Paano nga ba nabuo ang isang Astra Lazirri? Paano nagawa ng isang dalagitang mapagmahal at masayahin ang maging isang matigas at walang-puso kung kumitil ng buhay ng mga taong hindi naman talaga karapat-dapat pang mabuhay? Nang kinupkop ni Giovani si Astra sampung taon na ang nakakaraan, kahalimbawa nito ang isang robot. Hindi ito nagsasalita, kumukurap at higit sa lahat, hindi ito umiyak. Sabi ng doktor, nagdulot ng matinding trauma ang pagkakasaksi ng dalaga kung paano pinaslang ang kapatid sa mismong harapan nito. When she has regained her consciousness, poot at sama ng loob na lamang ang tanging laman ng kaniyang puso at isipan. Hindi nawala sa imahinasyon ni Astra kung paano natapos ang batang buhay ng pinakamamahal na kapatid. Hanggang ngayon, sariwa pa sa alaala nito ang mga sigaw

