Chapter 1

2900 Words
Nagmamadaling mga yapak ang agad tumapak sa sahig ng NAIA Terminal 3. Lahat ay sadyang napapalingon sa nagmamay-ari ng mga hakbang na iyon. Those steps, even without looking to the owner, scream power and danger. Sa tangkad niyang 5'5 kung wala ang suot na three-inches black boots, mababakas ang awrang hindi gugustuhing makabangga ng kahit sino. Her face was stoic na kahit nasa ilalim ng salamin, kitang-kitang walang emosyon ang may-ari niyon. Tuwid na tuwid ang likod nito na hindi aakalain ng kahit sinong merong iniindang sakit ang katawang nagmamay-ari. The woman is on her dark brown fitted jeans with black turtle neck long sleeves. Suot ang itim na aviator, mukha itong isang modelo habang bitbit sa kanang braso ang may kalakihang LV overnight bag. Dere-deretso ang lakad nito. Walang pakialam sa paligid kahit halos manuot na sa kaniya ang titig ng mga lalaking nakakasalubong. Ang mga babae nama'y kung hindi napapasunod sa kaniya ng tinging may paghanga ay nakakunot naman ang mga noo o nakaismid. Malamang dahil sa insecurities. Pathetic creatures, and so she thought. What's with the rude stares kung hindi naman siya interesado sa mga kalalakihang kasama ng mga ito na halos mabali na ang likod sa kakalingon sa kaniya? Saktong paglabas niya sa arrival area, pumara sa kaniyang harapan ang isang itim na Bentley Continental GT. Pero bago pa man siya makahakbang papalapit dito, isang lalaking humahagunos ang mabilis na nakalapit sa kaniya. Bahagya pa siyang nagulat at agad na nairita nang marinig ang sinabi nito. "Miss, I'm sorry but are you perhaps one of the candidates for Miss International that will be held in Cebu? I'm Robert -," "Back off!" Dalawang mahina pero matalim na salita ang nagpaumid sa dila ng tila isang reporter. Namutla ito at agad na napaatras na siya namang ikinabangga nito sa lalaking kalalabas lang ng sasakyan. Mababanaag sa mukha ng driver ng kotse ang pinipigilang tawa na agad namang sumeryoso nang makita nitong tahimik lamang na nakamasid sa kaniya ang babae. Nakaangat na ang isa nitong kilay at halatang malapit nang sumabog. "You better get your ass out of here, dude. Pasensiya na, pero hindi siya isang beauty queen or what not." Tinapik nito ang balikat ng reporter. "P-Pasensiya na po Sir, M-Ma'am. Baguhan lang po kasi ako. I just followed my instinct. Ang ganda-ganda po kasi ni Ma'am." But was just answered by the woman's dead face. Muling humingi ng paumanhin ang lalaki sa naabalang babae. Isang matipid na tango lang ang isinagot ng huli bago nito tuluyang tinalikuran ang reporter. Halata na talaga ang pagkabagot sa mukha nito. Dali-dali namang kinuha ng driver ang bitbit nitong bag bago pinagbuksan ng pinto sa passenger seat ang sinundo. Nang makapasok sa loob ay agad niyang isinandal ang likod sa kinauupuan. Napahinga ng malalim si Astra. She closed her eyes for a moment before she felt Pascal got inside of the car. Ramdam niya ang saglit nitong paninitig bago binuhay ang makina ng sasakyan. "Welcome back to the Philippines, Lady X. Where to?" Mababa ang boses nitong nagtanong. Idinilat niya ang mga mata para katagpuin ang sulyap ng nagsalita. She met that stares na kilalang-kilala na niya sa matagal na panahon. "I don't have enough sleep, Pascal. I'd rather proceed in the sanctuary." "Then Sanctuary it is, Lady X." Matapos iyon sambitin ng kasama'y tahimik nang binagtas ng sasakyan ang daan palabas ng syudad. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto'y nagsimula nang tumugtog ang madalas niyang marinig sa tuwing sinusundo siya nito. Yesterday All my troubles seemed so far away Now it looks as though they're here to stay Oh, I believe in yesterday "Not now, Pascal. I'd strangle your neck if you'll not make it stop." She hissed. Minsan, nakakairita na rin ang pagiging cool guy ng taong kasama niya. Sa mga hindi nakakakilala sa tunay na ugali ng isang Pascal Delana, iisipin ng marami na suplado ito at barumbado. Tamang-tama sa trabaho nito bilang hacker/bodyguard niya kapag nasa Pilipinas siya o nasa ibang panig ng mundo. Pero para sa dalaga, isang maaasahang kaibigan ang lalaki. Bukod kay Giovani, ang binata lamang ang naglalakas-loob sa kaniyang lumapit at manita. Sa bawat misyon na meron si Astra, he serves as her eyes and preventor. Mahinang natawa si Pascal. Tila hindi naman ito nangamba sa kaniyang pagbabanta. "Masarap kasi ang umibig, Lady X. Try mo din minsan para malaman mong tama ako." Suddenly I'm not half the man I used to be There's a shadow hangin' over me Oh, yesterday came suddenly. Why she had to go, I don't know, she wouldn't say I said something wrong, now I long for yesterday. Inirapan niya ito at mas lalo pang inasar. "Still can't move on with that girl, Cal?" May bahid panunuya ang boses niyang tanong sa lalaki. She opened her eyes and there, she saw the man's smile faded. Bumusangot ang mukha nito at biglang pinatay ang kanta. Napailing na lamang si Astra. Hanggang ngayo'y denial pa rin ito sa naudlot na pag-ibig. With the last thought in her mind, Astra stilled. Even her smirking smile faded too nang may maalalang mukha ng lalaki. It's been there, in her dreams for the past years, pero tanging tindig lamang nito at blurred na mukha ang kaniyang naaaninag sa panaginip. Naiiling siyang ibinalik sa pagkakapikit ang mga mata. Those dreams are worthless, hindi dapat pinag-aaksayahan ng kaniyang oras. Right now, she can really feel the stinging pain of her whole body but she didn't care. Sanay na siya. Kahit nga ang mismong pagkuha sa mga bumabaong bala sa kaniyang katawan, ilang beses na niyang ginawa. Kaibigan na niya si kamatayan na lagi niyang kasama sa lahat ng oras. "Tsk, ilang beses ka nang pinagkakamalang beauty queen. Kung hindi lang ako naawa doon sa neophyte reporter na 'yon, sasabihan ko pa sanang you are indeed joining a pageant. 'Nga lang, baka mahugot mo na ang baril mo." Then he heartily laughed. "Shut up, Pascal. Inaantok ako so please, huwag kang mangulit ngayon." Hindi na nagsalita pa ang kasama pero nanatili naman itong nagha-humm ng kanta. Hindi na lang niya ito pinansin. Mas lalo lamang siyang naiinis kapag naaalalang totoo ang sinabi ng binata. Hindi iyon ang unang pagkakataong napagkamalan siyang beauty queen, model o artista. For a woman, it is indeed an honor to be mistaken of, but certainly, not for her. Pinili niyang matulog at ipahinga ang pagod niyang katawan. Meron siyang mahigit isa't kalahating oras para gawin iyon bago makarating sa kaniyang destinasyon. Isang beses siyang napamura nang hindi sinasadyang namali ang kaniyang puwesto at nasagi ang isang sugat. Isa iyong mababaw na saksak sa kaniyang tagiliran, medyo malalim sa tinatawag na daplis. She applied first aid for it pero aminado siyang marami pang sugat na natamo sa huling engkwentro. Hindi niya na iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil pauwi na rin naman siya ng Pilipinas. Her last mission was in Wuhan, China. She is an assassin. She hunts and kills people without mercy, but those who were lured by evil doings and became earthly demons. They don't know the word mercy kaya naman siya'y ganun din. In short, mga malalaking tao, lider ng mga sindikato sa iba't-ibang panig ng mundo. Astra Lazirri is the Eradicus' greatest assassin. She is ruthless kapag siya na ang nagtrabaho. "You okay, Lady X?" seryosong tanong ni Pascal. Bumadha na sa mukha ng binata ang pag-aalala. Mahinang tawa ang pinakawalan ni Astra pero agad ding napapikit nang muling kumirot ang mga sugat. She immediately remembered how she ended that scene less than 24 hours ago in China. "Damn that Sullivan. Akalain mo bang humakot pa ng isang batalyon ang sira-ulong iyon para lang masiguro na mapapatay nila ako? That f*cking idiot. He was so sure na napatay na niya ako nang tumalon ako sa pangatlong palapag." Napangiwi pa siya ng bahagyang ayusin ang pagkakalapat ng likod sa sandalan. Nababahala namang napasulyap sa rear view mirror ng sasakyan ang binata. "You need to be treated first, Astra. Ipapatawag ko si Dr. Pineda para papuntahin ng santuario." Tipid na tumango lamang si Astra. By now, she has loosened a bit dahil sa pag-aalalang nakikita sa kaibigan. Pascal Delana is the only man of her age na pwedeng makipag-usap sa kaniya ng ganoon. He's her friend since she was bared and lived in her current world. "Huwag mo naman sanang abusuhin ang katawan mo. Tandaan mong tao ka pa rin. Sanay ka mang masugatan ng bala at patalim, kailangan mo pa ring ingatan ang iyong sarili. Hindi gugustuhin ni Yael - " "Stop. Gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo," tumigas ang boses ng babae. Humugot na lamang ng malalim na paghinga si Pascal at itinuon na lang ang pansin sa daan. Maya-maya'y dinampot nito ang cell phone at may tinawagan. She heard him acknowledging Dr. Pineda's name. Hearing her brother's name pained her so much. Hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kaniya ang lahat. It's been ten f*cking years and yet, parang kahapon lamang nang mawala ito sa kaniyang paningin. It's been her nightmare at alam niyang hinding-hindi siya magkakaroon ng kapayapaan hangga't hindi ito nabibigyan ng hustisya. "A-ate, promise me babalikan mo ako dito. I'm s-scared." Umiiyak siYael dahil sa pagmamakaawang huwag niya itong iiwan. But she doesn't have a choice. She needs to be quick and she believes she can do it in a matter of five minutes at mababalikan niya ito. "Sshhh, I'll be back. Huwag ka lang maingay," nanginginig siya sa takot but fear should not consume her. Kailangan siya ni Yael at wala na silang pwedeng asahan. Mabilis siyang kumilos at lakas-loob niyang tinakbo ang cabinet kung saan ay nakita niyang may baril na nakatago. Pero hindi pa man siya nakalalayo, bigla na lamang niyang narinig ang sigaw ng kapatid. Kitang-kita ng kaniyang mga mata kung paano sinaksak sa dibdib ng salarin si Yael. Ipinanganak itong mahina ang puso kung kaya't nang mga oras na iyon, alam niyang imposible na. "Yaelllll!!!" halos madurog ang kaniyang puso nang makita niya kung paano bumulwak sa bibig nito ang dugo. Kasabay noo'y isang matigas na bagay ang tumama sa kaniyang ulo at bigla na lamang nagdilim ang lahat. Uminit ang gilid ng kaniyang mga mata kasabay ng pagkuyom ng kaniyang mga kamay. I will not stop, my brother. Justice is about to be served soon. Hinding-hindi siya titigil. She's almost there. Kailangan niya lang pagtagumpaying hindi siya mamamatay habang papalapit sa mga demonyong pumatay sa mga taong napakahalaga sa kaniya. Sa kaniyang mga magulang at sa nag-iisang kapatid. She has invested blood and silent tears to reach what she has become. She'll be for nothing kung hindi niya makakamit ang katarungan. An eye for an eye. Tooth for a tooth. Kung paano pinahirapan at binawi sa kaniya ang mga taong mahal niya ay triple niyang ibabalik sa mga ito. Napabaling sa tumutunog na cell phone ni Pascal ang kaniyang pansin. He answered it while glancing at her once in a while. She can sense who it is on the other line. "Po zoteri. Unë do ta informoj Zonjën." (Yes, Sir. I will inform the Lady) "The Godfather wants to see you," ani nito matapos ang pakikipag-usap nito sa tumawag. "He can see me once I want to meet him." she sounded not interested. "Nami-miss ka lang noon dahil ilang buwan ding hindi ka niya nakita." Pero hindi na sumagot si Astra. The man is Giovanni Ruci. Ito na ang nakagisnan niyang tao noong siya'y nagising matapos ang pagkakawala ng kaniyang malay ng araw na iyon. Ilang araw daw siyang na-comatose sa ospital matapos siyang nakitang nakahandusay sa isang masukal na gubat sa probinsiya ng Nueva Ecija. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makita pa ang mga labi ng mga magulang at kapatid dahil ayon dito, nailibing na daw ang mga ito nang magpa-imbestiga si Ruci. She was seventeen years old when that tragedy happened. Giovanni adopted and took care of her. He is a philanthropist at first to what she'd known but later, she learned about Giovanni's true identity. He is a Godfather. The Godfather of Eradicus, the world's leading secret organization of assassins na may limang dekada nang itinatag sa bansang Albania. "He's worried about you. Dederetso na lang ako sa manor pagkagaling ko sa'yo. I just need to make sure you'll be taken care of." "You don't need to take care of me, Pascal. I can manage." "Still, I have to." "Bahala ka, suit yourself. Gisingin mo na lang ako pagdating natin." Hindi na siya nakipagtalo dito. She's tired. Ayaw man niyang sumosobra madalas sa pag-aalala ang kaibigan, she chose to surrender dahil sa sakit at pagod na nararamdaman. Alam niyang hindi pa rin ito susunod sa kaniya hangga't hindi niya dadaanin sa dahas kaya wala na siyang pakialam sa gusto nitong gawin. Pero wala pa yatang sampung minuto ang nakakaraan nang halos mapasubsob siya sa unahan ng kotse. Bigla kasi itong pumreno sanhi para mamura niya ang binata. "Damn it, Pascal. I'll kill you! Bakit bigla kang pumreno?!" "It seems there is an abduction happening," at itinuro nito ang nasa unahan ng kotse. Naagaw ng mga tao sa labas ng sasakyan ang kaniyang pansin. Nakita niyang may isang lalaking nakapiring ang mga mata ang tinututukan ng baril at pilit pinasasakay sa isang van. Nasa limang katao ang mga abductors nito. Maliwanag pa sa sikat ng araw na kidnapping ang kasalukuyang nangyayari. Mabilis na nagdilim ang kaniyang paningin. Walang pagdadalawang-isip na lumabas siya ng sasakyan. Merong iilang mga tao ang nasa paligid pero hindi makaporma para tumulong dahil sa lantarang pagpapakita ng mga armas ng mga salarin. Mas nagulat pa lalo ang mga ito sa kaniyang paglabas. Tila nagtataka ang mga ito sa lakas ng kaniyang loob base sa kaniyang postura. "Astra - ," sinubukan siyang pigilan ni Pascal pero sinenyasan niya lang ito ng kaniyang palad. "Stay. Don't worry, kakausapin ko lang sila." Ngumisi naman si Pascal. Halata sa mukha nitong hindi naniniwala sa kaniyang sinabi. Batid kasi nito ang kaniyang ugali sa sandaling painitin pa ng mga g*gong ito ang ulo ng babae. Astra walked towards them, still wearing an aviator. Nagtataka namang napatingin sa kaniya ang mga suspek habang tahimik lamang ang biktima, nakikiramdam. Mabilis na naibaling sa kaniya ang pagkakatutok ng mga baril pero may isang biglang sumigaw. Napasinghap naman ang mga bystander, merong pang ibang tila nag-aalala para sa kaniya at sa biktima. Çfarë dreqin mendon se po bën? (What the hell you think you are doing?) Namilog ang mga mata ng isang salarin, "T*ngina, Diego sibat na! Huwag mong banggain 'yan!" Kumunot naman ang noo ng pinigilan. "Bakit, sino ba to? E babae lang 'to at parang hindi makabasag-pinggan," sabay lapit sa kaniya ng lalaki. Binitawan na nito ang taong kikidnapin. Anyo sana siyang hahaplusin nito sa pisngi ng nakangisi nang mabilis niyang inabot ang kamay nito at pinilipit. Sa isang kisap-mata'y bumaliktad ang katawan nito at humampas sa lupa ng balibagin ito ni Astra ng walang kahirap-hirap. That was the scene the man saw after immediately removing his blindfolds. On her peripheral vision, nakita ni Astra na natanggal na ang piring sa mga mata ng taong kikidnapin. Inangatan niya ito ng kilay nang makitang may plano pa yatang sumugod sa mga abductors. Sinenyasan niya itong huwag lumapit na sinagot naman nito ng pagsasalubong ng dalawang kilay. "You dare to touch me, hmm?" mapanganib ang boses ni Astra. Nakahiga na sa sahig ang lalaki habang ang tuhod ng dalaga'y nasa dibdib nito. Hindi na makahinga ang lalaki sa pagkakasakal ng dalaga sa leeg nito. Namumula na rin ang buo nitong mukha and he's now choking. Lakas loob na lumapit sa kaniya ang sumigaw kanina. "P-pasensiya na po, Lady X. Aalis na kami, h-hindi na namin papakialaman ang lalaki," may nginig sa boses nito habang tila nag-aalangang tulungan ang Diego. "Tell your boss whoever he is, huwag kayong magkakalat kung saan-saan." Her voice is full of danger. Natatarantang tumango ang lalaki habang si Astra naman ay tumayo na rin. "M-masusunod po, Lady X." Hindi na niya iyon pinansin. Agad siyang tumalikod at bumalik ng sasakyan ng hindi lumilingon. Narinig na lamang niyang humarurot papalayo ang sasakyan ng mga abductors pero sa bandang unahan ay nadakip din ng mga pulis. Walang anu-ano'y narinig niya ang pagtawag sa kaniya ng lalaking sinaklolohan. "Miss, sandali!" Pero hindi niya ito nilingon. "Miss, sandali lang!" Alam niyang humabol pa ito sa kaniya but still, she didn't glance at him. Bahagyang kumunot lamang ang kaniyang noo sa pamilyar na pagkabog ng kaniyang dibdib. "Let's go, Pascal," pagod niyang sabi sa kasama at mabilis na isinarado ang pinto ng kotse. "Now, what was that? I thought you don't want to be a savior? And looks like, the man knows you." May bahid panunuya sa boses ni Pascal. "Or perhaps, he just wants to know his savior?" sarcastic na sinagot ng dalaga ang binata. "I suggest for you to keep quiet, Pascal. Huwag ngayon." Singhal ni Astra dito. Pero ngumisi lang ito ng makahulugan at pumalatak. Ni hindi tinapunan ng tingin ni Astra ang lalaking nilampasan nila nang umandar na ang sasakyan. All she wants to happen is to just go and rest in her sanctuary. To hell with being a savior where in the first place, wala naman siyang pakialam talaga dun sa tao. O sadyang hindi niya lang ito agad na nakilala, pero bakit ang bilis bilis ng t***k ng kaniyang puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD