Chapter 6 - The Door

1568 Words
“LARA? okay ka lang?” Agad akong napatingin kay Esha nang marinig ko ang malambing na boses nito. Kusa akong napangiti nang makita ko kung paano siya tumingin sa akin. Kung ako lalaki, baka niligawan ko na ‘tong bata na ‘to. Napakalambing kasi tapos parang ang inosente niyang bata. “Huy! Bruha! Okay ka lang?” On the other hand, meron naman akong kaibigan na may pagka-demonyo. “Okay lang ako,” saad ko bago muling tumingin sa malayo. “May iniisip lang ako,” habol para hindi na sila magtanong pa. “Okay, kung may problema ka– sabihin mo lang ha,” rinig kong usal ni Esha na ikinatango ko lang. Hindi naman na ako nakarinig sa kanila ng kahit ano kaya pasimple ko silang sinulyapan at nakita ko kinukulit nitong si Ame si Esha na mukha namang walang balak pagbigyan itong isa. Buti nga at bumaba itong isa dito… sabi niya ay pinayagan raw siya ni Mr. Acosta na sumali samin ngayon maglunch. Muli na lang akong bumalik sa pagtingin ko sa kawalan habang nag-iisip ng pwedeng idahilan kay grandma… nakokonsensya kasi ako kapag sinabi kong out of country ako, bukod doon matagal na niyang sinabi sakin yung tungkol sa pag-uwi nila kaya baka sumama ang loob niya. Ilang araw na rin simula nung nag-usap kami nung tukmol na si Kane at talagang hindi ko siya sinipot sa opisina niya. Tumatawag siya pero wala akong pake at ayoko siyang makausap. Napakawalang kwenta niya kausap nakakagigil siya. Sabay-sabay naman kaming napatingin sa phone ko nang bigla itong tumunog… eto na naman siya. “Uy! Sagutin mo na yan…” saad sakin ni Ame na mukhang naririndi na sa ring tone ko. “Parang nung nakaraan pa yan tawag nang tawag sayo,” dagdag niya pa habang nakasilip doon. Tamad ko naman ‘yon kinuha at tinignan, ung assistant na naman ni Kane ang natawag pero alam kong si Kane yan, hindi ko naman alam kung ano na namang sasabihin niya pero alam kong mag-aaway lang kaming dalawa sa mga sasabihin niya. Akmang sasagutin ko na nang biglang namatay ang tawag na agad ko ring ikinataas ng kilay. Napakatalaga ng lalaking ito. Muli ko na lang ibinaba ang phone ko na agad rin namang tumunog ulit. Hindi na ako nagpaalam kila Ame, basta na lang akong tumayo at agad na sinagot ang phone ko. “Ano?” pabalang kong usal nang masagot ko ang tawag. “Hindi ako makikipagkita sayo, bahala ka sa buhay mo!” dagdag ko. “Then don’t but you take care of telling grandma that you are not living in my house,” rinig kong saad nito na ikinatayo ko ng maayos. “Bakit ako? Ikaw na magsabi– lola mo naman–” “But you are the one who keep on saying that you are out-of-the-country thing,” usal niya at walang pasabing pinatay ang tawag na hindi man lang ako nakakarebat. “Bwisit ka talaga!” gigil na saad ko bago bumalik sa kinauupuan namin kanina nila Ame. “Ame, pasabi naman kay madam na sumakit yung tiyan ko kaya napunta ako sa clinic tapos pina-uwi kamu ako,” bulong ko na tanging kami lang tatlo ang nakakarinig, kita ko naman ang pag-aalala nilang dalawa kaya agad na akong umiling. “Okay lang ako… may need lang akong puntahan,” saad ko para pampalubag loob sa kanilang dalawa. “Gera ba yang pupuntahan mo?” tanong bigla ni Ame nang isukbit ko na ang bag ko. Kunot noo ko naman siyang tinignan habang si Esha naman ay natawa at hinampas siya bahagya. “Hindi, bakit mo naman nasabing gera?” tanong ko habang nakataas ang kilay. “E kasi ho, yung mukha mo mukhang pupunta sa gera! Kulang na lang lagyan mo ng face paint yang mga pisngi mo katulad ng sa sundalo,” saad ni Ame na ikinatawa naman bahagya ni Esha. “Wag mo na lang pagsalubungin yang kilay mo pati wag mo na ikunot yung noo mo,” dagdag ni Esha na dinedemo pa ang gustong ipagawa sakin. Gera naman kasi talaga ang pupuntahan ko pero hindi naman siguro kami magsasakitan kaya tamang ibaba ko muna itong kilay ko at ayusin ang guhit sa noo ko. “Ayan, hindi na. Okay na ba itsura ko?” tanong ko kay Esha na nagthumbs up lang sa akin. “Sige na at aalis na ako, ikaw na bahala ha!” saad ko kay Ame na tinanguan lang ako. Mabilis na akong naglakad paalis ng office at mabilis na pumara ng taxi papunta sa company building ng mga Cromwell or should I say ni Kane… Hindi rin naman ako nagtagal sa byahe at agad akong nakarating sa building nito. Mabibilis ang mga hakbang ko papunta sa entrance bago ako biglang napahinto dahil alam kong haharangin na naman ako ng mga marshall dito na akala mo napakaelite nung kakausapin kong bwisit! Dahil doon ay agad kong kinuha ang cellphone ko at agad na hinanap ang pangalan ng assistant nito na si Jun at agad kong dinial iyon. “Hello, Mr. Jun… Ahm! Nandiyan pa ba yung boss mong masungit na ubod ng yabang? Ano kasi e, nandito ako sa labas ng building–” “I thought you don’t want to see and talk to me, Lyrisse?” rinig kong saad ng sana kabilang linya at hindi ko man makita o hindi man nito sabihin alam kong si Kane yan. “Tsk! Papasukin mo na lang kaya ako para masapak este makapag-usap tayo ng maayos,” iritableng saad ko na sinundan niya ng sarkastikong pagtawa. “Just state your name and they will escort you,” ring kong usal nito bago pinatay ang tawag. Napahinga na lamang ako ng malalim bago ipinadyak padyak ang paa ko. Hay! Bwisit talaga! Matapos kong pakalmahin ang sarili ko, muli na lamang akong naglakad papuntang entrance– hinanda ko na rin ang ID ko para naman kung sakaling hanapan ako ay may maipapakita ako agad. “Hi, good afternoon. I’m here for Mr. Kane Cromwell,” saad ko na ikinatingin nila sa akin. Bago pa sila magtanong ulit ay agad na akong nagsalita ulit. “I’m Lara Lyrisse Aquino, here’s my ID–” Hindi pa ako tapos magsalita ay agad na itong tumalikod at nagsalita. “Follow me, Ms. Lyrisse,” usal nito na ikinagulat ko pero agad rin naman akong sumunod sa kanya. Dire-diretso lang ako sa pagsunod sa kanya habang patuloy rin naman akong tinitignan ng mga nakakasalubong naming empleyado na sa tingin ko ay mga pabalik o kaya naman ay maglalunch. Nang huminto ang lalaking sinusundan ko sa tapat ng pinakadulong elevator, huminto na rin ako at bahagyang tinignan ang nasa harap namin. “Private elevator…” mahinang basa ko sa nakasulat doon. Bahagya naman akong nagulat nang marinig kong tumunog ito, hudyat na magbubukas ito. Naghintay lang naman ako sa pagbukas non at bahagyang nagulat nang makita ko doon si Mr. Jun. Agad na tumango ang lalaking kasama ko kanina bago ito gumilid para may madaanan ako na hindi naman ako nagkamali dahil sumenyas ito sa akin pumasok doon na ikinatango ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok habang nakatingin sa kanila. Wala naman rin kasi akong narinig galing kay Mr. Jun kaya naman tumuloy na lang ako. Nang makaayos ako ng tayo sa loob ng elevator, bahagya lang akong tinignan ni Mr. Jun bago siya itinapat ang card na hawak niya sa gilid. Mukhang scanner iyon at tanging ang card lang na iyon ang tinatanggap. Hinintay ko lang na huminto ang pag-akyat ng elevator habang pinapractice ko na sa isipan ko ang mga sasabihin ko kay Kane– ayoko naman kasi na magkakautal-utal ako doon mamaya. “We’re here, Ms. Lyrisse,” usal bigla ni Mr. Jun na ikinagulat ko. “Follow me,” dagdag pa nito nang tuluyang bumukas ang pintuan ng elevator. Tumango lang ako sa kan’ya at marahan na sumunod… aaminin kong kinakabahan akong makipagkita kay Kane lalo pa at ang huli naming pagkikita ay nung gabi pa matapos yung kasal kasal na iyon. Agad naman akong napahawak sa noo ko nang mabangga ako sa likuran ni Mr. Jun na hindi ko namalayan na huminto sa harapan ko. “Bakit ka biglang huminto?” tanong ko dito sabay sulyap sa kanya na nakayuko. “We’re here, Ms. Lyrisse. I’m sorry if you got hurt because of me,” saad nito na agad ko namang ikina-iling. “Hindi, okay lang… kasalanan ko naman kasi ang lalim ng iniisip ko,” saad ko hawak pa rin ang noo ko. “Dito ba yon?” tanong ko muli sa kanya nang iligid ko ang paningin ko. Nasa harap na pala kami ng malaking pintuan na akala mo malaking tao rin ang papasok dito. OA sa pagkalaki ng pintuan na ‘to, mas OA pa sa pintuan ni Mr. Acosta. “You can go inside, miss,” saad niya at agad na rin naglakad paalis sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita kong pumasok siya sa isang pintuan na sakto lang ang laki. Huminga lang ako ng malalim bago tuluyang humarap doon sa pintuan ng mga dambuhala, mahigpit ang pagkakahawak ko sa handle habang mariin ang pagkakapikit ng mata ko. “Kaya mo ‘to, Lara! Ilabas mo ang dugo ni Ame,” bulong ko sa sarili ko bago mabilis na tinulak ang pintuan papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD