Sabay na pumasok ng office sina Clarizz at Dianne para mag log in dito sila nag abot-abot ang iba pa nilang mga magkakaibigan na sina Ivy, Leny, Angel, Jen at Helen.
“Oist mamaya dun na lang tayo mag lunch sa room ni Mama Helen may dala kong cake pang himagas.” Anyaya ni Leny sa mga kaibigan.
“Ay game ako diyan bibili na kami ng malamig na softdrinks ni Dianne para mas masarap ang kainan.” Masayang tugon ni Clarizz.
“Abay bakit mamaya pa pwede namang ngayon na, first period natin ay meeting eating.” Pabirong kantiyaw ni Ivy.
“Naku hindi mamaya na rendahan ninyo muna yang mga tiyan ninyo at magkakagulo mga bata kapag hindi natanaw tuktok natin ng maaga.” Saway naman ni Helen pinaka ate ng grupo.
“Kung makakalusot lang mama.” Natatawang hirit ni Ivy.
"Masyado ka talagang matakaw Ivy kaya hindi ka pumayat eh." Harot ni Jen sa kaibigan.
"Wow nagsalita ang hindi matakaw,kunyari ka pa eh kitang kita ko sinilip mo agad anong flavor." Ganting biro ni Ivy kay Jen.
"Napakalinaw ng mata nakita mo pa rin yun,simpleng simple na nga lang ginawa ko eh." Natatawang amin ni Jen.
Walang nagawa ang magkakaibigan kung hindi intayin ang oras ng lunch break. Pag tunog ng bell ay nagsigayak na sila para magtungo sa room ni Ma'am Helen. Bitbit ang softdrinks at yelo ay naghain na ang magkakaibigan at excited na tinikman ang masarap na cake na dala ni Leny.
“Leny mukang making up si jowa ah, may pa cake pa next week kaya ano pasalubong sayo, hahaha baka may pastillas o buko pie padagdagan mo naman paborito ko yun magbabayad na lang ako.” Maharot na namang banat ni Ivy sa kaibigan.
“Naku oo nga sinikmatan ko bakit kako me pasalubong na cake siguro kako may kasalanan na namang ginawa.” Tuwang tuwang iminomostra pa ni Leny ang pandidilat ng mata.
“Sa lahat talaga ng pinapasalubungan ikaw talaga ang galit pa.” Iiling iling na biro ni Angel.
“Hay naku Angge mahirap kasing madala, alam mo yung pirmis na tamang duda ka palagi yung tipong kahit na mabuti intensyon o nagpapakasweet lang talaga tamang duda pa rin ako lagi.” Malungkot na tugon ni Leny.
“Naku lubayan ninyo na nga si Leny at sa halip na masaya tayo at may masarap na cake eh baka mapaiyak niyo pa isa na yan.” Saway ni Helen sa mga kaibigan.
“Pero ikaw Dianne bagong pasok ka lang sa buhay may asawa di ba one year ka palang na kasal wag kang pauuna sa mister mo, ikaw dapat ang boss hahaha isang araw lelecturan ka namin.” Masayang harot naman ni Jen kay Dianne.
“Jen ilabas mo nga malupit mong linyahan diyan kapag lasing si pare at galit na galit ka ano na nga yon...mamatay ka na ngayon na ngayon na isama mo na rin pati mga kainuman mo! hahaha tama ba pagkakamemorize ko ateng?” Tuwang tuwang harot pa rin ni Ivy.
“Bakit hindi kaya ung nanikmura ng asawa sa likod ng pinto ng classroom pagkwentuhin ninyo.” Banat ni Jen sabay lingon kay Leny.
“Hey hey hey mga amasonang guro lubayan ninyo si Dianne.” Saway muli ni Ma’am Helen sa mga kaibigan kahit na natatawa dahil alam niyang totoo ang mga batuhan ng harutan ng mga ito.
“Iba talaga kapag ikaw ang babaeng pinagpala sa babaeng lahat at pinapala ka naman ng iyong asawang si Jesus.” Sabay sabay na bigkas ng magkakaibigan na mga tuwang tuwa na patungkol kay Ma’am Helen at sa asawa nito na nagngangalang Jesus.
Sa mga magkakaibigan ay lagi nilang hinaharot ang kanilang Ate Helen na may uliran at mapagmahal na asawa.
Masayang natapos ang panaghalian at nagsigayak na ang magkakaibigan pabalik sa kanilang klase ngunit bago pa sila tuluyang maghiwa hiwalay ay muling bumanat si Ivy
“Basta Dianne isang araw pag hindi tayo busy iistorya namin sayo mga malulupit na the moves at linyahan ng mga amazonang ate mo sa paaralan,huwag ka lang mawiwindang hahaha.” Natatawa pa rin habang palabas ng room na wika ni Ivy.
Alam ni Dianne na masaya man ang ipinakikita ng kanyang mga kaibigan ay pilit lamang nagpapakatatag ang mga ito klase ng buhay na napasukan alang alang sa mga anak,natutuwa na lang din siya na gaano man kabigat ang mga pinagdaan ng mga ito ay magaan pa rin nilang napag uusapan at nagagawa na lang gawing biro.
Tila naman nagdulot ng masayang pakiramdam ang mga biruan nilang magkakaibigan at nawala na sa loob ni Dianne ang pangungumusta sa asawa kayat ng hapong iyon ay pinilit niyang mag video call sa asawa bago pa umuwi.
“Kumusta ka diyan Babe?” Masayang bati ni Dianne sa asawa.
“Okay lang eto panay overtime para makaipon ng pera makauwi diyan sa bakasyon para kahit paano libre oras mo kung bakasyon ako mauuwi.” Masayang sagot ni Rupert.
Tila batang nagbilang sa daliri si Dianne .
“Apat na buwan na lang magkakasama na tayo ulet, yang mga mata mo bawal tumingin sa iba.” Habang naghuhumaba ang nguso nito na parang bata.
“Yes Ma’am Dianne Joy R. Dominguez masusunod po, may piring katulad ng kabayo bawal tumingin sa iba maliban sa maganda kong asawana nasa Pilipinas.” Malambing namang sagot nito.
Kinikilig naman si Dianne sa pagpapacute ng asawa at masayang masaya ito na isipin na ilang buwan na lang ay magkakasama silang muli.
"Humanda ka na sa pag uwi gagawa na tayo ng baby natin para kahit malayo ako parang kasama mo na rin ako." Muling biro ni Rupert kay Dianne.
Tila lalong ikinatuwa ni Dianne ng mabanggit ang usapang anak,matagal na rin niyang gusto na magkaroon ng anak na mangungulit sa kanya at gustong gusto niyang iniisip na tila manika itong bibihisan niya.
Ilang oras pang nag usap ang mag asawa bago tuluyang nag paalam si Rupert para bumalik sa trabaho gayundin si Dianne na gumayak na rin para umuwi.