Impunto alas-quatro nang madaling araw kanina nang makarating sina Calyx at Maxene sa Adelfa’s Garden na pag-aari ng pamilya Cueva sa Pitogo, Quezon. Halos tatlong oras ding nakapagpahinga ang dalawa sa garden resthouse na tinuluyan nila. May sampong resthouse na nakatayo sa panabing bahagi ng hardin na sadyang nakalaan para sa mga bisita, buyer, o kostumer ng mga bulaklak na nagnanais na mag stay o magbakasyon roon. Isa sa mga resthouse doon ay inukopa nina Calyx at Maxene. Matapos nilang pagsaluhan ang almusal na inihanda ni Hyacinth sa tulong ni Jasmine para sa kanila ay agad nang nagyaya si Maxene na libutin na nila ang hardin. Hindi na rin naman tumanggi si Calyx dahil ayaw rin niyang sayangin ang oras niya. Kailangang magawa niya ang nais ng lolo ni Cleo at ng makabalik agad siy

