Ingrid Calliope Amio's P.O.V. Napanguso ako habang naglalakad na kami pabalik sa may kotse. Ang grumpy niyong lolo hindi ako pinapansin. Sinundot ko ang kanyang likod para pansinin niya ako. "Uyy," tawag ko sa kanya pero wala pa ring response. Kahit na hindi niya ako binubularan ay pinagbukas niya pa rin ako ng pintuan at inalalayan na sumakay. Umikot na siya para makapasok na rin. Tahimik tuloy ang naging byahe namin pa uwi. Pagkatapos naming maging romantic sa isa't isa ay ganito kami ngayon. "Pag hindi mo ako pinansin iiwan kita diyan," laban ko ng hindi pa rin niya ako pinapansin. Nasa loob kami ng elevator at kami lang dalawa ang nandito. Tumingin lang siya sa akin at walang buka pa rin ang bibig. Gumalaw na ako ng mabilis ng tumigil ang elevator sa isang palapag. Pero kala

