Chapter 5

1871 Words
Nang makita ni Jarred ang caller, he smiled.  "Daddy!" He chuckled. Tunay na ang boses ng kaniyang anak ang siyang nagpapawala ng kaniyang pagod. Ang maamong mukha nito at malambing na boses ni Sophia ang tuluyang nagbura sa kung anumang galit na nabuhay sa kaniyang puso nang malaman niya ang kasinungalingang nagawa ng ina nito. Kapareho ng kaniyang nararamdaman kani-kanina lamang. Because of Sophia, it was all lifted.  "Hey, honey. How's your day? Lumabas ba kayo ng Lolo at Lola?"  Ang tinutukoy niya ay ang kaniyang mga magulang na bumibisita sa kanila ng anak niya dalawang beses sa isang linggo. Meron siyang sariling three-bedroom condo unit sa New Manila kung saan sila nakatira ng anak. Ang kaniyang mga magulang naman, kasama ang dalawang nakababatang kapatid ay sa Mandaluyong naman naka-base. Dalawang beses sa isang buwan kung dumalaw sila doon ni Sophia kaya madalas ay ang kaniyang mga magulang ang laging nagtutungo sa kanila. Retiradong abogado na ang kaniyang ama samantalang dati namang guro ang ina. "Opo. Nakain po kami sa Mcdonald's ngayon tapos po binilhan ako nila Lolo ng toys kanina." He can almost see how those sweet smiles flashed on her face. Tiyak ding namimilog ang dalawang mata ng anak habang nagkukuwento. Suddenly, Sophia's vibrant spirit flashed a  pretty face to his imagination. Mabilis niyang iniwaksi sa isipan ang babae. He instantly remembered his promise not to think of her anymore.  Napailing na lamang siya nang bumalik sa isipan ang huling sinabi ni Sophia. Kahit kailan talaga, ini-spoiled ng mga magulang niya ang nag-iisang apo. Malamang, koleksyon na naman iyon ng paboritong character ng anak, ang little pony. "I see. Can I talk to Grannie, honey?" “Yes, Daddy. Here’s Grannie now,” at narinig niya sa kabilang linya ang pag-tawag ng anak sa lola. Maya-maya pa’y boses na ng ina ang pumalit dito. "Jarred, iho." "Hi, Ma. Binilhan niyo na naman daw po ng laruan si Sophia?” Malumanay niyang sabi sa ginang though talagang sinisita niya ito. Ayaw niya lang talagang lumaking spoiled ang bata. Besides, madami itong laruan na hindi pa nabubuksan "Iho, pabayaan mo na nga kami ng ama mo'ng ibigay ang mumunting mga bagay sa aming apo. Hindi ka na nga halos makauwi sa trabaho mo. Mabuti na nga lang at ang anak mo'y kay daling pagpaliwanagan. It's just another collection of her little pony!" Nakikini-kinita na niyang rumorolyo na naman ang mga mata ng ina, handang makipag-debate sa kaniyang opinyon. "Right," napapisil ang doktor sa tungki ng kaniyang ilong. Mukhang hindi naman makikinig sa kaniya ang ina at desididong ibigay ang kung ano'ng hilingin ng bata. Nag-iisang apo lamang si Sophia at halos ayaw pa itong iuwi ng mga magulang sa tuwing kinukuha ng mga ito ang bata. Kahit sa dalawa niyang kapatid na sina Penelope at Zayden, sobrang attached ang anak sa mga ito. “Okay Ma, pupuntahan ko na lang po kayo ngayon. Where are you guys by the - ?” To his great surprise, dalawang putok ng baril at sigawan na ang bigla niyang narinig sa kabilang linya. Kasabay noo'y isinigaw ng ina ang pangalan ng kaniyang ama, at hinahanap si Sophia! Dinamba ng matinding takot ang puso ni Jarred. Agad siyang napatuwid ng tayo at mabilis na hinanap ang susi ng sasakyan bago nagmamadaling tinungo ang pintuan ng clinic. "M-Ma?! What the hell is happening?!" Nawala naman ang mga ngiti sa labi ni Melissa na noo'y nakaupo pa rin at naghihintay lamang sa kaniyang matapos. Hindi na ito napansin ng biyudong doktor nang tuluyan na itong tumakbo palabas ng silid. "Ma! Nasaan kayo? Si Sophia?!" "A-anak, may mga lalaking pumasok at nang-hohostage! H-hindi ko makita si Sophia. A-Ang d-daddy mo, nasa tabi ng isang suspect. Tinututukan siya ng baril, Diyos ko!" Humahagulhol na ang ginang. Lumobo ang ulo ni Jarred sa narinig. Merong lalaking sumigaw ng hostage kasabay ng pagsisipag-iyakan ng ilang mga bata at kababaihan habang meron ding boses ng lalaki na sumisigaw. Hindi na alam ni Jarred ang sumunod na nangyari. Bigla na lamang naputol ang linya kaya wala na siyang sinayang na oras. Mabilis niyang tinakbo palabas ang pasilyo ng St. Vincent Mission Hospital. Nagtatakang sinusundan siya ng tingin ng mga nakakasalubong. Hindi na rin niya alintana ang mga tumatawag sa kaniyang pangalan at nagtatanong. Halos hindi na siya makahinga sa takot para sa anak at mga magulang. "F*ck!" Napamura siya ng malakas nang maalala ang maselang kondisyon ng anak. Nagkukumahog siyang binuksan ang radyo pagkapasok na pagkapasok pa lamang ng kotse. Ginawa niya iyon habang mabilis na minamaniobra ang sasakyan sa pagbabakasakaling maibabalita kung saan ngayon ang mayroong hostage drama. Mabuti na lamang at nabanggit ng bata kung saang fast food chain ang mga ito naroroon. Kung hindi siya nagkakamali, sa mall kung saan paboritong puntahan ng ina naroroon ang mga ito. And he was right. There was a flash report about the current hostage drama going on sa Robinsons Magnolia, sa mismong fast food chain na binanggit ni Sophia. Halos mamuti ang likurang bahagi ng kaniyang mga kamay sa higpit ng pagkakahwak niya sa kaniyang manibela. Hindi rin naging madali sa kaniya ang estado ng traffic kung kaya't halos murahin na rin niya ang mga sasakyang nasa unahan. Lord, please! Spare them. Not my daughter. Not my parents! Huwag Niyo pong ipahintulot! Iyon lang ang kaniyang magagawa sa ngayon, ang magdasal ng taimtim. Lihim siyang nananalangin sa sana'y hindi siya mahuli at magawa niyang iligtas ang anak at mga magulang. He really needs a miracle.  Malakas niyang hinampas ang manibela at mas lalo pang pinabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. -------------------------------- "Daddy! Dady!" Mabilis na napalingon ang ulo ni Jarred sa pinanggalingan ng boses na iyon. Halos malunod ang puso niya sa tuwa nang makita ang tumatakbo niyang anak papalapit sa kaniya. Wala pang kalahating oras at naroroon na siya sa labas ng mall. Meron na ring mga pulis sa labas gusali at nakita niya pa ang dalawa sa mga salarin habang naka-posas na ipinasok sa loob ng patrol. "Sophia!" Mahigpit niya itong niyakap bago mabilis na sinipat ang buong kabuuan ng bata. "A-are you alright? Hindi ba nauntog ang ulo mo? Did those bad guys hurt you?" Sunod-sunod ang kaniyang mga tanong habang masuyong kinakapa ang ulo nito. Pati mga braso, leeg at tiyan ay siniguro niyang makita para malaman kung ito ba'y may mga sugat o galos. Maliksing umiling-iling ang bata. Marahas na napabuga ng hininga si Jarred. he was really relieved knowing his daughter is fine.  “Thank God, you are okay,” hinalikan niya sa noo at niyakap ng mahigpit ang anak. "Where's your Lolo and Lola? Come, hanapin natin sila." “She saved me, Daddy. Tita Thea saved us!” Nahinto sa paghakbang si Jarred. Ang bilis ng pagkakalingon niya sa anak na sinundan pa ng pagluhod para marinig ng maayos ang sinabi nito.  “What do you mean Tita Thea saved you? She's here?!”  Hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ng anak pero tumango-tango pa ito ng nakangiti at mabilis siyang hinila papuntang direksyon ng mga magulang. Itinuro nito ang lolo at lola na noo'y may kasamang mga pulis at tila ba may mga itinatanong. Nakikita niyang umiiling si Atty. Art Laurente, ang daddy niya, habang ang ina naman niya'y walang tigil sa paglingon-lingon nito partikular sa gawi ng sasakyang pag-aari. Tila balisang may inaaninag sa loob ang ginang. “But Tita Thea's wounded, Dad. You need to save her. Come on!”  Sukat doo’y mabilis niyang kinarga ang anak at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa mga magulang. Niyakap niya si Mrs. Laurente na noo'y mabilis ding nakalapit sa kaniya at yumakap pabalik. Jarred is still carrying Sophia into his arms. Pilit itong bumababa hanggang sa tinungo na nga nito ang passenger seat ng SUV. Mabilis namang sumunod ang lola nito. Kuno't-noong lumapit si Jarred sa dalawa. Nakita niya ang inang patuloy pa rin na tumitingin-tingin sa loob ng SUV. "What is it, Mom?" "Sshh, huwag kang maingay." Natataranta nitong baling sa kaniya. He silenced, he wanted to check the inside of the vehicle pero pinigilan siya ng ina. Nagkatinginan sila ng kaniyang ama.   "Is that all, Officer? I'm sorry, pero gusto ko nang iuwi ang asawa't apo ko para makapagpahinga na," narinig niyang sinabi ng daddy niya sa kausap nitong pulis. His voice was dismissing anyway.  "Well, yes, Atty. Laurente. Tatawagan na lang namin kayo kapag meron na po kaming update sa kasong ito. Sigurado po kayong hindi na kayo sa amin sasama para matingnan kayo sa ospital?" Ani ng pulis na tila kasing-edad lamang niya. "No, it's okay. Nandito na rin naman ang anak naming doktor. We can manage from here,” at mabilis na nitong iniwanan ang mga kausap na bahagyang may pagtataka din sa mga mukha. Halata ang pagmamadali ng matandang Laurente. Hindi na nagawang hintayin pa ng abogadong sumagot ang mga ito at mabilis na lamang itong tumalikod at humakbang patungong sasakyan. Doon na siya lumapit sa ama. "Dad. We need to go to the hospital. Kailangan kayong -," "Isama mo sa sasakyan mo si Sophia at sumunod ka kaagad sa bahay," ni hindi siya tinapunan ng tingin ng kaniyang ama. Halatang nagmamadali talaga ito, katulad ng ina na agad sumampa din sa loob ng sasakyan. Mabilis niyang sinundan ang mga magulang hanggang sa mapasilip siya sa likurang bahagi ng sasakyan. At nanlaki ang mga mata ni Jarred sa nakita. Nakaupo sa loob at nakasandal ang isang babaeng nakapikit ang mga mata habang kagat-kagat ang labi dahil sa iniindang sakit. Nakatingala ito at namumutla na. Nagmulat ito ng mga mata at nagtama ang kanilang mga tingin. For a moment, they stared to each other bago ito muling napakagat-labi sa sakit.  “Thea?!” He can't define the stirring emotions he is feeling at that moment. Batid niyang hindi maayos ang lagay nito. Naririnig niya pa ang panaka-nakang pagmumura nito.  "For God's sake, move Jarred! Go now at kailangan na naming umalis ng daddy mo. She needs to be treated." Halos pasigaw ang pagkakasabi ng natatarantang ginang. "Sumunod ka sa bahay at pakiusap, bilisan mo ang kilos!" Narinig niyang sinabi ng ama bago tuluyang naisara ng ina ang pinto ng shotgun seat. Ilang saglit siyang hindi pa nakakilos bago mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang sariling kotse. Mabilis ngunit maingat niyang inayos sa pagkakahiga sa likod ng sasakyan ang anak bago malalaki ang mga hakbang na tinungo ang driver’s seat at sumunod sa mga magulang. Now, what is into you right now, Thea? Bakit ka naroroon sa hostage scene? Una, noong kamuntikan na siyang ma-abduct ng mga tauhan ng taong may galit sa ama. Ngayon naman, ang hostage scene! Something is really off. At bakit hindi hinayaan ng kaniyang mga magulang na madala ito sa pagamutan?  He calmed himself. He is a doctor. Anumang kagustuhang mailigtas ang babae sa tiyak na kamatayan, iyon ay dahil isa siyang doktor, no more, no less. He is again, detaching his feelings to her. Saka na niya iyon iisipin, kailangan niya muna itong gamutin.  Along the way, Jarred made some calls. Tiim-bagang niyang sinulyapan ang anak para siguraduhing maayos ang pagkaka-seat bealt nito bago niya dinagdagan ng bilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD