kung sino ang nagbalik.
Tenzy:
Joyce, I emailed you the lyrics of your new single. Check it, we'll talk about it some other day.
Napabuntong hininga ako saka binalewala nalang 'yon. Check lang naman, mamaya na.
"Manang, lalabas po muna ako," paalam ko sa kasambahay bago tuluyang lumabas.
Halos lahat ata ng neighbors ko dito ay mga artista kaya kami-kami lang rin ang nagkikita. Walang paparazzi at walang chismosa. We are all in one village.
"Joyce, free day?" Natawa ako ng kaunti saka tumango sa isang artistang kaibigan ko rin na mukhang papaalis lang ata.
"Yeah, sinusulit ko."
"Yeah, have a good day."
I smiled again and start jogging all over our village. Limang beses kong nilibot ang buong village para mas lumabas ang pawis ko. Hingal na hingal akong napaupo sa park ng village pagkatapos habang naghahabol ng hininga.
Tumutulo ang pawis sa noo at leeg ko. I am wearing a sports bra and leggings so I am comfortable. May mga nakita pa ako na nag jojogging rin pero hindi ko na pinansin.
"Joyce!"
I waved at someone who called me as I jogged back to my house.
Nang nasa harap na ako ng bahay ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na kotse. I forgot about that car. Nasira pala ang kotse ko! Hindi ko na nabalikan.
"Good Morning, Miss Lim, your car is already done," sabi ng lalaking bumaba mula sa driver's seat.
Gulat lang ako na napatingin sa kanya.
How? Nasa akin ang susi. Isang ngiti lang ang binigay niya sa akin. Tiningnan ko ang kotse at sigurado kong akin 'yon.
"How—"
"Mr. Santibañez ordered us to fix your car, Miss Lim. Please sign this," nakangiting sabi ng lalaki. He's very professional and I think he doesn't know me. Parang hindi niya ako kilala bilang artista.
Kahit nagtataka ay pumirma lang ako sa pinapapirmahan niya.
Mr. Santibañez? Is that Aizen? Pinaayos niya ang kotse ko? And why the h-ll did I forget about this car?
"Thank you po. Have a good day."
Nang makaalis sila nakatitig parin ako sa kotse ng hindi makapaniwala. This is mine? So may utang ako kasi pinaayos niya?
"Mang Joey, ipasok mo please," sabi ko sa driver saka nagmadaling tumakbo papunta sa kwarto ko.
Kahit pawis na pawis ay agad akong sumalampak na kama saka inabot ang laptop. I bit my lower lip and search for Aizen's name on my IG account. Pero kumunot ang noo ko kasi wala akong makita ni isang connected sa kaniya. I tried searching him on f*******: and twitter too but no one came out.
Wala siyang social media? That's so odd.
Agad ko siyang sinearch sa google. And this time I have no plans to find some way to contact him. I am just curious. I know him but I don't know him enough.
"Aizen Quel Santibañez, Ceo and billionaire," I murmured while eyeing the screen.
Aizen Quel? That's his real name? He is so private. 'Yon lang ang lumabas, pangalan niya lang, trabaho niya, his parents, also his siblings. Anak siya ng isang aktres at nasa modeling and show business rin ang mga kapatid pero napakaprivate niya.
I know that their father is a private person, too. Doon kaya siya nagmana? I knew Clark as a social media person, I am following him. He's a model so he is not very private. Bella too, pero itong panganay nila wala talaga.
Nag try pa akong isearch ang ibang tungkol sa kanya pero mga business magazine lang ang lumalabas kung saan feature ang kompaniya niya.
Sa internet world napaka-private niya. But a lot of people knew about him. He's just too gorgeous to forget. I mean....yeah.
Kailangan ko siyang bayaran ngayon?
But how? I don't even know where to see him.
Buong araw kong naisip 'yon kaya nang gumabi agad akong nagbihis at nagpasyang pumunta ulit sa bar kung saan kami nagkita.
"Ma'am—"
"Aira, baka sa condo na ako umuwi mamaya. I'll just text you and you know what to bring,"
"Opo."
Agad akong nagdrive paalis dala-dala ang kotse na kakaayos lang. I can't hide my smile because I can't believe that he fixed this car, I mean he paid someone to fix this car. And he returned my phone also.
So, Mr. Aizen Santibañez is possessing humanity inside of him.
Agad akong bumaba nang makapag-park. I breathed hard before finally entering. Agad kong nilibot ang mga mata ko para hanapin ang taong sadya, baka nandito. Sumiksik pa ako sa dancefloor para makadaan papunta second floor.
"Joyce?!"
Napanguso ako saka nawalan na ng pag-asang makita kung sino ang tumawag sa sobrang sikip. May tinulak pa akong isa para makadaan ng maayos.
Nang makarating ako sa second agad kong hinanap mula doon ang hinahanap ko. I am trying to find Aizen in here. To pay my dept? And to say thank you, of course. I owe a lot from him, I can't deny that.
Sa sobrang paghahanap ko may namataan akong pamilyar na babae. Ang babaeng kausap niya noon. Agad kong tiningnan isa-isa ang kasama ng babae pero hindi ko nakita ang hinahanap ko. Napabuntong hininga nalang ako saka nag-order ng ladies drink.
He's a businessman, I'm sure busy 'yon. But his nightlife is not active? I doubt that.
"Look who's here?" Napangiwi ako ng marinig ang boses ni Glen sa tabi.
"Oh, I am not expecting to see you. Excuse me," mataray na sabi ko bago ko siya iniwan. Rinig ko pa ang mahina niyang halakhak habang papalayo ako.
"Loveteam! Take care!" sigaw niya pa.
"D*mn, that guy," inis na sambit ko bago tuluyang lumabas ng bar.
I guess he's not here tonight. I'll just pay him once I see him. Kahit next year pa.
I decided to leave and drove towards the nearest Starbucks and ordered a coffee. And then when I saw that it's not too late, I decided to visit a friend's exhibit. Nagsuot ako ng shades bago bumaba nang nakayuko. This exhibit is exclusive…that's what I thought, but a lot of reporters immediately flock over me.
Tinanggal ko ang shades ko saka pilit na ngumiti sa kanilang lahat.
"Are you invited, Miss Joyce? Do you wanna buy a painting?"
Ngiti lang ang sagot ko habang naglalakad papasok.
"Where's Glen? Bakit hindi po kayo magkasama?"
Ewan ko.
Nang tuluyan akong makapasok sa loob ay tinantanan na rin ako ng mga reporters. I lick my lips and tried to look for a perfect painting. I graduated in interior design but I didn't have a chance to use my skills. Because I am so busy with my other career.
Nagtingin-tingin ako sa mga painting at napapangiti nalang ako kapag nakakakita ako ng painting na punong-puno ng impormasyon. I don't love art as much as I love peace but I love to style, I love to design.
May nakita akong iilang magaganda pero hindi ako natetempt na bilhin. They are all beautiful but that not beautiful for me to buy. The painter is really good. Punong-puno ng emosyon ang lahat. Lahat may simbolismo kahit ang iilan ay mukhang weird.
"Nice one," I murmured while staring at the painting of a baby who's crying really hard.
"Aiz," I suddenly heard.
Nawala ang tingin ko sa painting saka napalingon sa gilid. Aizen Santibañez is standing hotly just one meter away from me with his three piece suit. Napatingin siya sa akin sandali pero may kausap pa siya kaya bumalik ang mga mata niya roon.
I took that chance to step closer to them. Wala naman akong balak makisali sa usapan, I'll just wait for them to finish so I could get a chance to pay him. And to say thank you.
Bahagya kong tinapik ang isang paa sa sahig habang hinihintay silang matapos sa pag-uusap. He's talking with a woman who's in her mid forties. Iisipin ko sana na may delekadesa ang babae pero nakita ko ang pagningning ng mga mata niya habang nakatingin sa kausap.
I sighed loudly causing them to look at me. Awkward akong ngumiti saka umiwas ng tingin.
"Yes, Mrs. Castillo, I'll check," Dahil doon napatingin ulit ako sa kanila.
Aizen is now walking towards me. Agad akong napatayo ng tuwid.
"You have something to tell me?" Agad akong napangiwi sa sinabi niya saka umiling.
"No, I mean yes, Ahm I mean—"
"What?"
Napatikhim ako dahil sa biglang pagkataranta ng isip ko.
Tumaas ang kilay niya habang may ngisi na bahagyang sumisilip. Napatingin ako sandali sa iilang dumadaan at iyon na lang ang kaba ko kasi baka may mag-report, may reporters pa naman sa labas.
I mean if you have a loveteam you can't talk to another man without an issue. Ang toxic ng show business dito sa Pilipinas.
"Yeah, I have something to tell you. Can we talk somewhere? I mean, you know," sabi ko pero hindi siya kaagad sumagot.
Naptikhim ako saka nag-isip ng mas maganda pang sasabihin.
"I need to—"
"Yeah let's go," Napaawang ang labi ko nang mauna na siyang maglakad. Ilang sandali pa ang hinintay ko bago sumunod sa kaniya.
Hindi ko alam kung saan ang balak niyang puntahan pero sumunod nalang ako ng lumabas siya sa isang pinto na alam kong hindi ang exit.
"Hey," tawag ko nang medyo maabutan siya kaya agad niya akong tiningnan.
Pero imbis na siya ang pagtuonan ko ng pansin, napaawang na lang ang labi ko sa gulat ng mapansin ko kung nasaan kami. We are in a room, a room that full of fantastic paintings. Parang lahat ng mahal at magaganda ay nandito. 'Yong parang para sa mga VIP lang.
"What do you want to tell me?" sabi niya kaya natigil ako sa paninitig sa bawat painting na nandito.
I cleared my throat and look at his face. Bumalik na siya sa pagiging seryoso at tamad niyang ekspresyon.
"You returned my phone and you repaired my car, I mean…yeah," medyo nahihiyang sabi ko pero ganoon pa rin ang mukha niya.
"And?"
I swallowed and nodded. I didn't know that it could be this hard talking to him right now. Guminhawa na ako kanina kasi hindi ko siya nakita sa bar.
"I'll pay you, how much?" mabilis na sabi ko saka nilabas ang checkbook mula sa purse na dala.
"Tss, I am not poor," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at biglang nakaramdam ng inis.
"Hindi ko naman sinabi. Pinaayos mo ang kotse ko kaya babayaran ko. That's how it works right?"
Tamad niya akong tiningan saka naglakad papunta sa pinto. Pero bago niya pa mabuksan ang pinto agad ko na siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
"Teka," sabi ko sabay hila sa kaniya ng kaunti na parang napalakas kasi bahagya siyang napaatras.
"I'll pay—"
"No need, it's fine. It's not that huge amount," Nanliit ang mga mata ko dahil sa malamig niyang sinabi.
"No, every centavo has a value. I'll pay," madiin na sambit ko.
Pero napairap siya sa panlalaking paraan kaya bahagya akong natigilan.
"D*mn, hard headed woman," bulong niya na rinig na rinig ko naman.
Agad kong binitawan ang braso niyang hawak ko saka naglagay ng amount sa check. Agad ko 'yong binigay sa kanya pero tila naiinsulto lang niya 'yong tiningnan.
Ang laki na ng one hundred thousand!
"Kulang?" hindi makapaniwalang tanong ko pa pero wala siyang naisagot.
"Are you insulting me?" madiin na sambit niya habang umiigting ang panga kaya bahagya akong napaatras.
"Huh?"
"I don't need your money," dagdag niya pa.
"But—"
"Siningil ba kita? No."
Napalunok ako sa biglang kaba.
Mas lalong dumoble ang kaba ko nang may kumatok sa pinto pero agad niya 'yong nilock.
"H-hoy!"
"Listen, I will not accept this," sabi niya sabay balik ng check sa kamay ko.
"Pe-ro—"
Tiningnan niya ako ng mariin kaya para akong tumiklop.
"Fine, kung hindi mo tatanggapin ang bayad, just tell me what to do. You have ask me something! Favor? Fine!" pagsuko ko
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya kaya bahagya akong natameme pero agad rin naman akong nakabawi.
"Favor?" I nodded like a strong girl.
Unti-unting bumaba ang mga mata niya sa labi ko kaya sa pagkakataong 'yon parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. My heart is literally pumping very hard. And it's kinda painful.
"Yea-h," kinakabahang sagot ko.
"Okay," nakangising sabi niya saka inisang hakbang ang pagitan namin.
Isang segundo lang naramdaman ko nalang ang malambot niyang mga labi sa labi ko habang dilat na dilat ako dahil sa gulat. He smirk on my lips but after that he began to move his lips, sucking my both lips.
Wala sa sarili akong napakapit sa braso niya habang hinahalikan niya ako ng marahan. I slowly close my eyes and I am about to respond but he stopped.
"Paid," he said before leaving me like he didn't do anything.
Tulala akong napahawak sa labi ko kasabay nang pagkabog ng puso ko. Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatingin sa pintong nilabasan niya.
What the hell?
Did he just kiss me? And damn! I was about to respond!
Nabobobo ka na naman, Joyce!