Chapter 2

2202 Words
As she sipped her cabernet sauvignon wine, Astra played the piano piece of her favorite song Moon River. Napapikit siya sa ginhawang idinulot ng alak. Walang emosyon niyang iginala ang paningin sa kaniyang paligid hanggang sa marating nito ang isang painting na nakasabit sa malawak niyang sala. It was a Naruto character did by Yael. Sa edad na sampung taon, masasabing may talento talaga ito sa pagpipinta.  She always thinks Yael is like Ishaan, the boy protagonist sa pelikulang Taare Zameen Par na paborito ring pelikula ng kapatid. The boy was very dependent on her na mawala lamang ang likod niya sa paningin nito, mabilis siya nitong hahanapin. Katulad sa nasabing pelikula kung saan ay mahal ng kuya ang bida, she dearly love her little brother more than anything.  Tumayo siya at nilapitan ang painting. Sadyang pinalagay niya ito sa mamahaling frame kasama ng iba pang gawa ng bata. She had a corner in her sanctuary kung saan nakalagay ang lahat ng gawa ni Yael. Ito ang natatanging alaalang iniwan sa kaniya ng kapatid at patuloy na nagbibigay sa kaniya ng lakas para harapin at ipagpatuloy ang nasimulan. "I will not stop, my little brother. Hanggang sa hindi nila napagbabayaran ang ginawa nila sa inyo nina daddy at mommy, I will not stop." walang emosyon niyang hinaplos ang ibabang bahagi ng painting habang sinasabi iyon. Natuon sa drawer ng study table na nasa ibaba niyon ang kaniyang paningin. Bahagyang nanginginig ang mga kamay niyang binuksan iyon at hinugot mula sa loob ang isang picture frame. Litrato iyon ng kaniyang mga magulang. Nakasuot ang mga ito ng kaniya-kaniyang doctor's coat habang nakangiting nakatuon ang mga mata sa camera. Dr. William Vidanes, MBBS, MS, Neurosurgery at Dr. Margaret Lazirri - Vidanes, M.D, Cardiology. Both of her parents were famous doctors. Ang ama niya ay sa US naka-base habang ang ina'y sa Singapore. Malayo man ang mga ito sa kanilang magkapatid, lagi itong gumagawa ng paraan para sila'y magkakasama. At the age of sixteen, tumayong magulang si Astra kay Yael. Kung hindi ang ina ang nakakauwi sa kanila sa Pilipinas, silang magkapatid ang ba-biyahe sa Singapore para daanan ang doktora at tutungo ng US para sa ama. Suwerte na ang dalawang beses sa isang taon kung umuwi sa PIlipinas si Dr. Vidanes. The latter was the former director of the neurosurgeon department ng isang sikat na international hospital sa Virginia, kaya given the reason, alam niya kung gaano kahalaga ang papel ng ama sa pinagtatrabahuan nito. Same goes with her mom, Dra. Vidanes. Ito ang tumatayong directress ng cardiology department ng National University Hospital sa Singapore. Her mom handled sensitive cases na sa una'y hindi niya lubusang maunawaan. Not until her parents were murdered a few hours after Yael was slaughtered in front of her. Isang buwan matapos siyang kupkupin ni Giovanni Ruci, doon niya nalamang hindi basta-bastang posisyon ang hinawakan ng kaniyang mga magulang. Both doctors were involved in CIA operations and research projects. Pinaslang ang mga ito sa karumal-dumal na pamamaraan matapos itong pahirapan ng mga demonyong salarin. "Naiinip na ba kayo ni Mom, Dad? I'm almost there, konting-tiis na lang. Justice will be served at malalaman na rin ng mga taong pumatay sa inyo kung ano ang kinuha nila sa akin." She gently caressed the picture. Umalingawngaw sa kaniyang isipan ang laging sinasambit ng ama mula noong bata pa siya. "Our love is as endless as the universe can reach, my princess. Let this be your guide when you are on your own."  those were always the words she can hear from her father. She bitterly smiled.  "It is, Dad. It is. And I will not stop hangga't hindi ko naibabaon sa lupa ang katawan ng mga demonyong dapat magbayad sa inyong pagkawala."  Humugot siya ng malalim na paghinga. Ibinalik niya sa loob ng drawer ang litrato bago tumalikod at dinampot ang CZ 75 pstol. Mabilis niya itong isinilid sa likuran matapos siguraduhin ang safety lock saka lumabas ng kaniyang sanctuario. Kailangan niyang lumabas para bumili ng mga bagay na wala sa kaniyang fridge. Kanina'y namura niya sa cell phone si Pascal nang makitang wala nang stock ng paborito niyang ice cream. She had a thing for Baskin Robbins' Black Walnut dahil ito ang paborito nila ni Yael. Wearing a black hoodie, lumabas ng kaniyang 3 three-storey bungalow ang dalaga at deretsong tinungo ang kinalalagyan ng kaniyang orange Ford Mustang GT. "Hey, baby. Let's take a ride," tinapik niya ang bubungan ng sasakyan bago siya suwabeng pumasok nang mabuksan ito gamit ang key fob. She drove to Greenbelt Makati from Calamba in less than 30 minutes. It's Sunday late afternoon at medyo maluwag ang kahabaan ng South Luzon Expressway kung kaya't nagawa niyang patakbuhin ang sasakyan ng higit sa normal na bilis. Kaka-park lamang niya ng kotse sa parking lot ng mall nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. It's Giovanni calling. After three rings, she answered the call. "Godfather." maikli niyang sabi. "Kur po vini në feudali?(When are you coming to the manor?)" malumanay ang boses ng lalaki. Giovanni is on his mid 60 at katulad ng kaniyang ina, isa itong purong Albanian. Magkaibigang matalik ang ina niya at si Giovanni. Kapwa nagmula sa mayayamang angkan sa lugar ng Fier kung saan ay kinikilalang pinakamayamang angkan ang kay Giovanni. The man had so much stories to tell about the friendship it had with her mom, making her comfortable to trust and end any doubts. She has proven that he sees her as his own daughter lalo na nang malaman niyang halos kasing-edad lamang niya ang nawala nitong anak. Ayon dito, itinakas daw ng dati nitong asawa ang tangi nitong tagapagmana. Monica Ruci despised the old man nang malaman nitong ang mga ninuno nito ang pumatay sa mga magulang ng babae. That unfaithful night, bumagsak ang eroplanong kinalululanan ng mag-ina nito. The boy was only eight years old at that time. A father's prince, kung kaya't nawasak ang puso nito nang malamang patay na ang anak. "Do të jem atje për tre ditë. (I'll be there in three days)." her voice is as cold as the ice. Siguro'y hindi na iyon magbabago dahil singtigas at singlamig na rin ng yelo ang kaniyang puso. "I've heard to Pascal, you've saved a soul yesterday. Now that is something." she can sense hope in his voice. Bigla siyang nainis sa tono ng kausap. Katulad ni Pascal, Giovanni is looking forward for her to at least lie low dahil tila nawawalan na siya ng balanse sa kaniyang misyon. Eradicus may be the world's premier organization of assassins, pero hindi ibig sabihin noon, papatay na lamang ng kahit sino ang isang katulad niya. They do have a code, and that code ought to be aligned to its principle. Walang sasantuhin kapag ang target ay binasbasan nang tatapusin, pero hanggang doon lamang iyon. They are still human and the godfather, like his friend, believes she needs to loosen up a bit dahil mukhang wala na siyang pag-asang magpatawad. Lahat ng taong pinapatay niya ay lumalabas na karumal-dumal ang pagkakamatay. A typical way for Eradicus' greatest assassin to kill her target. "I'm ending this call." hindi pa nakakasagot ang nasa kabilang linya ay agad na niyang tinapos ang tawag. Batid niyang alam ng matandang nainis siya sa mga narinig. Wala siyang panahong pakinggan ang opinyon nito. The old man knows her true intention kung bakit niya piniling maging siya kung ano siya ngayon. Wala siyang panahon sa pagiging malambot at matulungin sa kapwa. Mabilis na siyang naglakad papasok ng mall. Kunot-noo niyang binale-wala ang dalawang beses pang pag-ring ng kaniyang cell phone. Deretsong nakatuon ang kaniyang pansin sa tapat ng nilalakaran niya nang bigla'y may bumangga sa kaniya at mabilis na yumakap sa kaniyang beywang. "Mommy?!" "What the f*ck - " iritable niyang nasabi sa malakas na boses. Bago pa man niya naibaba ang tingin niya'y isang baritonong boses na ang kaniyang narinig. "Hey, You don't need to cuss!" ani nito mula sa kaniyang likuran. Nilingon niya ito habang nakayakap pa rin sa kaniya ang maliliit na mga braso ng isang batang babae. Nang magtama ang kanilang mga mata, saglit silang kapwa na natigilan at tila hindi nakahuma.  She's sure, the man in front of him was the man she was able to save with that kidnapping attempt yesterday. Nakita niyang nangunot din ang noo nito ng ilang segundo bago ibinaba ang mga mata sa batang nakapulupot sa kaniya. "Sophia, honey, come here." masuyong tawag nito sa bata. "Nooo!" umiiyak na nagmatigas ang bata kasabay ng mas lalo pang paghigpit sa pagkakayakap sa kaniya. "Sophia, she's not your mom." Patuloy sa pagsuyo ang lalaki. Huminga siya ng malalim at niyuko ang bata. "Let me hug my mom, dad!" mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa kaniya kaya naman mas lalo pa siyang nairita. Napilitan na siyang kalasin iyon. "Let go, child. I'm not your mom." Mababanaag sa kaniyang boses ang tinitimping inis.  Tila naramdaman naman iyon ng bata. Saglit itong natigilan at unti-unting lumuwag ang pagkakayakp sa kaniya. Pero sige pa rin ito sa pag-iyak. "Kunin mo na ang anak mo, Mister. I hate kids and I don't want to hurt one," she snapped. His chiselled face clenched, halatang hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. Mabilis nitong kinuha ang bata at inilayo sa kaniya. Narinig niya pa ang paghugot nito ng malalim na paghinga. Iritado namang nagpatuloy na sa paglalakad si Astra hanggang sa tuluyan na itong makalayo sa dalawa. _________________________ Kung ilang beses nang pinagsususuntok ng bata ang ama nito pero hindi pa rin natinag ang lalaki. "Sshh, sshh, stop it, Sophia." "I want my mom! I want my mom! That woman is my mom!" walang tigil sa pagta-tantrums ang bata. Sumasakit na ang ulo ni Jarred. More than 48 hours na siyang walang tulog but he doesn't have a choice. Ayaw sumama ng anak niya sa bago nitong yaya ng wala siya at halos lumayas na rin ito dahil sa mga pinaggagagawa ng bata. "Sophia, stop it. Hindi siya ang mommy mo." ibinaba muna ni Jarred ang bata sa isang sulok ng mall na iyon saka hinawakan sa magkabilang balikat para aluin. "You know that she's not with us anymore, right? Kakabisita lang natin sa kaniyang puntod nakaraang araw." masuyo niyang hinaplos ang malambot na buhok ng bata. Nakaluhod siya sa tapat ng anak para pumantay sa mga mata nitong walang tigil sa pagluha. Humihikbing kinukusot nito ang dalawa nitong mga mata. "But she really looks like my mom, daddy." Natigilan si Jarred sa narinig. Truth to be told, that woman really looks like her late wife. Binangga ng kaba ang kaniyang puso. May isang posibilidad na gustong pumasok sa kaniyang sistema pero agad niyang binalewala iyon dahil sa paniniwalang tila napaka-imposible namang mangyari. Bakit hindi imposible, Jarred. Lalo pa't ipinagtapat naman sa'yo ni Chloe ang katotohanan bago siya namatay.  Mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo nang maalalang katimbre ng boses nito ang babaeng tumulong sa kaniya kahapon. Hindi niya iyon makumpirma dahil ang babae kahapon ay may suot na aviator at nakatali ng mataas ang mahaba nitong buhok. Ang babae kanina ay malayang nakatigil sa magkabilang balikat ang alon-alon nitong buhok habang nakatabon sa ulo ang hood ng suot na sweatshirt. Kitang-kita niya kung gaano katalim ang mga matang iyon. She's got that bluish expressive eyes na tila punong-puno ng galit, pero hindi maitatangging napakaganda at nakakabighani. And they got the same tone of voice - malamig at tila walang emosyon. Humugot ng malalim na paghinga ang lalaki. Nang ibalik ni Jarred ang pansin sa anak, unti-unti na itong kumakalma kahit panaka-naka pa ring humihikbi. "Come on, baby. Nalulungkot si daddy sa tuwing nakikita kang umiiyak. How about we'll go to your favorite ice cream shop and have some scoops?" pilit pinasisigla ni Jarred ang boses. Mahinang tumango-tango naman ang bata bago ito umaktong magpapakarga sa ama. Hinalikan ng lalaki ang noo ng anak bago ito masuyong kinarga. Pilit niyang itinatago ang malungkot niyang mga ngiti nang maalala ang kasalukuyang lagay ng bata. Sophia at her young age of five has an embedded bullet on her head. She was a victim of a stray bullet when they had father-daughter vacation in Milan two years ago. It was indeed a miracle when such kid on that age conquered death and woke up after threee months. Sinabihan sila ng doktor na gumamot sa bata na sobrang delikado kung ipipilit nilang matanggal ang bala sa ulo nito. Mas makabubuting hayaan na lamang daw muna iyon hangga't sa makakita sila ng panibagong pag-asa kung paano iyon makukuha ng ligtas pagdating ng panahon. Kailangan lang daw na pag-ingatang huwag mauuntog o maalog ng sobra ang bata dahil isa iyon sa maaaring maging sanhi na ikapahamak nito. "Are you feeling better now?" Masuyong hinaplos ni Jarred ang malambot nitong pisngi. Bahagyang maaliwalas na ang mukhang tumango-tango ang bata. Tila unti-unti na nitong nakalimutan ang pag-iyak kanina dahil sa nakahaing ice cream pint sa harapan. Tumunog ang cell phone ni Jarred. Hinalikan muna niya ang anak bago siya nagpaalam dito na saglit munang lalabas para sagutin ang tawag. "I'll take this call outside, honey. Stay here, okay?" Nagthumbs-up lang ang bata na sinagot niya rin ng thumbs-up bago tuluyang lumabas ng shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD