Chapter 7 - Rules

1708 Words
MARAHAN akong sumilip sa loob ng opisina ni Kane nang tuluyan kong matulak ang pintuan, agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid para hanapin siya at hindi naman ako nahirapan dahil agad na sinalubong ako ng kilay nitong nakataas habang may hawak-hawak na papeles. “What are you doing? Come inside,” rinig kong usal nito. “You look stupid there,” dadag pa nito kaya naman mabilis akong napatayo ng diretso dahil sa narinig ko. “Hoy! Mas stupid ka ‘no,” balik ko sabay pagkrus ng braso ko sa ilalim ng dibdib ko. “Atska hindi naman ako magtatagal, gusto ko lang makipag-usap tungkol doon–” “So you will stand there until our conversation ends?” putol nitong tanong sa akin na parang alanganin ko namang tinanguan. “Then at least close the door,” usal nito sabay tingin ulit sa papeles na hawak niya. Agad ko rin namang sinunod ang sinabi niya habang nakatingin pa rin sa kanya na seryosong nagbabasa. Nang maisara ko na ng tuluyan ang pintuan, muli ko siyang tinignan– ngayon ay nakababa na ang hawak niyang papeles habang nakatingin sa akin. “So, why are you here? Nahimasmasan ka na ba na kailangan mo ng pera–” “Huy! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!” mabilis kong pagputol sa sinasabi niya. “Oo, kailangan ko ng pera pero never akong hihingi sa katulad mo ‘no,” pagpapatuloy ko. Akala ata nito tuwing mag-uusap kami ay laging pera niya ang habol ko. Maganda naman ang sahod ko sa AGC kaya hindi ko kailangan ng pera niya. “Ang taas masyado ng tingin sa sarili,” bulong ko sabay harap sa kanya. “Nandito ako para doon sa pag-uwi nila Grandma. Ikaw na magsabi sa kanila tutal ikaw naman ang apo,” saad ko dito na ikinataas ng kilay niya. Isa na lang aahitin ko na kilay nito e! Parang bagay naman sa kanya ang walang kilay. “Why me? You're the one who keep on insisting that we should be on the stupid–” “Hindi nga stupid yon! Isa pang sabi mo ng stupid–” “What are you going to do? You will kick me? You will stab me? Baka nakakalimutan mong nasa security agency ka, all your movements and words are documented,” nakangising saad nito na ikinakaba ko naman sabay dahan-dahang tumingin sa paligid. Wala man akong makitang mga camera pero alam kong imposibleng walang camera dito, ganon rin kasi sa AGC e. Kunwari walang mga camera pero ang totoo ay nakatago lang. “Now, tell me your STUPID reasoning again,” usal nito na halata ang pang-aasar lalo na ng ipagdiinan niya ang salitang stupid Pilit na lang akong ngumiti at marahan na naglakad papunta sa pwesto niya pero agad ring napahinto nang bigla niyang isenyas ang kamay niya na parang pinapatigil ako. “What are you doing? Didn't you just say that you will stand there until our conversation ends?” usal nito habang nakasilay ang mapang-insulto nitong ngiti. Para naman akong tanga na gustong ibuka ang bibig pero dahil mataas rin ang pride ko ay tumalikod na lang ako at bumalik sa kinatatayuan ko. “Okay! Tapusin na natin itong usapan na ‘to since alam kong wala ka namang balak na paupuin ako dahil sa sinabi ko o dahil kasi sa kayabangan mo ay ayaw mong madumihan iyang mamahalin mong upuan, kaya tapusin na natin ‘to! Nakakahiya naman sayo,” sarkastiko kong saad. Pabalang naman itong tumawa at parang naiinis na umiiling-iling bago muling tumingin sakin. “You're different now, Lyrisse. Ilang taon nga tayong huling nagkita? Tatlo? Dalawa? The last time I saw you, you looked like a scaredy cat but now, you look like a cat who can scratch me anytime,” nakangisi nitong usal na ikina-irap ko. Pasalamat talaga ‘tong lalaki na ‘to at nasa teritoryo niya kami e. Kasi kung hindi, kinalmot ko na talaga pagmumukha niyang bwisit! “Kaya ko naman yon pero ayokong mabahinaran ng kayabangan itong kamay ko atska isa pa, baka ipakulong mo ako sa simpleng kalmot sayo,” tugon ko na sinamahan ko pa ng plastic na ngiti. Umiling-iling lang naman ito bago muling tumingin sa akin. “Back to our topic, ikaw na magsabi kasi kila grandma… kasi hindi ko kayang magsinungaling sa kanila–” “And you think I can lie to them–” “Oo! Lagi ka kayang nagsisinungaling kila grandma! Nakwento yon ni grandma na minsan kang nagsinungaling kasi takot kang mapagalitan ng parents mo! Dinoktor mo pa nga yung isa sa mga test mo nung grade 5 ka e,” dire-diretso kong usal na hindi ko na inisip na baka magalit siya. Medyo kinabahan naman ako nang mapatingin ako sa kanya, nakatitig lang siya sakin na para bang tinititigan niya buong pagkatao ko, parang sa pagtitig niya pati kaluluwa ko ay nakikita niya. “I didn't know that you know me that much,” tamad nitong saad nito na ikinatango ko. “Even one of my greatest secrets huh,” “Nakwento lang naman yon ni grandma… pero hindi naman iyon ang point e… ang point ko, nagawa mo na dati– so immune ka na doon,” pabalang na tugon ko sa kanya na ikinatawa nitong muli. “Yes, Lyrisse, I'm immune to lying but it doesn't mean I will cover your stupid idea just for your sake. You want it to happen, then you will be the one to tell it to grandma because I don't want to be involved in your lies. Your lies, your responsibility. You lie, then face your own consequence,” nakataas ang kilay nito habang binabanggit ang bawat salitang nasa isip niya. Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga sinabi niya at alam kong na hindi na magbabago ang isip niya, mas lalo niya lang akong iinsultihin kung makikipag-away pa ako sa kanya o ipipilit ko ang gusto ko na siya ang magsabi. Kaya naman huminga na lang ako ng lalim bago ko kinuha ang phone ko. “Okay, ako na magsasabi,” usal ko at akmang tatawagan ko na si grandma nang muli itong nagsalita. “You don't want to hear my proposal?” tanong nito. “I think my proposal for this problem is more witty than yours,” pahabol niya pa. Sa totoo lang, gusto ko na talaga lamutakin ang bibig ng lalaki na ‘to. Tama nga si Ame, gera nga talaga ang pupuntahan ko dito. Bwisit na bwisit na ako sa kakasabi niya ng stupid plan! Hindi naman nga stupid yon, ayaw niya lang! “Na ano? Na titira ako sa bahay mo? Wag na uy! Manigas ka!” usal ko sabay tingin phone ko ulit. “Well, yeah! You will live in my house for the meantime while my grandparents are there,” usal nito na parang hindi pinansin ang mga sinabi ko. “I'm pretty sure they will stay here for a month or 2– then they will go back to their house and after that we can get the annulment. You can go wherever you want without being tangled by me,” pagpapatuloy niya. Dahil sa sinabi niya ay muli akong napahinto at dahan-dahan na napatingin sa kanya. Normal na ang mukha– well, normal naman talaga mukha niya kanina pa, nabubwisit lang talaga ako sa kanya. “Talaga? Gagawin mo yung annulment kapag wala na sila grandma dito?” paninigurado ko sa mga narinig kong sinabi niya. Marahan itong tumango bago nagsalita. “Of course! First of all, I don't want this marriage. I just want to fulfill my grandparent’s request that's why I agree to it and since I already established my own company, I can do what I want,” pagpapaliwanag niya na ikinatango tango ko naman. Parang nagliliwanag ang isipan ko sa mga sinabi niya at dahan-dahang ibinalik sa bulsa ko ang phone ko. “Well, that's my proposal… unless–” “Game! Go ako diyan! Basta sabi mo yan ha! Kapag bumalik na sila grandma sa bahay nila, annulment agad ha! Sabihan mo na lang ako kung magkano ang ambag ko atska kung anong irarason natin,” nakangiti kong putol sa sasabihin pa niya. Annulment na yan oh! Magpapabebe pa ba ako? I am now free from this arrogant attorney! “Well, if that's the case. I will handle all the papers and fees. You don't need to worry about it,” “Ay hindi! Baka hanggang sa kahuli-hulihang pagsasama natin, isumbat mo pa sakin yan. Nakakahiya naman sayo, baka maubos yaman mo,” usal ko na ikinatawa nito. Pero yung tawa niya ay alam kong nang-iinsulto. “Yaman ko ba ang mauubos o pera mo?” “Tignan mo talagang kayabangan mo!” usal ko sabay turo sa kanya na parang nambabanta. “Oo na, ikaw na hindi nauubusan ng kayamanan! Ako na ang dukha–” “Oops! I'm not the one who said that,” putol nito sa akin na ikinairap ko na lang. “But I'm serious, don't worry about the fees and reasoning, I'll handle that. For now, all you have to do is move in,” paliwanag nito na mukha namang seryoso dahil hindi ko na nakikita yung mga ngisi niya. Huminga lang muna ako ng dalawang malalim na hinga bago tumango-tango. “Okay, fine! Go na ako sa move in move in na yan, basta seryosohin mo yang deal mo ha!” pagbabanta ko na sinamahan pa ng pagturo pero agad ko ring ibinaba at pinandilatan na lang siya ng mata. “Don't worry, I'm a man of one word. When I say I will do it, I will do it,” usal nito bago ngumisi sa akin. Ayan na naman siya sa ngisi niyang mukhang aso! “But I have rules,” pahabol nito na ikinangiwi ko. Hindi pa tapos? Masakit na kaya ang paa ko kakatayo! “Teka! Bago mo ibigay ang rules mo, pwede mo ba akong paupuin? Masakit na ang paa ko sa ngawit–” “My rules are…” pagpapatuloy nito at hindi man lang ako pinansin! Nak ng tokwa! Wala talaga ang isang ito! Napaka-ungentleman! Bwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD