Chapter 6

1760 Words
"Tell me you had your eyes on Sullivan's men, Delana," mariing sambit ni Astra. Matatalim ang mga mata niyang nakatingin sa rearview mirror ng sasakyan. She got company. Kanina niya pa iyon napapansin. Kahina-hinala ang dalawang kotseng nakasunod sa kaniyang likuran. Ilang segundong patlang bago sumagot ang kausap. "Lady, there are 2 cars and about 3 motorcycles behind you.” Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ng babae habang panaka-nakang tumitingin sa side mirror ng Mustang na minamaneho. Nang maibalik sa unahan ang mga tingin, pumalatak siya nang makita ang direksyong tinutungo. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan dahil sa tindi ng trapiko. Now what? Kailangan niyang mailayo ang sarili kung ayaw niyang may madamay. She knows what might happen kapag hindi siya gumawa ng paraan. “Astra, you need to glide them away from the civilians. Wala silang sasantuhin.” Napatiimbagang ang dalaga. Tama si Pascal at hindi niya gugustuhing may madamay na ibang tao. She needs to think of something bago pa man may mga inosenteng sibilyan ang madamay.  Sa isip niya'y naglalaro ang mga paraan kung papaano niya tatapusin ang taong nasa likod nito. Quintero Sullivan, a puerto rican mafia leader na nalusutan niya sa huling misyon niya sa China.  She smirked,  “You never learn. Sinabi ko sa’yong huwag kang magkakamaling gumawa ng hakbang dito sa teritoryo ko but you’re one hell of a son of a b***h!”   Patuloy siyang minomonitor ni Pascal. He is guiding her to directions kung saan nakikita nitong pwede siyang lumusot. Hanggang sa sinabihan na siyang dead end and she needs to just leave the car otherwise she'll be cornered. "Hintayin mo na lang ako sa manor. Tell the godfather I'll just be late," pagkatapos sabihi'y agad na niyang pinutol ang connection ng device na nag-uugnay sa kaniya at kay Pascal. "You want war, Sullivan? I'll definitely give you one,” at mas lalo niyang pinabilis ang pagpapatakbo. Mataktika niyang nalulusutan ang mga sasakyang nasasalubong. Naririnig niya rin ang sunod-sunod na pagbusina ng mga ito hanggang sa marating niya ang dead end. Mula doo’y mabilis ang mga kilos niyang hinubad ang suot na seatbelt saka bumaba ng mustang. Pero bago pa man iyon, pinindot na muna niya ang isang button. Hudyat iyon para malaman ng pinadalhan niya ng signal kung saan naroroon ang kaniyang sasakyan para ito'y kunin. Pasimpleng naglakad siya papalayo doon. Matao sa sidewalk na tinumbok niya kaya agad siyang nakihalubilo sa mga ito habang pasimpleng nililingon ang mga sumusunod sa kaniya. Hanggang sa narating niya ang likurang bahagi ng isang mall. Sinadya niya iyong gawin para doon siya masundan. Huminto siya at humarap sa direksyon ng pinagmulan. Mula doo’y isa-isang nagsisulputan ang kaniyang mga kalaban. Mariin siyang napamura nang makitang nasa limang naka-motorsiklo pala ang mga unggoy maliban pa sa limang kataong naglalakad papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Mabuti na lamang at walang gaanong tao sa lugar ng mga oras na 'yon, maliban sa isang lalaking biglang napabalik sa gusaling pinanggalingan nang maamoy ang nagbabadyang panganib. Unti-unti siyang nilapitan ng mga tauhan ng mafia leader. Napangisi si Astra. Sadyang ipinamukha pa kasi sa kaniya ng ilan doon ang mga baril na nasa tagiliran ng mga ito. Ang iba'y bumunot na ng kutsilyo habang meron din nag-stretch ng mga daliri at pinatunog pa ang mga iyon. "So, where's the boss? Kayo lang? Hindi ba sinabi ng amo niyo na kukulangin kayo?" pang-aasar niya sa mga ito. Ngumisi ang lider ng grupo. "You're so full of yourself, X. Pero ano'ng laban mo sa'min?" mayabang itong idinipa ang mga braso para ituro ang mga kasamahan pagkuwa'y tumalim ang mga titig nito. "Sisiguraduhin naming madadala namin ang ulo mo sa itaas. Babae ka lang at nag-iisa pa," pagkatapos noo'y mabilis siya nitong nilusob at inundayan ng saksak. To the man’s dismay, mabilis siyang nakailag. Agad dinakma ng babae ang braso ng kalaban. Hinugot niya ito at malakas na tinuhuran sa sikmura. Mas lalong bumangis ang mga kalaban. Salitan siyang hinarap ng saksak, suntok, at sipa  ng mga umaatake sa kaniya. Pero wala pa ring panama sa kaniya ang mga ito. Sadyang mabilis at kagila-gilalas siyang makipaglaban. Astra was trained with different forms of martial arts such as aikido, judo, and karate to name a few. She even mastered gymastics kung kaya't kaygaan niya lang kung lumipad sa ere. Sa bawat pag-igkas ng kaniyang kamao'y katumbas ang matinding galit na laging gustong kumawala sa kaniya. Batid niyang iisa lamang ang likaw ng bituka ng mga ito at ng mga hayop na pumaslang sa kaniyang pamilya kung kaya't sinisiguro niyang may pagkakalagyan ang mga ito sa ilalim ng lupa. Umigkas ng ubod lakas ang kaniyang paa sa dibdib ng isang kalaban. Kaliwa't kanan niyang pinipigilan ng mga braso at paa ang bawat atake sa kaniya ng mga ito. Kahit ang bala na ipinutok sa kaniya ng isa'y mabilis niya ring nailagan. "Huwag kang magpaputok, ihudiputa! Kailangan natin siya ng buhay!" Gigil na sigaw ng lider sa nagpaputok. Tumalim ang tingin ni Astra at mas lalo pang naging mabangis ang kilos. Tila walang kapaguran niyang inatake ng sunod-sunod ang mga kalaban hanggang sa isa-isa na niya itong napapatumba. Maging ang lider ay napuruhan niya nang mabilis niyang nahagip ang isang kadena at ipinulupot ng ubod lakas sa leeg nito. Bumagsak ito ng wala ng buhay. Biglang tumagilid ang laban. Isa-isang nagsipagtakbuhan ang apat na naiwang nakatayo para tumakas. May tama na rin si Astra sa mukha at makikita na rin ang pamumula ng kaniyang pisngi ngunit hindi niya iyon iniiinda. Hinabol niya ang apat hanggang sa nakita niya itong pumasok sa isang fast food chain. Kaniya-kaniya itong nagsipaglabasan ng mga baril at sumigaw ng hostage sa loob. "Damn, scumbags!" Napamura ng malakas ang dalaga nang makitang nagkagulo na ang lahat ng mga tao sa loob. Hindi masyadong puno ang kainan ng mga oras na iyon at ang iba'y nagawa pang makalabas pero meron pa ring mga sibilyang naiwan. Pumasok siya sa loob at doo'y nakita niya ang mga gunggong. Dalawa dito ay may hawak nang mga sibilyan. “Let go of me!” Tili ng isang pamilyar na boses. Namilog ang mga mata ni Astra. Mabilis na dinakma ng pangamba ang dibdib nito nang makitang isa sa mga ginawang hostage ay ang batang nakilala niya wala pang isang linggo ang nakakaraan. Sigawan at iyakan ang maririnig sa paligid pero ang bata'y namimilog at nakangiti pang nakatingin sa kaniya. "Tumahimik kayong lahat!" Hawak ng isang kalaban ang lalaking medyo kalmado ang aura pero sa tikas nito"y alam ni Astra na tahimik itong nag-iisip ng gagawin. Awtomatikong natahimik ang mga tao sa sigaw at napalitan ng impit na iyakan. “Hanggang diyan ka lang, X!” anito nang humakbang si Astra. Biglang ibinaling ng isa sa kaniya ang baril na nakaumang sa hostage kanina. Matalim niya itong tinitigan. "Release these civilians at once kung gusto niyo pang makalabas ng buhay dito." Ngumisi ang lalaki pero halata ang kabang pilit nitong nilalabanan. For sure ay alam na nito kung paano siya lumaban. "Sumama ka sa'min kung gusto mo pang mabuhay ang mga taong 'to. O baka naman, gusto mong may patayin muna kami dito para makonsensiya ka? Ha? ano?!" Saglit na pinag-aralan ng babae ang posisyon ng apat. Halos wala pang dalawang metro ang pinakamalayo sa kaniya na nasa kaniyang tagiliran kung saan ay wala itong hawak na hostage pero may baril ding nakatutok sa kaniya. Ang isa'y nasa bandang likuran niya habang nakatutok din sa kaniya ang baril na hawak. Makahulugan silang nagkatitigan ng lalaking hostage. Pasimple nitong itinuro sa pamamagitan ng mga sulyap nito ang direksyon ng bata. Agad niya iyong nakuha. She needs to prioritize the kid. Unti-unti na itong namumutla at hindi niya iyon nagugustuhan. Makahulugang tinitigan ni Astra si Sophia bago tipid na nginitian. "D-Diyos ko, huwag ang apo ko. Maawa kayo sa apo ko!" Histerikal na umiiyak ang isang matandang babae sa di kalayuan. "Tumahimik ka!" Singhal muli dito ng isang suspect. Agad napatakip sa bibig at impit na umiyak ang mestisang babae. Iyon na ang pagkakataong hinihintay ng dalaga. Mabilis na hinugot ni Astra ang dalawang maliliit na punyal sa kaniyang likuran at walang pag-aalinlangan, napakabilis niyang inasinta ang lalaking nasa kaniyang tagiliran at ang may hawak kay Sophia. Bago pa ma'y nagawa niya ring sipain ng malakas ang isang upuan na tumama sa lalaking nasa kaniyang likuran sanhi para ito'y mawala sa focus. Mabilis itong dinaluhan ng ibang kalalakihang hostage doon at pinagtulungan. Sapul sa noo ang may hawak kay Sophia kung kaya't mabilis na nakawala ang bata habang ang nasa tagiliran niya'y sa dibdib naman nabaon ang punyal. Nagawang suntukin ng matandang lalaki ang isa pang kalaban. "Tita Thea!" biglang sigaw ng bata. Nilingon niya ito ngunit kasabay noo'y isang saksak ang tumama sa kaniyang likuran. Hindi nakaligtas kay Astra ang sakit dulot ng pagbaon ng isang matulis na bagay sa kaniyang likuran. Ginalaw ng sumaksak sa kaniya ang matulis na bagay kung kaya't halos panawan siya ng ulirat sa matinding sakit na naramdaman. "F*ck you!" Buong lakas niyang binangga ang sariling ulo sa ulo nito bago mabilis na hinugot ang kutsilyong nakabaon sa katawan at sinaksak ito sa dibdib. Napanganga ang lahat ng nakasaksi sa nangyayari. Halos magdilim naman ang kaniyang paligid. Malalim ang pagkakasakak sa kaniya. Alam niyang masama ang lagay niya. Mabilis siyang dinaluhan ng matandang lalaki para tulungan. "We need to take you to the hospital." Pero umiling si Astra. She can't be exposed. Hindi siya maaaring makita ng mga pulis.  "C-car." "We'll bring you to the hospital, Iha!" "No, j-just in the c-car. Aahhh!" Astra cursed for the excruciating pain that she felt. Hindi na niya halos matandaan kung papaano siya nakapasok sa isang sasakyan. Nakikita na lamang niya ang mga nag-iilawang sasakyan ng mga pulis habang nag-aalalang nakatitig sa kaniya ang matandang babae na kasama sa mga hinostage kanina. "B-Bilisan mo, Art. Mukhang masama na talaga ang lagay niya. Dalhin na lang kaya natin siya sa ospital?!" Natataranta, halata ang matinding takot sa buong mukha nito. "Hindi maaari, Zenaida. We need to follow her request. Sa bahay natin siya dadalhin.” sagot ng mister. Nag-aalalang lumingon ulit sa dalaga si Zenaida. She's uttering a prayer and she keeps on calling her attention. "Please, stay awake, iha. Malapit na tayo. Doktor ang anak ko, he will save you. Just hold on." While eyes closed, Astra nodded and focused. Masama ang kaniyang tama, alam niya iyon. Pero hindi pa siya maaaring mamatay. Hindi pa tapos ang kaniyang laban kaya kailangan niya ring lumaban ngayon kay kamatayan.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD