Sa Moonlight Pub humantong sina Sussy at Cleo nang gabing iyon. Hindi katulad ng ibang bar ay nakaka-relax ang ambiance nito maging ang musikang punapailanlang. Puro mga instrumental piano, flute, cello, violin and harp music. Malayo iyon sa klase ng bar na napasok na nila sa Midnight Paradise na maingay at punong-puno ng buhay at enerhiya. Akma lamang ang lugar na iyon para sa mga nais ma-relax pagkatapos ng maghapong trabaho. Matamang tinitigan ni Sussy ang kaibigan. Parang may mali, eh! Napapaisip siya kung bakit sa halip na ladies drink ang order-in nito ay hard drink ang pina-prepare nito sa bar tender na kasalukuyang sumasaludar sa kanila. Sandaling naantala ang sanay pag-inom ni Cleo sa alak na laman ng kopitang hawak nang mapansing walang kakurap-kurap ang kaibigan habang nakat

