Chapter 4

2204 Words
Mariing ginulo ni Jarred ang kaniyang buhok. Kanina pa siya naiinis sa kaniyang sarili dahil sa tila hindi siya makapag-isip ng maayos.  Ilang araw nang gumagambala sa kaniyang imahinasyon ang babaeng iyon. Ang babaeng walang pagod na tumatakbo sa kaniyang isipan sa nakalipas na sampung taon!  Thea. Sophia called her Thea. At iyon ang pangalang kahit kailan ay hindi nawala sa kaniyang puso at isipan. But how come she didn’t recognize him? Is she only acting? Because if she is, damn! Hindi niya alam kung mas lalo siyang magagalit dito o masasaktan pang lalo katulad noon.  Napahilamos sa kaniyang mukha si Jarred. No, hindi na siya dapat nakakaramdam ng ganito kay Astra. He has moved on. Ego na lamang niya ang nasasaktan ngayon. How dare this woman ignore her like she didn't know him all along when she is the one to be blame kung paano siya nagawang lokohin din ng isang babae! Quit it, Jarred! Matagal na panahon na iyon at dapat ay nakalimot ka na. Besides, walang kayo dahil basta ka lamang niyang iniwan at hindi na nagparamdam. Naloko ka na nga, di ba? Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Damang-dama niya ang masasal na pagtibok ng kaniyang puso. Now, he is furious because it’s all coming back. Those eyes, in ten damn years had passed, hindi pa rin niya magawang kalimutan. He's so sure, kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng mga matang iyon. Sa unang sulyap pa lamang ay alam na niyang siya iyon at napatunayan nga niya nang marinig niyang sinambit ng anak ang pangalan nito. He is so sure, it was Thea Astra. "K-Kelan ka babalik?" Halos hindi niya masabi ang mga salitang iyon. Napakuyom ang kaniyang palad. Mabigat sa kaniyang puso ang malamang aalis ito at walang kasiguraduhan kung kelan babalik ng bansa. The girl smiled and it brought serenity to his heart. Sa kabila ng lungkot na nadarama, only her could bring such peace and contentment mula nang makilala niya ito sa loob ng dalawang buwan. Batid niyang hindi naging madali para dito ang maging malapit sa kaniya noong una dahil sadya niyang sinungitan ito, denying his feelings for her, pero siya pa rin ang talo. She is pure, gentle and her smiles brought him wonders kung bakit ngayon niya lang nakilala ang dalaga.  "I don't know, Jarred. Gusto kasi ni Daddy na doon na rin kami mag-aaral sa US. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami doon pero babalik ako." She smiled and his heart was overwhelmed. “You know how special you are to me, right?” Titig na titig siya kay Thea. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ng dalaga. Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pamumula ng mga pisngi nito. “J-Jarred,” “I love you. Please, do not deny it, Thea. Ayokong madaliin ka, but please, if you can promise me na kahit nandoon ka na, we will still have our communication.” Pakiusap niya dito. Mabigat sa kaniyang loob ang sambitin ang mga salitang iyon pero meron ba siyang magagawa? He is still studying, wala pa siyang maaaring maipagmalaki dito. Alam niya ding isa itong mabuting anak.  Ilang saglit na tumitig sa kaniya si Thea bago dahan-dahang tumango sa kaniya kasabay ng muling pagsilay ng isang napakagandang ngiti. The next thing that happened wasn’t expected. She closed their distance and kissed him gently into his lips. Nang magtagpo ang kanilang mga labi’y halos tumigil ang mundo ni Jarred. Ilang segundo iyon bago humiwalay sa kaniya si Astra at inabot ang kaniyang mga kamay para hawakan. Mariin iyong pinisil ng dalaga bago dinala sa tapat ng dibdib nito. “You will always occupy a special place in my heart, Jarred Laurente.” Napaawang ang mga labi ni Jarred sa gulat. Ngunit bago pa man lumabas ang mga salita sa kaniyang bibig, inagaw na ng pagtunog ng cell phone ni Thea ang pansin ng huli. Noong una’y nakangiti pa itong sumagot sa tawag pero maya-maya’y nangunot na ang noo nito at mabilis na tinapos ang pakikipag-usap. Mabilis na nagbago ang emosyon sa mukha nito at nagmamadaling tinabo ang gate papalabas ng unibersidad. Sinubukan niyang humabol ngunit aksidenteng nabangga niya ang isang guro na may hawak na mga libro. Hindi niya ito kaagad maiwan kaya hindi na niya naabutan pa si Thea Astra. Kinahapuna’y tinungo niya ang bahay ng dalaga ngunit ayon sa guwardiyang nagbabantay, hindi pa raw nakakauwi ang magkapatid. Bumalik siya kinaumagahan at ng mga sumunod pang mga araw, pero hindi na niya ito muling nakita. Wala nang tao sa malaking bahay ng mga Vidanes.  And he waited. Ni walang sineryosong relasyon dahil sa paghihintay dito. Five years after, she came back. Hindi mailarawan ang kaligayahan sa kaniyang puso pero dama niyang parang may kulang. He ignored it and decided to tie the knot with her matapos nitong sinabing hindi na siya muling iiwan. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Pinakasalan niya ang babae para sa huli'y sisihin ang sarili dahil sa pagiging bulag niya sa katotohanan. Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Astra, o mas tamang sabihing, sa babaeng nagpanggap bilang Astra, he ignored his doubts. On the first months they were together, meron siyang napapansin pero pinili niyang magbulag-bulagan. He denied it. Lalo pa't buntis na ito at malapit na rin silang magkaanak. Nagsama sila ng halos dalawang taon bago niya natanggap na ibang tao nga ang kaniyang pinakasalan. "I-I'm sorry, Jarred. Patawarin mo ako," his estranged wife sobbed. Namumutla ito habang nakaupo sa kama. Ito mismo ang nagpasyang humiwalay sa kaniya ng kuwarto. He didn't react nor objected. Afterall, galit siya, hindi lamang dito, kundi mas lalo na sa kaniyang sarili. Matagal niyang tinitigan si Chloe. Halata ang pagod sa buo nitong mukha. Sa kabila ng bigat ng dibdib na kaniyang nararamdaman, hindi na niya magawang magalit pa dito kahit pa nasa kaniya ang lahat ng karapatan na maramdaman iyon. Chloe became bed ridden for the past months after she gave birth to Sophia. Now, how can he be? Nabiyayaan siya ng isang anghel sa kabila ng mga kasinungalingang hinabi nito. Nangyari na rin ang lahat at ngayo’y bilang na lang din ang oras nitong nalalabi sa mundo. Chloe’s body stopped responding to her medicines dahil sa stage 4 breast cancer. He really felt betrayed, fooled and it was so…unfair. Gusto niyang maghanap ng masisisi pero wala namang ibang dapat sisisihin kundi ang kaniyang sarili. Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatitig sa labas habang nakatayo sa tapat ng bintana ng kuwarto. "H-hindi ako siya, Jarred. You hear me?! Hindi ako ang babaeng inaakala mong ako, kaya magalit ka sa’kin!" Bigla itong humagulhol habang siya nama’y nanatili lamang na walang kibo. "H-Hindi ako si T-Thea. Ginaya ko lang ang mukha niya dahil sa kagustuhan kong makuha kita. Masakit mang tanggapin, pero ang katotohanang hindi natuturuan ang puso ay totoo pala. You see her in this face, but the truth in your heart denies it. I'm just an impostor, Jarred. At bago pa man sana ako mawala, makamit ko sana ang k-kapatawaran mo." "I am not the girl whom you had been loving for so many years, Jarred. At alam kong ramdam mo 'yon! I tried, but I did not succeed. Wala pa rin akong panama sa kaniya. Kahit wala siya dito, siya pa rin. Siya pa rin ang mahal mo. She's my best friend but I betrayed her. Oh God, Astra, I'm sorry." Walang tigil sa pag-iyak ang babae. Kung hindi niya pa ito tinurukan ng pampakalma, mas lalong makakasama sa kalagayan nito.  Hindi niya akalaing aabot sa ganun ang nararamdaman niya sa babae. Sa sobrang pagkabulag niya dito, nagawa nitong maloko siya ng ibang tao. He knew Chloe way back then in college though hindi siya masyadong malapit dito. Alam niya ring magkaibigan ang dalawa pero tanging si Astra lamang ang nakikita ng kaniyang mga mata mula noon hanggang ngayon. Jarred can't feel anything at all. He became cold and distant at hindi na nagkaroon pa ng seryosong relasyon sa ibang babae.  Pero aminado siya, nagbunga ng isang napakagandang regalo ang pag-sasama nila ni Chloe. Binawian ito ng buhay nang nasa apat na buwan si Sophia. At sa mga huling sandali nitong, wala itong ibang bukam-bibig kundi ang sana’y magkita pa sila ni Astra. Chloe even made him promise na hingan niya ito ng patawad kay Astra. He doubted if they will cross their paths anyway. Hindi man niya nasabi ng personal kay Chloe ang kaniyang pagpapatawad, dahil nang mga sandaling iyon ay sobrang bigat pa rin, alam ni Jarred, Chloe know’s she’s now forgiven. Limang taon na itong pumanaw.  Bakit ka pa ba nagbalik? Bakit hindi mo ako naaalala? Nakasandal siya sa harap ng kaniyang lamesa habang nakapamulsa at nasa sahig ang mga mata. And then he smiled bitterly. He clenched his teeth as he closed his eyes. "Bakit mo nga pala ako maaalala kung sa simula pa lamang ay wala naman talaga akong halaga sa'yo. Pinaniwala mo lamang ako at niloko."  Marahas siyang napailing. Ayaw na niyang muling mahulog dito. Tama na ang isang beses na naging dakilang tanga siya dito at hindi na iyon dapat pang muling mangyari ngayong nagkrus muli ang kanilang landas. “I must hate you. Yes, that, I should do.” Tumango-tango pa siya na tila ba kaharap niya ang nasa isipan.  Mahihinang katok sa pinto ang nagpabalik sa kaniyang diwa. Kasunod noo'y bumungad sa kaniya ang magandang mukha ng abogada na si Melissa Pascual. "Good afternoon, Dr. Laurente.” Ang ganda ng ngiti nito.  He cleared his throat and greeted back, "Hi. What brings you here?" “Are you busy? Can I come in?" Ngumiti si Jarred at sumenyas na pumasok. Itinuro niya sa dalaga na maupo ito sa couch na nasa loob ng clinic. Pero hindi ito doon dumeretso.  Jarred is a born gentleman. Wala man silang pormal na relasyon ni Melissa, hindi na siya umiwas nang makitang hahalikan siya nito sa labi.  She’s his batchmate during college. They went to the same university. Matagal na itong may gusto sa kaniya pero hindi niya magawang ibaling dito ang damdaming nararapat. He can’t be in a serious relationship. He just can’t kahit pa sinubukan naman niya. Alam niyang nawawalan na rin siya ng oras sa kaniyang anak at naghahanap na rin ito ng gustong kilalaning ina, pero sadyang hindi niya talaga magawa. Melissa is his bed warmer. He made it clear to her na wala itong maaasahan sa kaniya but the woman insisted and settled for what he can just offer.  "Nope, I'm good. 'Just about to get ready para makauwi na. Sophia is waiting for me para magkasama kami sa dinner." Pumalatak ang abogada at ngumiti ng nakakaakit. Imbes na maupo ay dumeretso ito sa kaniyang kinatatayuan at hinawakan ang isa niyang kamay. Mahinang natawa ang biyudong doktor lalo na nang magsimulang pagapangin ng babae ang mga daliri nito sa matipuno niyang dibdib. "You're really something, Dr. Jarred Laurente. A prototype of a father role model. You're such a dedicated surgeon pero nagagawa mo pa ring mapagsabay ang pagiging ama at ina kay Sophia. Don't you think you need somebody with you para naman may makatulong ka na sa pagpapalaki sa anak mo? A partner in life to be exact." Kagat-labi, she once again recited that long due statement. Talagang ito na ang nanliligaw sa kaniya. He captured the woman’s hands. Dahan-dahan niya itong ibinaba. Mahirap na at baka kung saan na naman dumapo ang mga iyon. Marami sa mga kasamahan niyang doktor ang naiinggit sa kaniya. Melissa Pascual is such a good catch. Sexy ito, iyong tipong may malaking hinaharap. She had an oozing sexy butt at hindi iilang lalaki lang ang nangahas na manligaw dito. Lahat ng iyon ayon sa kaniyang narinig, ay puro basted sa babae. Napailing si Jarred at napahawak sa kaniyang batok.  "Sophia is a bright girl. She can understand that I am doing my best para mapunan ang mga bagay na hindi niya nararanasan ngayon," tanging sagot ni Jarred.  "Then, how about your needs, Jarred. It's been a week since…you know?” She trailed off. “As I've said, no string attach. Just to warm your bed," patuloy pa nito. He can sense the woman's peaks touching his arms already. Tumikhim si Jarred at dumeretso ng tayo. He doesn't want to be rude pero mukhang eto na naman sila sa usapang ayaw niyang talakayin. He must really distance himself to the lawyer, he mentally noted. Yes, he has needs, pero mukhang naghahanap na ang babae ng mas higit pa sa kasalukuyan nilang estado.  Good thing at tumunog ang kaniyang cell phone. Mabilis niya itong dinaluhan kasabay ng paghugot niya ng malalim na paghinga. Naging hudyat iyon para lumayo din sa kaniya ang babae pansamantala. “I’ll just get this call,” “Sure, go ahead,” matamis na ngumiti sa kaniya ang abogada bago ito humiwalay at tinungo ang couch. Hindi na napansin ni Jarred ang malagkit nitong titig.  Then he took his phone and answered. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD