Napakalawak na ngiti ang nasilayan ni Cleo sa mukha ng lalaking sumundo sa kan'ya sa tahanan nina Hyacinth upang puntahan ang hardin. Matapos kasing tawagan ni Lola Adelfa ang lalaki para sunduin siya upang ipasyal sa taniman ay agad itong dumating. May angking tikas ang pangangatawan nito at may mukhang pasok sa standard niya ng pagiging gwapo. Ito ba ang lalaking tinutukoy ni Yazzy na asungot sa buhay nito? Isang tighim na mula sa lalaki ang nagpabalik sa wisyo ni Cleo. Marahil ay napansin nito ang pagkakatingin niya na kanina pa niya hindi inaalis sa lalaki. “Ako si Kael, Señorita,” nakangiting naglahad ng palad ang lalaking nagpakilalang Kael. “Huwag mo na akong tawaging señorita, just call me Cleo,” Ginantihan niya ang pagkakangiti ng lalaki ng isa ring ngiti. “Brillante-Rio

