Napahalukipkip si Cleo nang makita na hindi si Mang Celdo ang nakahandang maghatid sa kan'ya nang sumunod na araw papasok sa trabaho. Napatigil siya sa paglapit sa kotseng nakaabang sa kan'ya. “Huwag ka nang magpa-cute riyan, halika na, sumakay ka na,” nakangiting yaya ni Bryan sa kan'ya. “Si Mang Celdo?” “Tinawagan ko si Sussy, sabi ko huwag na niyang pasunduin si Mang Celdo sapagkat isasabay na kita pagpasok sa opisina.” Binuksan ni Bryan ang pinto ng kotse para makasakay siya. Pinaunlakan na rin naman niya ang lalaki. “Puwede mo akong maging personal driver every morning at sa hapon pag-out natin,” wika ng lalaki pagkasakay ng kotse bago tuluyan iyong paandarin. “Hindi ko afford magkaroon ng mayamang personal driver na tulad mo,” tugon naman niya. Natawang bigla si Bryan sa sinab

