Pasado alas-dos ng madaling araw nang makarating sa crossing ng Pototanin si Cleo. Pagkababa-baba naman niya sa bus ay isang nakahimpil na kotse ang agad na bumusina sa kanya. Ibinaba ng sakay nito ang bintana. Sumungaw ang isang babae at kinawayan siya. Napangiti siya nang makilala ito, si Hyacinth. Binukan nito ang pinto ng kotse at bumaba. Nakangiting lumapit ito sa kanya. "Hey, I missed you," niyakap siya nito nang mahigpit. Sabik na yumakap rin si Cleo sa kaibigan. "I missed you too, Yazzy," iyon ang palayaw ni Hyacinth. "Kumusta ang naging biyahe?" pagdaka'y tanong nito matapos bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Kinuha nito sa kanya ang travelling bag niya na hawak. Naroon ang mga damit at personal na gamit niya para sa pagbabakasyon niya ng ilang araw sa Adelfa's garden. "Okay

