Ingrid Calliope's P.O.V. Mabagal ang mga naging kilos ko. Mula sa pagpasok sa kwarto, sa paghahanap ng damit ko, sa pagbibihis, sa pagkuha ng mga gamit ko, at hanggang sa paglabas mula sa kwarto niya. I hissed when he didn't even move. Binabagalan ko na nga ang mga galaw ko para pigilan niya ako. Napakamanhid yata talaga ng lalaking ito. Wala ba siyang pakiramdam? Argh! "Aaalis na ako," mataray kong paalam at humawak na sa handle ng pintuan. Bumaling ako sa kanya at tumango lamang siya ng maliit. At talagang wala siyang balak na pigilan ako ha. Napabuga ako ng hangin pagkalabas ko mula sa tinutuluyan niya. Napakunot ang noo ko ng mapansin na pamilyar ang interrior ng building. Tumingin ako sa side at nakita ang pamilyar na sign doon. Para akong tangang napatawa. Oh gosh, can you bel

