bc

Manila City Hall: History and Secrets

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
powerful
self-improved
confident
twisted
mystery
scary
supernatural
school
like
intro-logo
Blurb

Napakadaming tanong ang mababasa niyo sa internet ukol sa Gusaling Panlunsod ng Maynila o Manila City Hall sa ingles. Isa ito sa mga lumang gusali sa Maynila.

Bakitnga ba hugis ataul ang Manila City Hall? Kung inyong titignan ang City hall ay hugis ataul na may cross sa itaas. May mga nagsasabi na kaya ito ay hugis ataul ay para bigyan ng respeto ang mga namayapa sa giyera noong WWII.

Nakatala din na ito ay isang sementeryo dati bago itinayo ang gusaling panlunsod ng Maynila. Marami silang nahukay na mga buto ng mga namayapa na.

Alam niyo ba na may mga kwentong nakakakilabot ang City hall mula sa mga history at nakatala sa internet. Isa na rito ang naging garrison ito ng mga Hapon at dito nila dinadala ang mga nabibihag nilang mga pilipino.

Madaming mga pilipino na pinahirapan at pinatay dito, mga batang ginamitan ng bayoneta, mga pinugutan ng ulo, mga babaeng hinihiwa ng buhay pagtapos gahasain, mga buntis na dinudukot ang mga fetus sa tiyan.

May nabasa pa akong isang article na nagsasabing isang babae ang ginahasa ng mga hapon at pagkatapos sa hiniwa ang kanyang dibdib, pinagtawanan at sinilaban ng buhay.

At hanggang ngayon marami ang mga survivor na hindi pa din kayang mag-kwento tungkol sa kanilang mga pinagdaanang hirap noong mga panahong iyon sa kamay ng mga sundalong hapon.

Hindi kaya ito ang mga dahilan kaya marami ang mga kaluluwa na hanggang ngayon ay hindi pa natatahimik at humihingi pa din ng hustisya?

chap-preview
Free preview
Alas-Onse
ALAS ONSE na ng umaga ng yayain ni Allison ang kanyang nobyo na si Clarke na magbayad ng kanilang yearly amilyar o real property tax sa City hall. Agad naman pumayag ang binata. Niyaya na din ni Clarke ang kanyang kapatid na si Nico at mga kaibigan na sumama sa kanila para makapag-bonding na din sila magka-kaibigan. Napagkasunduan nila na magkita sa City hall bago mag Alas-dose ng tanghali. Naghanda at nag-ayos na ang dalaga para makaalis siya kagad dahil alam niya ang traffic sa Maynila ay sobrang lala. Aabutin siya ng siyam-siyam sa daan kung di pa siya aalis kaagad. Siguradong magagalit ang kanyang Nobyo at mga kaibigan kung sila ay paghihintayin niya.  Tama nga ang hinala niya, traffic nga ang aabutan niya. na-tyempuhan kasing Lunes nang araw na iyon. Naka-ilang missed calls na ang nobyo niyang si Clarke sa kanya. Hindi niya masagot kasi nasa pampubliko siyang sasakyan. Talamak ang nakawan at hablutan ng Cellphone sa Maynila.  Tumingin siya sa orasan sa kanyang kamay, mag-aalas dose na nang tanghali. Ayaw na ayaw pa naman ng mga kaibigan niya na naghihintay lalo na't mainit ang panahon at mainit na dagsa pa ang tao sa City hall. Habang pinapakinggan ang isang kanta mula sa paborito niyang banda, napansin niyang nakarating na siya sa tapat ng City Hall. Bumaba siya sa Jeep na kanyang sinasakyan, at naglakad sa underpass patungo sa City hall, nang biglang may tumapik sa kanyang balikat na isang matandang babae. Nagulat siya at lumingon. Matandang Babae: Iha, magiingat ka sa pupuntahan mo. Allison: po? bakit po? Matandang Babae: Alam ko nakakakita ka nang mga kaluluwa at alam ko saan punta mo. Allison: Paano niyo po nalaman na nakakakita ako ng mga kaluluwa? Matandang Babae: Nakikita mo nga ako eh. Nang biglang may sumigaw, "ALLISONNNNNNNNN!!!!!!!!!!!"  Nilingon niya ito at nakita niya si Clarke na naghihintay sakanya sabay umihip ang isang malamig na hangin, at nilingon niya ang matandang babae. Ngunit wala na ito. Clarke: Love, kanina ka pa namin inaantay. Ayos ka lang ba? Anong ginagawa mo diyan? May kausap ka ba? Parang namumutla ka yata.  Nilapitan siya ng nobyo na si Clarke na may pagtataka sa mukha, ikukwento sana niya ang nangyari pero tinawag na sila ng mga kaibigan na sina Giovanni, Pauline, Brianna, at ang kapatid ni Clarke na si Nicolai, na tila ba'y inip na inip na ang mga ito. Humingi siya ng pasensya at na-traffic kasi siya. Pumasok na sila sa City Hall sa may tapat ng SM Manila na Entrance at dumiretso sa Property assessment sa loob ng gusali. Mahaba ang pila at nasaktuhan pa na mag-aalas dose na at karamihan sa mga empleyado ay mag la-lunch break na. Gio: Ano ba yan sis, naabutan pa tayo ng break. Kaloka! Pauline: kaya nga eh, its's so mainit pa naman here plus super weak ng signal ko, hindi ko macheck social media accounts ko. Hindi din ako makapag t****k!! (Sabay irap sa binata) Nico: Ang arte mo naman, lumabas ka para may signal ka! Pauline: Hater!!  Clarke: Guys wag masyado maingay ha, wala tayo sa bahay. Gio: Nako Baby Clarke, kung hindi ka lang kasama uuwi na ako. Brianna: Ally? Okay ka lang ba?  Tumingin sila kay Allyson na nakatulala at parang wala sa sarili. Tila ba'y balisa at may iniisip na malalim ang dalaga. Brianna: Ally?  Clarke: Love? Is everything alright? Hindi pa din ito sumasagot. Sa pagtataka nila, kaya tinapik ito ni Clarke sa balikat. Allison: Sorry, what? Clarke: Im asking if you're ok. Are you? Allison: Yeah, sorry love hindi ko napansin. Brianna: May problema ba? Parang wala ka sa sarili mo eh. Gio: Truth! Girl, nabibingi ka na ata kanina ka pa namin tinatawag eh.  Pauline: Yeah as in kanina pa, ang ingay pa nga ng hater diyan eh.  Nico: Hoy! Ikaw tong napaka-ingay jan may pasabi-sabi ka pa nga diyan nang  "Its so mainit here blablablah..."  Pauline: Hater ka talaga!  Gio: Nako LQ lang yan mga beshycakes. So ano balak niyo matagal tagal din break ng mga friends natin here. Mukhang di pa itech uusad mga sisz. Malalanta beauty ko here, super init. Plus wala akong makitang boys na yummy.  Pauline: LQ? As if naman noh, like ew!  Nico: Ew mo mukha mo. Oo nga ang boring na.  Allison: Guys wag na, sandali lang ang isang oras. Maghintay nalang tayo dito. Nico: KJ mo naman eh. Tara na!  Hindi pa nakakasagot sila Allison at ibang kasama ay naglakad na si Nico palayo, kaya wala silang nagawa at sinundan na lamang nila ito.  "sabi ng mga matatanda dapat tayong rumespeto sa mga lugar na ating pupuntahan, pero mas kaylangan natin respetuhin ang mga naninirahan o mga taga doon.. may buhay man o wala. Dahil hindi natin alam ang mga kaya nilang gawin saating mga buhay." 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
82.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
313.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook