Chapter 2 ( I love loving you)

1286 Words
Mag isa na naman si Dianne sa apat na sulok ng kaniyang kwarto kinuha niya ang kanyang maliit na speakers at ikinunek sa kanyang cellphone at nakinig ng awitin sa youtube habang nagpapaantok. Tila naman nanunudyo ang pagkakataon mga awitin noong high school siya ang sunod sunod na umire na muli na namang nagpadaloy ng masayang alala. Kring....kring .....kring..... Tunog ng alarm na nagpaigtad kay Dianne sa pagkakahiga napahimbing masyado ang tulog niya buti na lamang at nakapag alam siya kung hindi paniguradong mahuhuli siya sa klase excited pa naman siya at ngayong araw na ito ang unang araw ni Mr. Bueno sa klase nila. Mabilis ang mga hakbang ni Dianne patungo sa kanilang classroom at wala sa hinagap nito na makakasalubong niya sa mismong corridor ang guro. “ Good morning sir.” Bati niya rito. “Good Morning Dianne Joy buti nasalubong kita im looking sa classroom ng section Gold mukang naligaw ata ako, maluwang rin kasi tong school hindi ko pa masyadong kabisado.” Wika nito. “Kung gusto nyo po Sir sumabay na po kayo sakin pareho po tayo ng pupuntahan yun po ang section ko.” Natatawang tugon ni Dianne Joy. “Much better halika na.” Mabilis na tugon nito ke Dianne. Nang araw na iyon ay nagpakilala pa lamang ang guro at binigyan din ng pagkakataong magpakilala isa –isa sa kanya ang mga mag-aaral. Masaya man si Dianne Joy na araw araw niyang makikita ang guro ay tila ba hindi maging buo ang saya na nararamdaman niya sapagkat alam niya na matagal na na hindi niya talaga kasundo ang Math. “ Of all subjects bakit naman kasi Math pa ituturo sa atin ni sir ngarag na ngarag pa naman ako dun anong gagawin ko pano kung hindi ako makasagot tiyak mapapahiya ako kay sir ano na lang sasabihin niya boplak pala eka si Dianne Joy.” Mahabang litanya ni Arianne Joy sa pag aakalang sila lang magkaibigan ang naiwan sa loob ng silid aralan. Wala silang kaalam –alam na bumalik pala ang guro sa naiwan nitong gamit at narinig ang mahabang litanya ni Dianne “No need to worry Dianne Joy I can help you and you too Clarizz if nahirapan kayo sa subject ko I can give you an extra time for tutorial and don’t worry again, its free.” Nakangiting wika ni Mr. Bueno sa magkaibigan. Nahihiya man si Dianne ay gusto niyang pasalamatan ang sarili na naging taklesa kanina mukhang mas mahaba ang oras na makikita at makakasama niya ang guro. Ganoon na nga ang nangyari bukod sa oras ng pagtuturo nito sa kanila ay naglaan ito ng kalahating oras para sa tutorial ng mag kabigan kasama ng iba pang mag-aaral na nahihirapan sa klase nito. “Hoy Dianne mukang naiibahan na ko ha parang feeling ko eh type ka ni Sir.” Makahulugang bulong ni Clarizz kay Dianne. “Ano ka ba Clarizz anong pinagsasasabi mo grabe kang makabintang sa tao ah? Hindi kaya nahalata ako ni sir na crush ko siya?” Balik tanong naman ni Dianne sa kaibigan “Hindi eh iba ung mga tanaw niya sayo parang may kilig eh saka parang ikaw lang ang gustong tingnan habang nagtuturo alam mo yun ung feeling na hindi nag-eexist.” Nakairap pang hirip ni Clarizz. “Grabe ka naman, baka naman napag iisipan natin ng masama yung tao.” Tugon pa ni Dianne. “Maniwala ka sakin Dianne Joy Dominguez iba kong umamoy...amoy na amoy ko mga galawan ni Sir saka ung tanawan nyo ha para bang me mga kahulugan.” Patuloy pang panunukso ni Clarizz. “Tse advance kang mag isip.” Wala ng makapang isagot si Dianne sa kaibigan ngunit ang puso niya ay tila umaasa na sana nga ay totoo ang sinasabi ng kaibigan. Patuloy ang tutorial session ng mag kaibigan hanggang isang hapon sa gitna ng kanilang pag-aaral ay tumawag ang nanay ni Clarizz at maaga itong pinauuwi at mayroon daw itong mahalagang aasikasuhin sa munisipyo. Walang nagawa si Dianne kung hindi ang mag isang mag intay para ipaalam sa guro at hindi ito magtaka bakit wala silang magkaibigan.  “Nag iisa ka yata nagtatakang bati nito nasaan ang partner mo.” Masayang bati nito kay Dianne. “Sir tinawagan po ng nanay niya may mahalaga daw pong lalakarin ahhhmmm ...pinaalam ko lang po baka kasi magintay po kayo samin kung gusto nyo po sir kahit bukas na lang po tayo mag discuss para hindi na madoble po pag explain nyo.” Magalang sa sabi ni Dianne sa guro. “No Dianne wait.” Sabay hawak sa kamay ng dalaga. Tila ba dumaloy ang libo libong boltahe ng kuyente sa kanyang katawan sa pagkakadaiti ng kamay ng guro sa kanyang kamay. “Can we talk actually I’m trying to find time na makausap ka ng solo at salamat at mukhang ito na yata ang pagkakataon na iniintay ko.” Nakatitig sa mukha ni Dianne habang sinasabi iyon ng guro. Ramdam na ramdam ni Dianne ang pag init ng kanyang pakiramdam sa hindi niya malamang dahilan. “Can you look straightly into my eyes Dianne.” Mahina at puno ng emosyong pakiusap ng guro kay Dianne. Dahan dahan naman nitong itinaas ang kanyang paningin sa guro at tila napakaraming daga ang mabilis na naghahabulan sa kanyang dibdib. “I’m sorry i can’t hide this feeling anymore, sinubukan kong pigilan pero i can’t resist your charm......I like you.” Mga katagang binitawan ng guro, “ I understand kung iiwasan mo ko pero sana give me a chance to prove my love for you,” dagdag pa nito. Walang maapuhap na salita si Dianne hindi niya alam kung ano ang  issagot sa guro kung aaminin na din ba niya na gusto niya ito bigla nagrehistro sa kanya na malapit na ang bakasyon at matatagalan na hindi niya ito makikita...paano kung mawala o mabaling sa iba ang feeling nito sa iba? will she let go of the chance na eto na sa harap nya?, bahala na bulong niya sa sarili. “ I Like you too sir.” Nahihiyang sagot ni Dianne. Mabilis na halik sa pingi ang biglang iginawad ni Rupert sa pisngi ni Dianne bagay na hindi inasahan ng dalaga na gagawain ng guro. “Dianne hindi ko alam kung masyado ba akong nadala sa emosyon ko hindi ko na napigil na magsabi sayo balak ko sana after your graduation kasi alam mo na pareho tayong mabibigyan ng disciplinary action ng paaralan kapag nalaman na may unawaan tayo. I hope you understand our situation na kailangan nating ilihim ito for the mean time for our own good..please understand honey.” Malambing at mahabang paliwanag nito kay Dianne. Walang hindi mauunawaan si Dianne pagdating sa pagmamahal kay Rupert. It was her first time. It was her first kiss. Tok..tok...tok katok mula sa pinto ng kanyang kuwarto ang pumutol sa kanyang alala “May dalang pandesal at goto ang tatay mo baka gusto mong kumain anak.” Anyaya ng Nanay Lita niya. “Naku nay busog na po ako bukas na lang po at papatulog na rin po ako.” Tugon naman ni Dianne sa ina. Muli ay nagsara na ito ng pinto at bumalik sa kanyang kama bigla tuloy niyang naisip ang asawa. Kumusta na kaya yung mokong na yun, mukhang hindi nagparamdam maghapon, nagpapamiss bulong ni Dianne na napapangiti. Tiningnan niya ang oras at nagbilang sa daliri alas nuebe ng gabi dito sa Pinas puwes  ala una ng madaling araw sa Singapore  naku bukas ko na nga lang kumustahin at baka mahimbing na ang tulog ay maabala ko pa wika ni Dianne at ipinikit na rin ang mga mata upang matulog.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD