Parang ayaw humakbang ng mga paa ni Cleo papasok sa tahanan ng mga Cueva . Kadarating lang nila noon ni Hyacinth galing sa taniman ng mga bulaklak. Batid niyang nasa loob na ng tahanang iyon sina Calyx at Maxene dahil nauna na itong pumunta roon kasama ni Tatay Quintin. Nahuli silang sadya ni Hyacinth dahil na rin sa ginawa nitong paninita sa kan'ya dahil sa sitwasyong naganap kanina at sa mga nalaman nito. “Hindi ka ba papasok?” tanong ni Yazzy nang mapansin na huminto siya sa paghakbang papasok sa malawak na pinto ng tahanang iyon. “Maalinsangan sa loob, siguro makabubuting dito na muna ako sa labas,” tugon ni Cleo. Nais muna niyang makalanghap ng sariwang hangin upang kumalma ang nararamdamang inis. “Well-ventilated ang bahay. May aircon sa loob ng silid mo. Malamig ang paligid dah

