Nanatili lang nakamasid si Don Zandro sa apo habang patuloy itong kumakain ng ipinahanda niyang breakfast. Inanyayahan niya ito na saluhan siya nang umagang iyon na hindi naman nito binigo. Mula pagkabata ng dalaga ay ngayon pa lang ang ikalawang beses na nakasalo niya ito sa pagkain. Nagpapasalamat siya at sa kabila ng pinagdaanan nito ay muli nitong ipinagpatuloy ang masaya nitong buhay na tulad ng dati. Aaminin niyang wala siya sa tabi ni Cleo noong mga panahong wasak na wasak ang puso nito sanhi ng pagkalimot ni Calyx ngunit hindi naman lumipas ang bawat araw na tinatawagan niya ang kanyang anak na si Stella para kumustahin ito. “Lolo, kanina mo pa po ako pinagmamasdan. Wala ka pa po bang balak na ako ay saluhan?” Pinukaw ni Cleo ang atensiyon ng lolo niya dahil sa walang puknat n

