bc

Since We Were Young

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.4K
READ
possessive
sex
contract marriage
one-night stand
fated
twisted
bxg
enimies to lovers
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

Two childhoods apart that is being played by fate. Ingrid needs to marry someone for her to get the heritage of her late mother. Pero paano siya ikakasal kung wala naman siyang karelasyon? Iyon ang problema niya. Pero nang makita niya si Kiyoshi ay alam niya na ito na ang lalaking dapat niyang pakasalan. Lalo na ng may mangyari pa sa pagitan nilang dalawa. A night that she will remember forever. She will chase him no matter what. Because he is the only one who can make her heart beats faster. He is the only man that captured her heart.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ingrid Calliope's P.O.V. Napangiti ako nang malaki nang makitang marami na ang nabawas sa mga tinitinda naming mga damit. Yes, we have a clothing line. Marami ng branches ang napatayo across the world. I have graduated related with this. Lumipad pa ako papunta sa France para mas malaman ang tungkol dito. I even have to leave my friends here in Pampanga. Two weeks ago I just arrived here in my home town. To where I really belong, to where I am born. "Mabuti naman at nakabalik na rito Miss Ingrid," saad ng baklang nag aasikaso sa mga customer namin. "Yup. I'm glad that I'm finally here," sinuyod ko ang mga damit at tinignan ang mga price. "Ako rin po," tila naginawahang sambit nito. Napaharap ako sa kanya. "What's with your reaction?" tinaasan ko siya ng isang kilay. Napabuntonghininga siya at pumiling sa akin. "Hay naku iyong evil step sister mo kasi ay laging nagmamaldita rito. Marami na ngang napaiyak sa mga staff at isa pa ay kuha siya ng kuha ng damit," sumbong nito sa akin. Napameywang ako at masamang napatingin sa malayo. "Anong karapatan niyang gawin iyon?" bulong ko. Naku at nag aalburoto ang aking isipan ngayon. Reign Castella, my dear evil step sister. Hindi kami magka apelido dahil hindi naman siya anak ni Daddy. Anak lamang siya ng bagong kasama ni Daddy. I am in good terms to Tita Ria. Mabait naman ito at nakikita ko kung bakit na inlove si Daddy sa kanya. Ang hindi ko lang gets ay bakit napakasama ng anak niya. Mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Added to that, walang karapatan sa clothing line na ito ang Reign na iyon. This is my Mom's property since she was in twenties.  Ipinundar niya gamit ang dugo at pawis niya. Effort niya ang lahat ng ito. Minsan ay naiinis ako sa ama ko at gusto ko na lang mapasigaw. Paano ba naman kasi ay pinapayagan niya ang babaeng iyon na makialam dito. Kung bakit ba naman kasi iniwan ni Mom kay Daddy itong clothing line eh. Sorry to my Mom that is in heaven now. She died because of disease. I was only ten years old then. That's part of my childhood. Sobrang lungkot ko noon. I can't even eat properly because of that. Although I am glad to my Daddy because he never left me. Kaya nga hindi ako nagkaroon ng sama ng loob sa kanya ng mag asawa siya ulit. Tulad ko rin kasi ay nawala rin ang saya sa kanyang mga mata. Nakita ko ang panunumbalik niyon dahil kay Tita Ria. "Don't worry, Lito. Pagsasabihan ko ang pasaway na babaeng iyon," inayos ko ang bag na hawak ko at umayos ng tayo. "Miss Ingrid naman. Lita is my name not Lito," bumusangot ito sa akin. Napatawa ako nang malakas at napatakip sa aking bibig. "Whatever, Lito," pang-aasar ko pa sa kanya. I am that casual to the staffs. Ganoon kasi ang tinuro sa akin ni Mom simula bata pa ako. Maging strict kapag kailangan talaga pero dapat marunong pa ring makisama para tumagal ang pagsasama. I fished my cell phone from my bag and dial Entiny's number. Siya lang kasi ang available sa tatlo ngayon. "Where are you?" I asked. "I am on the way now," narinig ko ang pagkaluskos sa kabilang linya. I rolled my eyeballs and pouted. "Yes you are on the way. On the way to your bathroom," busit kong saad. Napahalakhak siya. "Kilalang kilala mo talaga ako, Ingrid. I will take a bath now. Bye. See you later mwah," ibinaba na nga niya ang tawag. Hmp. Marahil ay napuyat na naman iyon dahil sa boyfriend niya. Video call pa more. Sa aming apat ay sila lang ay may jowa. Me, Vian, and Xena are so loyal to being single. I have flirted with some guys before. That's my way of finding the right one. Sumakay na ako sa kotse ko at nagtungo na sa mall. Mamasyal kami ni Entiny ngayon. Simula ng makabalik ako rito sa Pampanga ay ito ang una naming personal na pagkikita. Nag video call naman kasi kaming apat noong isang araw. Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot ng SM Clark at lumabas na. Habang naglalakad ay kinalkal ko ang cell phone ko sa aking bag. Like the cliche story in drama ay may nakabungguan ako. Napatingala ako sa kanya at napaawang ang aking labi. He is wearing a shade kaya naman hindi ko makita ang kanyang mga mata. But, I am certainly sure that he is so handsome. "Excuse me," pukaw niya sa pag i-imagine ko. Ini-abot niya sa akin ang bag ko at napataas ng kilay. Pagkatapos ay nilagpasan na niya ako. Wala man lang bang pa slow motion diyan? Iyong katulad sa mga drama. Kainis naman. Umikot ako patalikod para makita siya. Napangisi ako ng makita siyang napabaling din sa akin. Ibinaba niya ng kaunti ang kanyang suot na shade at napakagat sa kanyang labi. Is he trying to seduce me? Ang gwapo niya pa naman. Rawr. Tumitig siya sa akin at tila ba may pilit na iniisip. After that ay napapiling na lamang siya at tuluyan ng sumakay sa kanyang kotse. Weak. Hindi man lang niya tinanong ang pangalan ko. Hindi man lang niya hiningi ang number ko. Mahinang nilalang. "Uyy. Anong pinipiling piling mo riyan?" sinundot ng kakarating lang ni Entity ang aking tagiliran. Tinignan ko lang siya nang masama at nagpatuloy na sa paglalakad. "Tignan mo ito. Niyaya yaya ako tapos tatarayan lang pala ako," parang bata niyang sambit. "Oh shut up, Entiny. Hindi kita ililibre sige," pananakot ko sa kanya. Mabilis siyang napa aksyon at kunwaring zinipper ang kanyang bibig. "Ang yaman-yaman pero napakahilig magpalibre," napapapiling kong sambit. Kung gusto mo siyang makasama ay may key word. Sabihin mo lang ang "libre" at siguradong sasama siya sa'yo. Hindi pa rin maalis sa isipan ko iyong lalaki kanina. Habang kumakain kami ay siya pa rin ang nasa utak ko. "Kung hindi ko lang alam na single ka, iisipin ko na iniisip mo ang boyfriend mo. Lutang ka, Gurl," napapapiling niyang sambit. Pagkatapos ay napasinghap siya. "Omg! Baka naman may naiwan ka palang boyfriend sa France ah," akusa niya sa akin. Sinubuan ko na lang siya para mapatahimik. "Kumain ka na nga lang," I said. Napagkwentuhan na namin ang nagyari sa pag i-stay ko sa ibang bansa at kung ano ano ang ginawa nila rito habang wala ako. Nang mag hapon na ay naisipan na naming umuwi. Clingy na naman kasi ang boyfriend niya. Gusto na raw nitong mag-usap na sila. Kaya ayun ang loka todo karipas at excited na umuwi. Mag aalone time na naman sila sa cell phone. LDR pa sige. Umuwi na ako sa condo ko rito sa pampanga. Yup, meron akong sarili kong condo. Pero umuuwi naman ako minsan sa bahay namin. Kinabukasan ay nagtungo ako sa bahay namin. My father called me and wants to discuss something. Ano naman kaya iyon? He seems so serious about it. Medyo kinakabahan tuloy ako. Wooh. Pinasok ko na ang sasakyan ko sa parking lot namin. Pagkababa ay sinalubong ako ni Manang Lira, my nanny. "Hello po," bati ko at hinalikan siya sa pisngi. I am so very fond of her. Magkasundong magkasundo talaga kaming dalawa. She even knows some of my secrets. Iyong pagkakaroon ko ng crush noong ten years old ako. "Halika na at hinihintay ka na roon," excited niya akong iginiya papasok. I can see that she is so happy whenever I'm here. "Buti at nandito ka na," tumayo si Tita Ria at nakipagbeso sa akin. "Magandang araw po," magalang kong bati. Napatingin ako sa kapatid ko kuno. Ngumiti siya sa akin pero mabilis din na hinarap muli ang kanyang pagkain. I have no grudge at her. Naiinis lang naman ako dahil isa siyang dakilang pakialamera sa clothing line ni Mom. Kung hindi siya ganoon ay hindi naman talaga ako maiinis sa kanya. "Let’s eat first before the discussion," my Daddy said. Humalik ako sa pisngi niya at umupo na sa pwesto ko rito sa bahay. Hindi sila nagkaanak ni Tita Ria dahil medyo matanda na rin sila ng magkakilala. Isa pa ay kuntento na sila sa isa't isa. The dish is so amazing. I bet that Tita Ria and Manang Lira cooked this. Some are my favorites. Like the tinolang manok. I really love the soup of it. May handog na saya sa aking tiyan. Tahimik lamang kaming kumakain. Not an akward silence but just peaceful. Nang matapos kami ay nagpahinga muna kami saglit. Una nang pumunta si Daddy sa office niya rito sa bahay. Ako naman ay nandito pa sa sala. Lumapit sa akin si Tita Ria at hinawakan ang aking kamay. "Do you have any idea on what he will say?" I curiously asked. Pumiling siya. "Not really, Iha. But don't have any hate on your dad if he will spit some out of the border," payo niya. Tumango ako at nagpaalam na. Tumayo na ako at umakyat. Kumatok muna ako bago pumasok. "What will you tell me, Daddy?" I asked and sit. "This is a serious matter, Ingrid," he said. I just nod my head because I don't know what to say with that. "I am making a final decision on who will manage and own the Clossique," he said mentioning our clothing line. I chuckled. "Like what, Daddy? Of course I am the one who will manage that. Sino pa ba?" I confidently said. Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang pagpiling niya. "What?" "I observe Reign. She can manage the business properly. And now I am thinking kung sino sa inyong dalawa nga ba ang dapat magmay ari nito," usal niya. Napapiling ako at napatayo. "No, Daddy. That's my Mom's property and I will be the one who will own it," naiiyak ko nang saad. Why is he doing this to me? That's the biggest investment in my Mom's life and I will not loose it to someone. I am the one who will manage it. "If you want to make sure of your spot then follow my orders." Masama akong napatingin sa kanya. I know my Daddy. When he is serious about something that's sure that he will do it. Walang makapapagbago ng isipan niya. "Fine," padabog akong umupo ulit. "What is it?" "Be a married woman first. I want to make sure that you have a secured life before giving it to you," he said with finality. Napangaga ako. What? Is he really serious about it. Napapunas ako ng luha at napa isip. How can I even marry someone if I don't have a boyfriend. Ni wala pa nga akong napupusuan. "Don't ever think about renting someone to be your husband. I know that tactics, Ingrid. I will observe your future husband and will make sure that he isn't just a fake one." Napahilot ako sa sentido ko. Nahihilo na yata ako sa mga sinasabi ng ama ko. Ano ba itong pumasok sa isipan niya? "I am giving you a year to do that. For now, you can manage the Clossique for a while. But still under my name." Tumayo ako ng parang wala sa sarili. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko ngayon. Halos kakarating ko lang sa Pampanga pero ganito na ang nangyayari. Hindi ko na nakuhang nakapag-paalam sa iba at sumakay na ako sa sasakyan ko. Hindi ko ito agad pinaandar at naka upo lamang ako roon. Napatingin ako sa may dashboard at nakita ang kulay black na panyo. Inabot ko iyon at napangiti ng maliit. Napulot ko ito kahapon. Sa lalaking nakabanggaan ko ito. His name curved on the side of the handkerchief. "Kiyoshi," I whispered to the wind. His name seems so familiar but I just can't figure it out. My thinking about the marriage diverted to Kiyoshi. Napalabi ako at napahaplos sa panyo. "When will I see you again?" I asked and smiled like an idiot. Ibinaba ko na iyon at napapiling. Gosh, Ingrid. You should think of a solution about your problem now. Not someone you don't really know well.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Addicted To You (TAGALOG)

read
386.7K
bc

Unwanted

read
532.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.6K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
713.8K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook