NAPATAKIP ako sa mata ko nang subukan kong tingalain ang building ng security company ni unggoy– I mean ni Kane. Alam ko na pangalan niya…
“Jonathan Kane Cromwell…” bulong ko bago ko pa makalimutan at matawag na naman siyang unggoy.
Marahan na akong naglakad papuntang entrance para naman makausap ang lalaki na yon… hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero kailangan namin mag-usap na dalawa para naman kapag nakausap ko si grandma alam ko kung anong idadahilan ko.
Wala pa man ako sa entrance, agad ko ng nakita ang tatlong guard na nagbabantay sa harap na para bang akala mo e, papasukin itong kumpanya nila.
Marahan akong ngumiti at bahagya pang yumuko para naman magbigay ng respeto.
“Hello po, pwede po ba akong pumasok diyan?” tanong ko na medyo ikinagulo ng utak ko.
Bakit ba ako nagtanong kung pwede pumasok? Malamang pwede!
“Do you need something here?” tanong ng isang guard na medyo ikinagulat ko dahil english speaking siya.
“Ah! I just want to ask if Mr. Jonathan Kane Cromwell is there? I have so so so many questions to him,” saad ko na nagpipilit ng ngiti dahil feeling ko hindi nila ako papapasukin.
Kita ko kasi sa mata nila na hindi nila ako papasukin dahil nung binanggit ko pa lang ang pangalan ni Kane, nagtinginan na sila.
“I'm sorry, miss… but Mr. Cromwell is not here,” saad ng lalaking kausap ko kanina.
“Ha? Bakit wala siya?” gulat na tanong ko sa lalaki sa harap ko. Hindi naman siya nagbigay ng kahit na anong reaksyon sa sinabi ko para bang wala talaga siyang pakialam na hinahanap ko ang boss nila. “Saan ho siya nagpunta? Anong oras ho siya babalik?” pagtatanong kong ulit.
Baka naman kasi lumabas lang at kumain or may meeting, at least alam ko kung mahihintay ko siya o babalik na lang ako.
“I'm sorry, miss, but we are not allowed to give any information about Mr. Cromwell,”
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro ako mukhang gangster na balak kitilin ang buhay ng boss nila ‘di ba? Mukha naman akong mabait…
“Ah! Naiintindihan ko naman pero pwede bang malaman kung anong oras na lang siya babalik? Para hihintayin–”
“I'm sorry, miss but we can't tell you. If you really want to talk to him– come back here after 5 months and make sure you have an appointment,” saad nito sa akin at mabilis na tumalikod.
Habang ako naman ay napatanga doon… pilit kong ipinapasok sa isip ko ang sinabi ng lalaki na yon.
“5 months…” bulong ko at mabilis na umiling. Hindi pwedeng 5 months! Paano sila grandma? “Ay! Bwisit ka talagang unggoy ka!” maktol ko doon.
Mabilis akong tumalikod at akmang lalakad na sana nang may bigla aking naisip. Muli akong humarap sa entrance at agad na hinabol yung lalaking kausap ko.
“Sir! Sir!” tawag ko na hindi naman ako nabigo dahil salubong ang kilay nitong humarap sa akin.
Akmang magsasalita akong ulit nang may biglang dumaan na lalaki sa gilid ko na agad na ikinayuko ng guard na kausap ko kanina. Napatingin rin naman ako at nakita kong tinignan rin ako nito mula ulo hanggang paa bago tumingin doon sa guard na kausap ko.
“Who is she?” may pagtatakang tanong nito sa akin sabay tingin doon sa guard na ngayon ay nakalapit na sa amin.
Marahan itong lumapit sa lalaki na bagong dating at marahan na bumulong. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay nito bago muling tumingin sa akin.
“Who are you, miss?” tanong nito matapos ng bulungan nilang dalawa. “Why are you looking for my boss?” dagdag nito na medyo ikinagulat ko.
Dahan-dahan ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa na para bang nagtataka. Hindi kasi siya mukhang empleyado– mukha siyang boss! I mean, yung aura niya boss ang datingan…
Agad akong napatingin sa kanya nang marinig ko siyang tumikhim para makuha ang atensyon ko. Nakataas ang kilay nito habang naghihintay sa isasagot ko.
“Ah! Ano kasi e… may kailangan ako sa kanya,” saad ko at pilit na ngumiti. “It's too personal to share with others,” saad ko nang makita kong hindi bumababa ang kilay niya.
“Okay. May I know your name– so I can personally tell him about your concern,” usal nito sabay labas ng cellphone niya. Agad nitong itinapat sa tenga niya ang cellphone niya matapos niyang kalikutin iyon.
“Ah! Lara Lyrisse Aquino,” tugon ko dahil mukhang totoo nga ang sinasabi niya na sasabihin niya.
Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya matapos kong sabihin ang pangalan ko. Bago pa siya makapagsalita ay agad na rin natuon ang atensyon niya doon sa cellphone na nasa tenga niya dahil mukhang may sumagot.
“Sir, someone named Lara Lyrisse– okay, sir. I'll handle her,” pagsasalita nito na para bang pinutol na rin agad ang sinasabi niya.
Marahan nitong ibinaba ang cellphone niya bago muling tumingin sa akin.
“Follow me, Miss Lyrisse,” usal nito at agad na naglakad.
Tinignan ko lang naman yung likod niya bago tumingin doon sa guard na kausap ko na nakaturo doon sa lalaki.
Dahan-dahan akong naglakad pasunod doon sa lalaki na tahimik na naglalakad papunta sa parang lounge area nila dito.
“Sit down, Ms. Lyrisse,” usal nito nang makarating kami sa mga couch na nandoon. “You want something refreshmens? Tea, coffee, juice–”
“Water. Water will do, thank you,” usal ko na puno ng pagtataka dahil sa bigla nitong pag-iiba ng trato sa akin.
Tumango lang naman siya bago tumingin sa reception at itinaas ang kamay. Agad na lumapit sa amin yung isang babae doon. Bumulong lang siya tapos ay umalis na yung babae.
“For now, Mr. Cromwell is not here but he wants you to know that you can move in to him right now–”
“Ha?” gulat na tanong ko na ikinagulat niya rin. “Anong move in? Ano… hindi ako magmomove in. Gusto ko lang talaga siyang makausap about sa grandparents–”
“Yes, we know… that why he said that you need to move in to his house,” pagpuputol nito sa sinasabi ko na mas ikinagulat ko.
“Ay hindi po. Pasabi sa kanya na hindi ako magmomove in, pasabi na mag-usap na lang kami pagbalik niya,” saad ko dahil hindi talaga iyon ang nasa isip kong gagawin namin. “Kailan pala ang balik niya?” tanong ko na ikinataas ng kilay niya.
Bago siya makasagot ay dumating na yung babaeng inutusan niya kanina kaya naman natahimik muna kami saglit.
“He will be here 3 days before your grandparents arrive,” saad niya na ikinalaki ng mata ko.
“Seryoso ba siya?” tanong ko na ikinatango niya na walang pag-aalinlangan. “Okay! Pasabi na lang na doon na lang kami mag-usap dahil hindi ako lilipat o titira sa bahay niya,”
Agad kong kinuha ang tubig na inilapag nung babae sa harap ko kanina at marahan na ininom yon habang nag-iisip.
“Okay. I'll tell him that but do you have any suggestions on how you and his grandparents will believe that you two are living together?”
Napahinto naman ako sa pag-inom dahil sa tanong niya. Oo nga naman! Meron nga ba akong ibang pwedeng gawin para mapaniwala sila grandma na magkasama kami sa iisang bahay pero ayokong makasama si unggoy sa iisang bahay. Pero pwede namang sabihin na nag-out of town ako dahil sa work, siguro naman hindi naman magtatagal sila grandma dito.
Marahan akong tumingin sa kanya bago ibinababa ang hawak kong baso. Marahan akong nagpunas ng labi at ngumiti sa kanya.
“Pwede namang sabihin niya kila grandma na nag-out of town ako–” napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko itong ngumisi.
“Okay, Miss Lyrisse, I won't argue with you anymore. Just talk to Mr. Cromwell when he come back,” saad nito bago marahan na tumayo. “I’ll go now. I have a lot of things to do. By the way, I’m Jun Maquiling, Mr. Cromwell assistant,”
Matapos niyang magpakilala ay agad na rin itong umalis habang ako naman ay nakatingin lamang sa likod niya hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.
Saglit pa akong tumambay doon habang pinagmamasdan ang paligid. Sa pagkakaalam ko itong company na ito ay pag-aari talaga ni Kane e. Sabi kasi noon ni grandma ay bata pa lang raw iyon ay gusto na niyang magkaroon ng sarili niyang kompanya na tungkol sa mga security at mga surveillance or parang related doon.
“Mukha namang okay ang company niya, siya lang ang hindi,” bulong ko bago marahan na tumayo para umalis na doon.
Mabuti na lang at wala akong pasok kaya uuwi na ako ng bahay paara makapagpahinga at bukas ay panibagong laban na naman.