Chapter 5 - Call

1109 Words
“HUY! May narinig akong tsismis,” Marahan naman akong tumingin kay Ame na kakarating lang sa office pero ito at may tsismis na naman. “Ano na naman yang tsismis mo?” tanong ko sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa sabay tingin ulit sa mukha niya na pawis na pawis. “Saan ka galing?” “Sa baba!” saad niya sabay mabilis na nagpunas ng pawis niya. Mabilis siyang umupo sa upuan niya at agad na inilapag ang bag niya. “Eto na nga! May narinig akong tsismis na ang kaibigan natin ay bumalik na kanina,” masiglang saad niya. Nagliwanag naman agad ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Syempre, kaibigan ko si Esha at nag-aalala talaga ako sa kanya lalo pa sa mga narinig naming mga tsismis kung anong nangyari sa kanya pero mabuti naman at nakabalik na siya. “Pwede ba siyang puntahan doon?” agad kong tanong na ikinanguso lang naman nitong kasama ko. “Ayon ang hindi ko alam kasi naman narinig ko lang yung tsimis na yon sa mga chaka sa baba,” usal nito na nakanguso pa habang ako naman bahagyang napatawa. “Atska ang chika, sinundo pa siya ni Mr. Acosta sa baba– baka pinapagalitan siya doon,” usal nito na may halong lungkot. Dahil naman sa narinig ko bahagya rin akong nalungkot kasi may point siya sa sinabi niya, paniguradong nakakulong na naman doon si Esha at hindi na naman pwedeng makausap. “Hayaan mo na, imessage na lang natin mamaya baka magreply naman na siya,” saad ko para naman mapagaan ang loob nitong kaibigan kong isa. Tumango tango naman siya bago humarap sa laptop na nasa table niya. “Sana lang hawak niya phone niya,” saad niya na siyang ikinatango ko bago tumingin sa table ko at sa cellphone ko. Bigla ko kasing naalala si Cromwell e, baka nagmemessage na pala sa akin yung assistant niya dahil nasa Pilipinas na pala siya kahit pa sinabi ng lalaki na iyon na tatlong buwan raw siya bago umuwi. Napangimangot naman ako nang wala akong makita na kahit anong message na galing sa kanya o kahit kanino sa kanila. “Bahala ka sa buhay mo,” bulong ko sabay bagsak ng cellphone ko sa tabi ko. Muli na lang akong tumingin sa laptop na gamit ko at pinagpatuloy ang pagtatrabaho doon. “GRANDMA! Kumusta po?” malakas na bati ko sa tao sa kabilang linya. “Ayos lang kami, ija. Ikaw, kumusta na?” may sigla nitong tugon sa akin. “Okay naman rin po ako, medyo pagod po sa trabaho pero okay na okay naman po,” tugon ko. “Mabuti naman kung ganon, sana lang kahit pagod ka ay nabibigyan n’yo pa rin ni Kane ang isa’t-isa ng oras, bilang mag-asawa ay mahalaga pa rin iyon,” rinig kong usal nito. Napangiwi naman agad ako dahil sa sinabi niya. Buhay mag-asawa “Bakit nga po pala kayo napatawag, grandma?” pag-iiba ko sa usapan baka kasi bigla akong hanapan ng apo, birhen pa naman ako! “Wala naman, gusto ko lang mangumusta lalo pa at nabalitaan kong nasa ibang bansa si Kane ngayon, I’m pretty sure you are bored there,” tugon nito. Napatango-tango naman ako na para bang nakikita niya sa kabila ang ginagawa kong iyon. Pero hindi naman ako bored, medyo lang. “Ganon po ba? Pagdating po ninyo dito, hindi na ako mabobored,” saad ko na bahagyang pinagsisihan ang mga sinabi. “I’m pretty sure about that, we can go whenever we want,” usal nito na may sigla sa bawat salitang binitawan. “I can't wait for that!” Napakagat na lang ako sa labi ko dahil hindi ko alam kung paano ko gagawin na mapasaya sila, e hindi naman nga kami nagsasama nung apo nila… naiisip ko pa lang na sasabihin kong nasa ibang lugar ako ay nakokonsensya na ako. Hindi rin naman nagtagal ang tawag at agad na ring nagpaalam si grandma dahil may mga aasikasuhin pa raw sila para wala na silang poproblemahin kapag nagpunta na sila dito. Malapit na pala iyon, apat na linggo na lang... Nang mababa ang tawag ay agad akong napatingin sa cellphone ko habang nakasilay ang contact information ng assistant ni Cromwell. Gusto ko malaman kung kailan ang eksaktong uwi ng lalaki na iyon para mapuntahan sa kompanya niya at mapag-usapan ang dapat. Akmang pipindutin ko na ang call option nang bigla naman tumunog ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ng kanila lang na tinitignan ko. Mabilis ko iyong sinagot at hindi muna nagsalita. “Lyrisse,” Para namang hinigit ang hinga ko nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya… it was deep and hoarse voice... para siyang pagod na pagod... “I know you’re there, Lyrisse,” rinig kong muli na usal nito. “Fine! I will be at my office tomorrow, so if you want to talk about our arrangement while my grandparents is here– be there by 10 in the morning,” Dire-diretso ang pagsasalita nito na para bang may hinahabol siyang schedule... “Teka! Hindi ako pwede bukas.. May pasok ako,” lakas loob kong usal matapos ang sobrang habang pagkakatigil ko doon. “Then umabsent ka,” rinig kong tugon nito na ikinakunot ng noo ko. “Anong umabsent! Hindi pwede ‘no! Hindi ako katulad mong mayaman–” “Why? You are my wife, whats mine is yours– kaya ka nga nagpakasal sakin di ba?” “HA!” malakas na saad ko na bahagya pang napaupo ng diretso dahil sa sinabi niyang iyon. “Excuse me lang ha! Hindi ko gustong magpakasal sayo– yung magulang ko–” “Exactly! You’re parents… if I know they just pay you to pretend being an illegitimate child,” pagputol nito sa sinasabi ko. Alam ko naman na hindi ako tanggap ng tatay ko pero hindi naman ako aabot sa punto na kailangan pa akong bayaran para lang magpanggap… “Wow! I’m offended,” “You should,” walang buhay nitong saad. “Just go to my office tomorrow,” mabilis na dagdag nito bago pa ako makapagsalita sa kanya. Mabilis na naputol ang tawag matapos ng mga katagang iyon… pero ako nakahinto pa rin at dinadama ang pagkabwisit ko sa lalaking iyon. “Napakamatapobre talaga! Bahala ka sa buhay mo! Mamuti ang mata mo kakahintay! Bwisit!” maktol ko bago mabilis na tumayo at nagpunta sa kitchen para uminom ng tubig. Masama ang loob ko sa lalaki na iyon, kahit kailan ay hindi na ata aayos ang pag-uugali niya! Masyado siyang mapagataas. Sumbong ko siya kila grandma e…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD