Alas-dose

1076 Words
"Sinasabi na maraming kababaihan ang ginahasa at pinahirapan bago pinatay noong mga panahon na iyon sa ilalim ng mga hapon. Hanggang ngayon ay hindi pa din sila matahimik at naghahanap pa rin nang hustisya sa kanilang mga sinapit." ALAS-DOSE  na noon ng tanghali at kumonti ang mga tao sa city hall dahil nga ang ibang mga empleyado ay nag-break na. Sinundan nila si Nico papuntang elevator, balak ng binata na libutin ang buong gusali. At karamihan sa mga tao ay kumain na muna or nagasikaso ng mga papel na kaylangan nila para sa kanilang mga nilalakad sa City hall.  Pinindot ni Nico ang up button ng elevator at naghintay sila sa elevator.  "DIIIIIIINGGGGGG"  Nagbukas ang elevator at merong elevator personnel na nasa loob. Sumakay sila sa elevator at agad silang tinanong kung anong palapag sila pupunta.  NIco: 2nd floor po ate.  Nagsara at umakyat na ang Elavator sa 2nd floor, lumabas sila sa elevator at nagsimulang maglakad lakad sa palapag na iyon. May nakasalubong silang Janitor na agad din naman silang napansin at sila ay tinanong nito. Janitor: Mga iho at iha, anong ginagwa niyo dito? Ano ba hanap niyo, naliligaw ba kayo? Gio: Ay tay, hindi po. Nagwawalk lang kami here with my friends. Ka-shokot naman kayo bigla bigla kayo lumalabas. Janitor: Wag kayo masyado mag ikot-ikot dito. Baka di kayo magustuhan ng mga bespren ko dito. Nico: Bespren niyo ho tang? Sino? Janitor: Mga kaluluwa na naninirahan dito sa city hall. Brianna: Tay bakit naman kayo nananakot. Janitor: Hindi ako nananakot iha, nagsasabi lang ako nang totoo. Baka mapaglaruan kayo dito. Baka magambala niyo sila. Gio: Tay, dontchu worry. Ikot lang kami then mag fly away din kami after. Nico: Ito si tatang lakas trip din eh. Tara na ikutin na natin to. Pauline: You're so pabida talaga. Go, lead the way pabida ka masyado nico eh. NIco: Nyenyenye.. Arte mo!  Allison: Wag kayo masyado mag-ingay at pumunta kung saan saan ha. Clarke: Mag-iikot lang tayo, di tayo mang gugulo dito ha. Baka may makakita satin. Habang naglalakad sila sa hallway ng 2nd floor, nakarinig sila nang isang Radyo na tumutugtog nang pagka lakas-lakas isang lumang tugtugin ang pinapatugtog. Narinig nila yon at napahinto sila sa paglalakad.At hinanap nila kung saan nakalagay ang pagka lakas lakas na radyo na iyon. "When I was just a little girl I asked my mother what will I be Will I be pretty will I be rich Here's what she said to me Que sera sera Whatever will be will be The future's not ours to see Que sera sera...."  Nico: Ayos ah. May pasoundtrip sila dito sa hallway. Old school nga lang.  Gio: Di ko bet, super oldies. 1970 song ba yan? Pauline: Yeah guys old school songs are weird noh. Di ko ma-gets. Gio: Same here sisz. Parang panahon pa nang mga lolo at lola natin. Allson: 1956 siya guys. Que sera sera by Doris Day. Pauline: Gosh, how'd you know?  Allison: I just love old songs. And one of my lola's favorite yan. Clarke: galing naman love, alam mo din exact year. Siguro kay manong janitor yang radyo. Gio: Feeling ko din. Luma na eh and siya lang  naman nakita natin here eh, so sa kanya yan. Brianna: Mas ok naman talaga kasi ang old songs. Mas may meaning ang lyrics. Pauline: Its a big No Bri! Mas okay new songs noh. NIco: New songs? Parang sa t****k Videos mo? psh! Pauline: Na vini-view mo every minute? Admit it, fan kita. Nico: Asa ka naman noh. Habang nagtatalo ang dalawa biglang nalang gumaralgal ang tunog ng radyo at bumagal ang pagkanta ng babae sa radyo. Parang nagiging boses lalaki na at sobrang lalim ng boses at distorted na ng tunog. "Que sera sera.... Whatever will be will be.... The future's not ours to see.... Que sera sera...." Nico: Nako, patayin na natin tong radyo. Nakakakilabot na.  Nang akmang bubunutin na niya ito, napansin ni Nico na hindi naman pala ito nakasaksak sa outlet, sa pagtataka niya. Itinaas niya ito at chineck kung may lalagyan ng battery sa likod na maaring ito ang dahilan kaya ito patuloy na tumutugtog kahit na hindi nakasaksak. Ngunit isa itong lumang modelo ng radyo na ang tanging paraan lang upang magamit ito ay habang nakasaksak.  Nagtataka siya at lumingon sa mga kaibigan niya. Pero pag lingon niya madilim na at wala na doon ang mga kaibigan niya sa hallway. Siya na lamang ang doon. Alas-dose ng tanghali pero parang ala-sais na ng hapon ang dilim. Nang tinignan niya ang relo niya nakastuck ito sa Alas-dose at ganun din ang cellphone niya na wala din ni-isang signal. Binalikan niya ng tingin ang radyo pero sa paglingon niya hawak na ito ng isang babae na nakaputi, nakatalikod sa kanya. Nico: Miss? Sayo ba yan?  Pero hindi umiimik ang babae.  NIco: Miss? Hello? Alam mo ba kung nasaan ang mga kasama ko kanina? Ganun pa din ni hindi ito gumagalaw. Nang napagdesisyunan niyang lapitan ito. Nagulat siya nang makita ang mukha ng babae, duguan at puro hiwa ang mukha. Napaupo siya sa takot. Nang bigla siyang tignan ng babaeng nakayuko sa radyo at mabilis itong yumuko at tumawa nang pagka lakas lakas. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya at ang babae ay mabilis na gumapang papunta sa kanya habang nakangiti at kumakanta ng- QUE SERA SERAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA......!!! Buong katawan niya ay nanigas pero pinilit niyang tumayo at tumakbo palayo sa babae. Pumasok siya sa isang kwarto na puro gamit na parang stock room.  Hindi pa din siya makapaniwala sa mga nakita, ilang ulit niyang tinapik ang sarili kung totoo ba ang kanyang mga nakita o isa lamang imahinasyon. Hanggang sa may narinig siyang nagbukas ng pinto. Sa pagkaka-alala niya ni-lock niya ito.  Tahimik siyang naghintay kung sino man ang pumasok, tahimik at lalo siyang kinabahan, nanlalamig ang buo niyang katawan. Sinilip niya ito pero madilim at wala siyang nakitang sino man sa loob ng kwarto kung saan siya nag tatago.  Nang biglang nakarinig siya nang isang mahinang tawa mula sa likuran niya, nilingon niya ito pero wala naman siyang nakita doon. Lalo siyang natakot. May pumatak na likido sa kanyang pisngi at pinahid niya ito. Dugo! Dugo ito! Tumingala siya at dun niya nakita ang babaeng nakita niya kanina, nakasabit sa kisame at naka-ngisi sakanya.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD