“FIRST of all, don't fall in love with me,” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napaturo pa ako sa sarili ko at sa kanya bago tumawa ng malakas na sinamahan pa ng pagpalakpak. “Hoy! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Ako? Maiinlove sayo?” malakas na tanong ko at muling tumawa ng malakas. “Ikaw ang wag maiinlove sa akin, pero alam ko namang hindi mangyayari yon kasi ayaw mo sa mga dukha diba? Atska wag kang mag-alala, hindi kita type– ayoko sa mayabang, matapobre, GGSS, at walang modo,” usal ko ska ngumiti nang napakalapad. Tumaas lang naman ang kilay nito sa akin bago muling nagsalita. “Then wala tayong magiging problema tungkol diyan. Second, we will sleep in one room but–” “ANO?” malakas na tanong ko na ikinakunot ng noo nito. “Just shut up and listen to me first!” usal

