Makailang beses na naihilamos ni Cleo ang mga palad sa sariling mukha habang nakahiga sa kama. Magbubukang-liwayway na subalit ilap na ilap ang pagdalaw ng antok sa kan'ya mula pa kagabi pagka-uwi niya sa bahay. Sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng silid na iyon. Alas-singko y media na nang umaga. Inis na muli siyang nagkulubong ng kumot at mariing ipinikit ang mga mata. Baka sakaling kahit isang oras ay makatulog man lang siya ngunit gising na gising ang kan'yang diwa. Nagsusumiksik sa utak niya ang mga naganap sa kanila ni Calyx nang nagdaang gabi. Dahil na rin naalala niya ang mga pangyayari sa pagitan nila ng lalaki ay may isang bagay na nagsusumiksik sa utak niya. Mayroon siyang pag-aari na nasa poder ng lalaki, walang iba kung hindi ang kan'yang panty na nagawa ni

