Chapter 3

2349 Words
"Hi." Kunot-noong napaangat ng kaniyang paningin si Astra. Awtomatiko siyang napabuntonghininga pagkatapos. This kid, she sighed. "My name is Sophia." pumalumbaba ang bata sa lamesa. May busilak na ngiting pumunit sa labi nito. Kamukha ng bata ang anak ni Iron Man sa End Game movie. "No one's asking. Go back to where you must be." walang emosyon niyang sagot dito sabay balik sa pagkakayuko para ipagpatuloy ang pagkain ng ice cream. It's her comfort food. Pero makulit si Sophia. Para pa nga itong matanda kung umasta at hindi man lang naalarma sa tono ng boses niya. "I'm Sophia Danae Laurente, five years old. What's yours?" ipinakita pa nito sa kaniya ang limang daliri. Hindi maalis ang pagkunot ng noo ni Astra. What's with the kid at kanina pa siya nito inaabala? "You know what? I really don't give a damn, kid. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo." iginala ni Astra ang paningin sa paligid. "Where's your guardian?" "He's talking with his girlfriend." the kid shrugged her shoulders and pointed her father's direction. Sinundan niya ang direksyong tinuro nito and there she saw the man. "Ano pong nakain niyo?" parang wala lang dito ang naunang sinabi, mas nakatuon ang pansin ni Sophia sa kaniyang ice cream. "Black walnut." wala sa plano niyang alukin ang bata. Napakamot ang dalaga sa kaniyang kilay. Ayaw na ayaw niyang may makausap na bata dahil nag-iiba talaga ang kaniyang pakiramdam. Muling sinulyapan ni Astra ang kinaroroonan ng lalaki. Bahagya itong nakangiti habang nakalapat sa kanang tenga ang cell phone nito at nakapamulsa naman sa likod ang isang kamay. The guy is tall, probably on his 6 ft. Bagay dito ang suot nitong eye glass. His sharp jawline made him look like Orlando Bloom pero moreno ito. "At nagawa pa talagang maglandi ng ama mo samantalang ikaw ay pinapabayaang kung saan-saan magsusuot." mahinang bulong ni Astra sa sarili na akala niya'y tanging siya lang ang nakarinig. "Ano po 'yung isusuot?" napakainosente ng mukha nitong tanong, idagdag pang ang cute -cute nito dahil na rin sa suot nitong bonnet sa ulo. Pinagmasdan niya ang kausap. Something in her heart flickered. The radiance in the kid's face is something, making her heart swell a bit. Si Yael ang naaalala niya as she is looking to the kid that very moment. "Wala. Huwag mo nang intindihin ang sinasabi ko." she said while her eyes laid back on the ice cream. Nang bigla'y naalala niya ang nangyari kanina.Tumikhim muna si Astra bago nagpasyang kausapin na lamang ang bata. "Bakit mo'ko tinawag na mommy kanina? Do I really look like her?" tanong niya dito.  Tumitig naman ito sa kaniya ng ilang segundo bago ibinaba ang mga tingin sa lamesa at nilaro ang hawak-hawak nitong little pony character. Her hair is golden na parang sa mais. Medyo maputla sa karaniwan ang bata pero masasabi niyang bibo ito. "Pareho po kasi kayo ng mukha ni mommy pero 'yung sa'yo po, parang palagi po kayong galit. Kapag mag ii-smile po kayo, mas pi-pretty pa po kayo. My mom was pretty pero parang mas nagagandahan pa po ako sa inyo." nasa laruan ang mga mata ng bata habang nagsasalita. Kamuntik na siyang masamid sa narinig. In front of her is a kid obviously longing for her mom na hindi niya alam kung bakit hindi nito kasama,sasabihan siyang mas maganda pa sa nanay nito? "So, where is she?" nakuha na ni Sophia ang kaniyang interes. "She's in heaven right now. Do you believe in heaven? You must be, dahil doon daw napupunta ang mga mababait." Natigilan siya sa sinabi ng bata. Bahagya siyang nakadama ng kaunting simpatiya dahil sa nalamang ulila na pala ito sa ina. Meron pala silang pagkakatulad. Then she smirked with the kid's question if she does believes in heaven. In hell, probably. Sa dami na ng napatay ko, I'd probably miss that place. "I'm sorry about your Mom." Pero nagkibit-balikat lamang si sophia at nangaumbaba sa kaniya. She was quite amused how the kid talked older than her age. Alam niyang napagsungitan niya ito kanina pero kataka-takang tila hindi man lang ito nag-aalangang lumapit pang muli sa kaniya. "Thea." huli na nang mapagtanto niyang naibigay na niya ang isa pa niyang pangalan na matagal na niyang hindi nababanggit. "Just call me Thea." Namilog ang mga mata ng bata kasabay ng pagpalakpak nito dahil sa tuwa. "I'm Sophia Danae Laurente. Nice to meet you, Tita Thea." inilahad ulit ng bata ang kamay nito. Doon na si Astra bahagyang nangiti pero pilit pa rin niyang itinago. "Did you know that we have the same name origin? Sophia means "having great wisdom", and Danae means "bright." "Wow. You think so?" tumayo na ang bata at lumapit sa kaniya para tumabi. "Yeah." tipid niyang sang-ayon dito habang nakatuon ang pansin sa mukha ng bata. "Pero kailangan mo nang bumalik sa daddy mo at baka hinahanap ka na no'n." tumayo si Astra at bahagyang inayos ang likod ng suot na hoodie. Tumayo na rin ang bata. Nakatingala ito sa kaniya habang siya nama'y nakahalukipkip. "Next time, don't just talk to strangers and never get distance from your dad. There are some bad guys who might do something bad to you. Hindi ka ba natatakot sa'kin?" Pero umiling lang ang bata at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Hind po. I know you're not a bad girl, Tita Thea. See, you look really beautiful when you smiled." Tuluyan na siyang natawa ng mahina. Pinipilit pa rin niyang huwag sana iyon makita ng bata but to no avail, sadyang gumaan ang loob niya dito. Sinabihan niya itong muli na bumalik na sa lamesang kinauupuan kanina. Kailangan na rin niyang umalis dahil may iba pa siyang pupuntahan. Aabutin na sana niya ang ulo ng bata para damhin ito nang sabay silang matuon ang pansin sa boses ng tumawag. "Sophia!" Nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Nakita niya ang papalapit na lalaki. Kunot na kunot ang noo nito at tila hindi nagustuhan ang nakikita. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin hanggang sa tuluyan na itong huminto sa harap ng bata. Nag-iba ang mukha nito nang tuluyang lumebel ang mga mata sa bata. Lumambot ito at halatang pilit ang ngiting ipinapakita. "I told you to just stay there in our table, honey." hinawakan nito ang bata sa magkabilang balikat at iginiyang aalis na nang bigla itong lumingon sa kaniya. "You stay away from my daughter, Miss." madiin ang pagkakabanggit nito sa mga salita. Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga bago ito pagak na natawa. Nawala ang kanina'y paglambot ng kaniyang damdamin dahil sa pakikitungo ng bagong dating. Talagang sabihan pa siya ng ganun?! Hindi na niya ito hinintay pang muling magsalita. Astra decided to just leave. She doesn't want to exert her efforts especially to this man na tila may kakaiba kung manitig. "Can I see you again, Tita Thea?" she was suddenly stopped by the kid who held her hand. Ilang saglit siyang hindi kumibo bago nilingon ang bata. Tinitigan niya ito ng saglit bago ibinaling sa ibang direksyon ang paningin. "Sophia Danae." She must eliminate the soft feeling dahil para sa kaniya, it will only bring confusion sa mga susunod niyang ginagawa. Besides, naniniwala siyang hindi na rin sila magkikita ng bata. "No. I have to go." wala na siyang pakiaalam kung nalungkot man ito. Ayaw na niya itong titigan dahil sa isang bahagi ng kaniyang puso, alam ni Astra na nasaktan niya ang damdamin nito. Mahina namang tumango-tango si Sophia, halata ang lungkot sa mukha nito kahit na nakangiti. Binitiwan na siya nito at bumalik sa lugar ng ama. "You don't need to see her again, Sophia. She's just a stranger. Umuwi na tayo." nagtatagis ang pangang sinabi ng ama nito. Napangisi si Astra sa tono ng pananalita nito. Tuluyan na siyang nainsulto dito. "Yeah, that's right. Just make sure next time, hindi mo iniiwan ng bast-basta ang anak mo para lang makipaglandian." she's pissed at kitang-kita ni Jarred kung paano nagsalubong ang kaniyang mga kilay sa inis. Namilog ang mga mata ng lalaki. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig. Si Sophia nama'y tahimik lang na nakamasid, papalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa. Nang-aasar na natawa si Jarred bago ito lumapit sa kaniya. Who the hell is this woman para pagsabihan siya ng ganun? Jarred slowly walked towards her and towered her. Pabulong itong nagsalita. "Now I know, it was you. You've just confirmed my suspicions dahil sa tigas ng puso mo. Pati bata, pinapatulan mo. Thank you for yesterday but we're now even as you have hurt Sophia's feeling." he towered her with those cold stares. Tumingala si Astra at nakipaglaban ng titigan. Pero siya ang naunang bumawi. Why it is so sudden, hindi niya maipaliwanag kung bakit sa presensiya ng bata at sa mga titig ng lalaking kaharap, she finds calmness and tranquility? Pakiwari niya'y nag-iibang tao siya nang mga oras na iyon. Hindi maipaliwanag ni Astra kung bakit hindi niya magawang magalit at maging isang Lady X sa harap nito gayung walang ibang taong nangangahas sa kaniyang maging magaspang. Even Pascal na matagal na niyang kaibigan.  Only this man. This man with no name. "Jarred!" So, Jarred ang pangalan. Ang ganda ng ngiti ng papalapit na babae. Maputi ito at tsinita. She's wearing a blue above-the-knee dress and moves with elegance. Mabilis siyang sumulyap kay Sophia na noo'y kunot-noong nakatingin pa rin sa kaniya. She didn't smile. She chose to turn her back para lumayo na sa mga ito. "Should I've known na ganiyan ka pala kawalang-utang na loob, pinabayaan na lang kita sa mga g*gong iyon." kausap niya ang sarili habang naglalakad sa parking lot. Inis na inis siya sa sarili lalo pa nang maalalang tila naging malamya siya kanina sa harap nito. Dahan-dahan siyang natigil sa paghakbang nang mapansin ang mga nilalang na unti-unting nagsisulputan sa kanyang harapan. Hindi bababa sa sampu ang mga iyon. Lahat ay pawang nakasuot ng itim na mga leather jackets. The Black Triad. Nangunguna sa mga ito ang tumatayong kanang-kamay ng lider ng grupo, si Cedrick. Humitit muna ito sa sigarilyo bago maangas nitong itinapon sa sahig at tinapakan.  "Lady X." malalim ang boses nitong nagsalita. Umangat ang kilay ng dalaga at malamig na nagsalita.   "What business brought you here?" kalmado ang boses ni Astra. Ni hindi mababanaag sa kaniya ang pagiging alerto ng mga sandaling iyon. The Black Triad is an underground organization led by the godfather. Si Cedrick ang naatasan ni Giovanni na maging kanang-kamay dito. It's a dummy syndicate created to have direct contact with the other groups in the underground. Ito ang paraan ni Giovanni para magkaroon ng koneksyon sa lahat ng sindikato sa buong mundo. Bahagya itong yumuko sa kaniya habang ang matatalim na mga mata'y naiwan sa kaniyang mga titig. Masasabi niyang tahimik itong tao pero meron sa kaniyang nagbubulong na huwag itong masyadong pagkatiwalaan. She knows as well that the man is dangerous only it's quiet most of the time. "The godfather wants to summon you. Pinasusundo ka sa amin." "What if I don't want to go with you, Cedrick? Pipilitin niyo ako?" Tiimbagang napalunok ang lalaki bago ito tumitig sa kaniya. Alam ng babae ang ibig sabihin noon. Hindi siya nito mapipilit pero magiging anino niya ang mga ito hanggang sa masunod ang gustong mangyari ni Giovanni. "Just don't go near me where I can sense your presence, Cedrick. Sabihan mo ang mga tauhan mo o mawawalan sila ng pagkakataong makalakad ng tuwid. Do not meddle with my business. Is that clear?" Halos sabay na tumungo bilang pangsang-ayon ang lahat. Only Cedrick had this blank stares na hindi iniwaglit sa kaniyang mga mata. "He is just worried for you, Lady X lalo na at alam niyang may tama kayo sa engkwentro with Quintero Sullivan." Pinagmasdan niya ng matagal ang lalaki. Sumagi sa isipan ni Astra kung ilang beses niyang napagtatantong tila ito ang laging nagbibigay ng ideya kay Giovanni na magtungo siya sa manor at tumigil ng ilang araw. Giovanni, given his treatment to her as his own child, doesn't even use that reason para mapangunahan sa kaniyang mga gustong gawin. Bakit tila laging pinangungunahan ni Cedrick ang matanda? Minsan na rin niya itong nakitang kakaiba kung tumitig kay Giovanni. If she wants to know something, she needs to be near the enemy. I can sense you're up for something. Huwag ka lang pahuhuli sa'kin. Hindi ito pinansin ng babae. Nilampasan niya lang ito at dere-deretsong tumungo ng kaniyang sasakyan. Nang lumapat ang kaniyang likuran sa driver's seat, pasimple siyang tumitig sa side mirror. Nakita niya pa ang naiiwang titig ng lalaki sa kaniyang direksyon bago ito pumasok sa sarili nitong sasakyan. Bago pa man siya kupkupin ni Giovanni, nauna na nitong kinupkop si Cedrick. Lagi itong nakabuntot sa matandang lalaki hanggang sa ipinagkatiwala ng huli ang triad dito. That dummy organization has something to do with smuggled high-powered guns and stolen high-ends cars para lamang makihalubilo sa underground world. Kailangan iyon para maging mata ng Eradicus sa mga demonyong nagkakalat ng lagim sa mundo. Of more than fifty groups of elite underground syndicates, nasa sampu na ang kaniyang tuluyang nabuwag nang hindi nalalaman ng mga itong ang lider ng Eradicus at The Black Triad ay iisa. Then one day, mayroong nagtangkang pumatay kay Giovanni Ruci. Mabuti na lamang at nasa manor siya nang araw na iyon. She was able to protect Giovanni nang itinulak niya ito at siya ang natamaan ng bala. Mabuti na lamang at napabaling ang kaniyang tingin sa labas ng bintana kung saan ay may isang snipper na nakatuon ang target light sa matanda. Nadakip ang salarin pero hanggang sa nalagutan na lamang ito ng hininga'y hindi talaga ito napaamin kung sino ang nag-utos. Ang ipinagtataka niya'y walang ibang nakakaalam ng mga aktibidades ni Giovanni at kung nasaan ito sa kada oras ng isang araw. Nakatali ang lalaki sa wheelchair. The man has a patterned activity, mataas ang bakod ng manor at hindi basta-bastang maaakyat ng kahit sino. How come alam ng snipper na iyon kung nasaang bahagi ng manor si Giovanni ng mga oras na iyon? Sino ang naglakas-loob na subukang patayin ang leader ng Eradicus?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD