Ingrid Calliope's P.O.V.
"Hey," pukaw ng lalaki sa harapan ko.
Umayos ako at bumaling na sa kanya. Tinanggal ko na ang pagkakatingin ko kay Kiyoshi.
"Hi. Kanina ka pa ba?" tanong ko.
Pumiling siya. "Actually I just got here. Nakita ko lang ang suot mo kaya nag wave ako sa'yo," utas niya.
"Oh," I said and noded. Tinignan ko ang suot niya at kakulay nga talaga ng suot ng kanina.
"I'm Dezeiel by the way," inalok niya ang kamay niya.
I accepted it and shake hands with him. "Ingrid. Ingrid Calliope," I said mentioning my name.
"I heard from Lita that you are finding a man," napangisi siya.
"Yup. You know I want to enjoy my time. Of course with a accompany. A date. A man," I said and shrugged my shoulders off.
Napatango siya at umorder muna saglit.
Habang hinhintay ang pagkain ay nag getting to know each other muna kami.
"So what keeps you busy?" I asked. Of course I need to know the background of the man I will date.
"I work at AUF as a nurse. I'm a freelance model too," he answered.
Napa 'o' ang aking bibig. "Really? That's so great. Buti kahit busy ka sa pagiging nurse ay nakakapagmodel ka pa," nagtataka kong sambit.
Pinagmasdan ko siya. Pak na pak nga siya sa modeling. May katangkaran at maganda ang katawan.
Napatawa siya ng mahina. Ang cute niya rin kapag gumagano'n siya.
"Yup. When I was a kid I want to be a model. Kaso habang lumalaki ay narealize ko na ang talagang gusto ko," sagot niya. "How about you?"
Dumating ang order at hindi muna ako sumagot. Hinintay ko munang mailapag na ang mga pagkain.
Pagkaalis ng nag serve ay nagsalita na ako.
"Fashion designer. And as of now ako ang nagmamanage ng clothing line namin," I said. "But I am not that busy. I can always give time for the things like this," I smiled at him.
Of course, it would be a major turn off kung wala akong mabibigay na time sa kanya.
He start to get the food and give some to me.
"Buti na lang at pumayag ka sa pa blind date ni Lita?" natatawang tanong ko.
Tumigil siya sa pagsubo at ngumiti sa akin. "I really want to try things like this. Ayoko naman na maging masyado akong busy sa trabaho at baka tumanda akong mag isa," he answered and eat.
"Same reason. I really want to have serious relationship," I said and playfully rolled my eyes.
Napahaba ang usapan namin. He is a madaldal person and funny at the same time. Magaling siyang magdala ng conversation at hindi nakakainip.
Tumayo na kami at lumabas.
"Thank you for today, Ingrid. I really enjoyed," he said wholeheartedly.
I smiled too at him. "Me too, Dezeiel. You're so funny to be with," I answered.
Kumaway na siya sa akin at sumakay na sa kanyang kotse. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako naglakad papunta sa sasakyan ko.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ko ng may magsalita.
"I guess you found your real date," utas nito.
Napataas ako ng kilay at tumingin sa kanya. "Yup," I answered.
He smirked. "And you really enjoy his company," he mockingly said.
Napakunot ang kilay noo ko. I crossed my arms in front of my chest and suspiciously look at him. "How did you know that? Pinapanood mo ba kaming mag date?" mapang asar kong tanong.
Sinungitan na naman niya ako. "I just noticed it. I am not watching you," he denied.
I playfully laugh at him. "If you say so, Kiyoshi. Pwede mo naman sabihin sa akin kung gusto mong ikaw ang ka-date ko. Pabebe ka pa riyan," asar ko at mabilis na pumasok sa kotse ko.
Hindi ko pinaandar iyon at tinignan ang kanyang reaksyon. Napameywang siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa pintuan ng koste ko kung saan ako pumasok. Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang daliri at napapiling. Pagkatapos ay tumalikod na.
Napatawa ako ng malakas at pinaandar na ang kotse ko.
Hmp. Pabebe kasing masyado.
"Ano? Bet mo ba?" tanong sa akin ni Lita ng bisitahin ko siya sa Clossique.
Magi-stay ako rito buong araw para makita ang mga pangyayari.
"Good catch naman. Easy to be with din. Buti at kakilala mo siya?" sagot at tanong ko.
"Alam mo naman ako, mabasa sa mga boylet. Naging nurse kasi siya noong pinsan ko dati. Mabuti at naghahanap din iyon ng love life," salita niya habang inaayos ang mga naka display na damit.
"Nag getting to know each other na kami. Pero hindi pa ganoon kalalim para makilala namin ang isa't isa," I took a sip on my orange juice.
Pumunta siya sa harapan ko. "Okay lang iyan. Nagsisimula pa lang naman kayo. Pag tumagal ay makikilala niyo rin ang isa't isa," utas niya at kumuha ng isang piraso sa fries ko. "Na iimagine mo na ba siyang maging asawa mo?" tanong niya.
Nang tinanong niya iyon ay isang tao lang ang pumasok sa isipan ko. I don't know why Kiyoshi suddenly appeared in my imagination.
Napapiling ako ng mabilis dahil doon.
"Ay hindi pa?" Lita misunderstood my reaction.
Natawa ako ng mahina. "Hindi naman sa ganoon. Isa pa ay kakilala pa lang namin. Lets just see kapag nagtagal kami. I still have time."
Buong araw ay doon nga ako namalagi. Marami rami naman ang mga bumibili. Lalo na iyong mga mukhang sosyalin.
"Do you have a gray color of it?" tanong ng isang babae. Dalaga at mukhang makikipag date mamaya.
"Meron po. Ano po bang size?" agad naman na sagip ni Lita.
Kinuha niya ang sinasabi niya at ipinakita sa babae. Ka edad ko lang siguro ito.
"Iyan! That look so nice," kinikilig pang sambit nito. For sure ay iniisip niya ang sarili niya habang suot suot iyon.
"True, Ma'am. I-partner mo sa black stiletto at pak na pak ka na," Lita is really good at sales talk.
"Really? Tingin mo magugustuhan ako ng lalaking bibingwitin ko?"
Napapalakpak ang bakla. "Of course. With your stunning look and stunning dress, sino pa bang aayaw?"
At iyon na nga. Binili na nga ni girl ang damit.
"Ang galing mo talaga sa sales talk," puri ko sa kanya.
"Hala, hala, hala. Hindi naman mabibenta iyon kung hindi maganda. Ikaw kaya ang nag design niyon. Kaya naman mabenta talaga," balik niya sa akin.
Natawa na lang ako at tumingin sa aking cell phone ng marinig kong mag ring iyon.
"Hi, Dezeiel. Bakit napatawag ka?" salubong ko.
"Ahm," doon pa lang ay na iimagine ko na siyang napapakamot sa kanyang batok.
"Spill it," push ko.
"My model friends invited me at a party. Gusto mo bang sumama? As my date?" mahina niyang tanong.
Napatingin ako kay Lita. Mukhang nakikinig. Tumango ito sa akin bilang signal.
"Oh really? Of course. Mamayang gabi ba iyan?"
"Yup. If you don't mind I can fetch you," he answered.
"Hmm. Okay. I'll just send my address to you. Send me a message about it. Kung ano bang susuotin and what time," saad ko.
"Alright. Thanks, Ingrid."
Ibinaba na niya ang tawag at binulsa ko na ang cell phone ko.
"Yieh. May date na naman ba kayo?" kinikilig na tanong sa akin ni baklush.
"Yup. He invited me to a party," I answered.
"Don't worry girl. Hindi malakas ang tolerrance niya sa alak kaya siguradong hindi siya maglalasing. Mababantayan at mahahatid ka niya ng matiwasay," pagpapanatag niya sa akin.
I have a high tolerance in alcohol kaya hindi ako masyadong nangangamba. Isa pa I know some self defense.
Like duh, I used to live on my own in France kaya naman sanay akong mag isa at magligtas ng sarili ko.
"Oh paano. Uwi na ako at need ko pang mag ready," paalam ko.
"Hindi ka ba kukuha ng damit dito? Para mas pak ka mamaya," ngisi niya.
Pumiling ako. "Nah. My closet is always ready for party," I waved my hands at him or her and walk towards my car.
Agad akong nakarating sa unit ko. Nagpahinga lang ako ng limang minuto bago maligo.
Na-text ko na rin si Dezeiel sa adress ko. Sinabi na rin niya ang dapat suotin.
So it's a party in bar. That's why I chose to wear my red silky fitted dress. Labas ng kaunti ang cleavage ko. Backless din ng kaunti at hindi ganoon kababa. It is knee lenght.
I think that I should partnered it with my white open heels na five inches. That's so perfect! Largang larga na ako.
I ponytail my straight hair. Nagsuot din ako ng ilang palamuti. Just earings and bracelet. Simple lang naman ang mga iyon.
Ni ready ko na rin ang dadalhin kong pouch. Cell phone at small wallet lang naman ang ilalagay ko roon.
I took a photo of me in the mirror while waiting. I will just post it on my social media. Promotion na rin for our clothing line. Para mas maenganyo silang bumili.
Dumating na ang notif. Nag text na ang hinihintay ko. Nasa baba na raw siya at naghihintay sa akin.
Maarte akong naglakad pababa. Looks like I am modeling while walking. Duh, that's what I really am. Fashionista!
Napabaling pa ako bago tuluyang makalabas ng building. I just think that the man who entered the elevator is somehow familiar.
Napapiling na lang ako at lumabas na. Agad kong nakita si Dezeiel na nakasandal sa nguso ng kanyang sasakyan.
"Hi," I greeted and smiled at him.
Tumango siya at pinagmasdan ako. "You look stunning," puri niya. I think totoo naman. Base na rin kasi sa kanyang reaksyon at sa tingin niyang hindi maalis sa akin.
I playfully laugh at him. "Para namang malulusaw na ako sa tingin mo," I joked. "Anyways, you look so fine," I said. I am not lying because he really look so fine with what he is wearing.
"Tara na," nakangiti niyang saad at pinagbuksan na ako ng pintuan.
"Anong occasion?" tanong ko habang pinagmamasdan ang loob ng sasakyan niya.
"Birthday ng fiance ng kaibigan ko," he answered.
Napatango na lang ako at tumahimik na. Isa akong mapakialam na tao kaya naman hinawakan ko ang radio.
"Can I turn it on?" I asked.
Napangiti siya ng maliit. "Yup. Feel free."
Binuksan ko na nga iyon at naghanap ng song na pang party. Para naman ma set ang mood namin.
Hindi rin naman ganoon katagal ang byahe. Malapit nga lang kung tutuusin.
"Let's go," iginiya na niya ako papasok.
Sumalubong sa amin ang cozy vibe. Sossy rin at calm ang ambiance.
Dumiretso siya sa tingin ko ay may kaarawan. "Happy birthday, Lyn," bati niya.
Nakibati na rin ako.
"Woah, Dezeiel. Is she your date? Buti pinatulan ka?" biro ni Lyn at tumawa ng malakas.
Napatawa na rin ako dahil doon.
"Whatever, Lyn. She is Ingrid. And yes, my date," pakilala niya sa akin.
Nakipagkamay na ako sa kanya pati na rin sa katabi niyang lalaki. Maybe he is her finace. Dezeiel's friend.
Napansin ako nito at nagpakilala na. "Hi. I'm Kly. Her fiance," he said.
I obligingly took his hand and smiled at them.
Nagkwentuhan pa sila at nagpaalam ako saglit para pumunta sa may comfort room. Ilang minuto akong nagtagal doon.
After minutes of staying inside the comfort room, I decided to go back. Naka upo na sila at may pagkain na rin. Papunta na sana ako sa lugar nina Dezeiel ng mapatigil ako. Napatingin ako sa katabi ni Kly.
Napangisi ako ng maliit. Oh, Mister Kiyoshi is here! Bigla yatang tumibok ng malakas ang puso ko. Na-excite ako ng todo.
I calmed myself and graciously walk towards there.
"Come. Kain ka na," salubong sa akin ni Dezeiel.
Nginitian ko siya bilang sagot at umupo na sa tabi niya. Kaharapan ko ngayon ang masungit na lalaki.
"Si Kiyoshi nga pala," saad ni Lyn. "Pinsan ko," dugtong pa niya.
I nod and offered my hand. "Ingrid," abot ko. Pagpapakilala ko na rin sa sarili ko sa pangalawang beses sa kanya.
Napataas siya ng isang kilay at napangisi habang nakatitig sa aking kamay. Napataas na rin ako ng isang kilay. Oh gosh, don't tell me magiging ma attitude pa siya rito at hindi tatanggapin ang kamay ko. That is so embarassing!
Napahinahon ako ng tanggapin na niya iyon. "Glad to meet you, Ingrid," he said and give me a small smile.
Bakit ganoon? Bakit parang may naramdaman ako ng bigkasin niya ang pangalan ka? What kind of sorcery is that?
"Kuya Kiyoshi, kay Dezeiel na iyan," asar ni Lyn at tumawa ng malakas. Hinampas pa ng mahina sa balikat ang lalaki.
"Really?" binitawan na niya ang kamay ko at ipinadaan ang hinlalaki niya sa kanyang labi. "Stay strong then," tila mapanukso niya pang sambit