Halatang hindi mapakali sa kaniyang inuupuan si Astra. Kasalukuyan silang sakay ng kotse ni Jarred habang mabilis na nagmamaneho ang huli papunta sa St. Luke Hospital. Tumawag sa kaniya si Pascal wala pang kinse minutos para ibalitang isinugod sa ospital ang kaniyang ina. Dra. Vidanes was ambushed kasama ang driver nito habang papalabas sa isang bahay-ampunan. Her former bodyguards has been removed. No, they were dismissed. Ang nanay niya mismo ang nagpatanggal sa mga ito nang hindi niya nalalaman. Aminado siyang sa sobra niyang pag-iisip ng kaniyang misyon, hindi niya iyon napansin. Parang gustong iuntog ng dalaga ang sarili nitong ulo. Noong isang araw kasi’y tumawag pa sa kaniya ang doktora para tanungin siya kung gusto niyang sumama. Pero dahil nga sa meron siyang kailangang gawin

