2 - Dalaga

1605 Words
Lumipas ang ilang libong taon at nakita ko ang kaibahan sa planetang Zaglul. Noon, nasa ilalim tayo ng tubig at pinag-aagawan ang konting lupa sa itaas. Ngayon, nagpatayo ka ng iba’t-ibang uri ng isla. Noon, kaaway ang ating lahi. Ngayon, may payapang kasunduan ang Haklon at Arok. Noon, tayong taga-tubig lang ang mga nilalang sa planetang ‘to. Ngayon, may bumibisita na mula sa ibang kalawakan. Noon, marami pa ang populasyon sa ating planeta. Ngayon, ako na lang natitirang dalaga sa lahing Haklon. Naghirap din tayong lahat nang may virus na umatake at pumatay sa lahat ng batang babae at mga babaeng pwedeng magkaanak. Nadurog din ang puso ko nang unti-unting nawala ang aking mga kaibigan na kasing-edad ko. May nakaligtas sa iba’t-ibang lahi sa planeta pero sira ang mga matris. Kasali na ako ron kaya wala na akong natanggap na alok sa kasal kasi alam ng buong planeta na hindi na ako magkakaanak. Dahil sa kakulangan ng populasyon, nagdesisyon ka at ng ibang liderato sa planetang ‘to na makipag-ugnayan sa mundo ng mga tao para bilhin ang mga babae nila. At nabalitaan ko kamakailan na hihintay mo ngayon ang taong magiging asawa mo. Alam mo bang pakiramdam kong namatay ako ng ilang beses nang malaman ko ang impormasyon? Nagkulong ako sa aking silid at umiyak. Totoo ang haka-haka ng marami na perlas ang aming mga luha. At isang kaban ng perlas ang nalikom ko sa kaiiyak sa’yo. Pero sa gitna ng bighati, napag-isipan kong bakit hindi ko subukang lapitan ka. Ilang libong taon lang akong palihim at patagong umiibig sa’yo. Hahayaan na lang ba kitang mahalin mula sa malayo? Tumakas ako sa kaharian at dumiretso sa isang kuweba at lumuwas sa lupa. Hinintay ko ang mga sandaling napalitan ng paa ang aking mga buntot. Inayos ko ang aking kulay lumot na buhok na nagsisilbing damit ko habang patago akong pumasok sa palasyo. Simula nang malaman nating pwede pala tayong mag-ibang anyo kapag luluwas sa lupa, napagdesisyonan mong gumawa ng mga isla. Nahpatayo ka ng palasyo at dito ka na namalagi ng nung prinsipe ka pa. Bumalik ka sa ilalim nung naging hari ka na. Patago pa rin kitang sinusundan hanggang sa alam ko ang pasikot-sikot sa palasyo. Alam ko kung kailan at ilang gwardya ang nakabantay sa mga dinaraanan ko. Kaya madali lang sa’kin ang makapasok sa kwarto mo. Natagpuan kitang naghahandang maligo sa malaking lawa na pinagawa mo sa loob ng iyong silid. Napatili ang mga matatandang babaeng alipin nang makita ako. Pumasok ang mga gwardya at kakaladkarin na sana nila ako nang inutusan mo silang iwan tayong dalawa sa silid. Ilang beses ko na bang pinaginipang makita ka ulit sa malapitan? Kumirot ang puso ko dahil baka ito lang ang huling pagkakataong makita kita ng ganito ka lapit. Nakatapis ka ng puting tela at umupo sa maliit na tronong nakaharap sa’kin. “Magandang gabi po, Mahal na Hari.” Yumuko ako. “Ako po si Kinra.” Tumaas ang iyong isang kilay. “Anong ginagawa ng prinsesa ng mga Haklon dito? Alam ba ‘to ng pamilya mo?” Napalunok ako. “Kilala mo ako?” May maliit na ngiting sumilay sa iyong bibig. “Sinusundan mo ako ng maraming taon. Bakit hindi kita makikilala?” Napaigik ako. “Anong ipinunta mo rito, Mahal na Prinsesa?” “Nabalitaan ko kasing magpapakasal ka sa isang tao,” mahinang sabi ko. “At?” Napahigpit ang hawak ko sa isang maliit na kahon at tiningnan ka ng diretso. “Pwe-pwedeng ako na lang?” Rinig kong huminto ang hininga mo at kitang-kita kong tila nagbabaga ang mga ginto mong mata. “Anong pinagsasasabi mo, Mahal na Prinsesa?” Andito na ako sa posisyong ‘to kaya pinakapalan ko ang aking pagmumukha. Yumuko ako at inilahad ang isang maliit na kahon. “Andito ako para alukin ka ng kasal, Mahal na Hari.” Naramdaman kong tumayo ka at naging mabigat ang hininga ko nang marinig ang paparating mong yapak. Muntik na akong himatayin nang itinaas mo ang aking baba gamit ang iyong dalawang daliri. Nagtagpo ang gintong mga mata mo at ang berdeng mga mata ko. “Mahal na Prinsesa, alam mong konti lang ang populasyon natin.” Mababa ang boses mo. “Kailangan natin ang mga babaeng tao para magparami.” “Pwedeng ibang Arok na lang?” Nanginginig ang aking mga labi. “Bakit pati ikaw?” “Mahal na Prinsesa…” Pumikit ako at tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinigilan. Dinig kong nahulog at tumalbog ang mga ito sa sahig. “Akala ko umiiyak kayo ng perlas,” sabi niya. “Pero umiiyak pala kayo ng diyamante?” Biglang namulat ako sa sinabi mo. Tiningnan ko ang iyong daliring nakahawak ng nangingislap na diyamante. Ito ang unang pagkakataong nakita kong ganiyan ang hitsura ng mga luha ko. Binuksan ko ang kahon. “Mahal kita higit sampung libong taon na.” Tumigil ka at napatitig sa’kin. “Mahal na Prinsesa…” Itinapon ko ang kahon sa harapan mo at nagsitalbugan ang mga perlas sa iyong paanan. “Alam kong kabaliwan ang ginagawa ko ngayon. Alam kong ikukulong na naman ako sa kaharian kapag nalaman ‘to ni Papa. Pero pagbigyan mo akong makaniig ka kahit ngayong gabi lang.” “Kinra…” Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang hatid sa akin nang pagtawag mo sa pangalan ko. Lumundag ako at niyakap ka ng napakahigpit. Pinulupot ko ang aking mga paa sa'yong baywang. “Lorim, mahal na mahal kita.” Awtomatikong napahawak ka sa aking balakang at siniguradong hindi ako mahulog. Mainit ang hininga mo sa leeg ko. Umaapoy din ang balat mong nakalapat sa akin. “Itigil mo na ‘to, Kinra.” Hinaplos ko ang mukha mong ilang beses kong pinaginipan. “Alam kong walang mag-aalok ng kasal sa’kin kasi hindi na ako magkakaanak. Sana namatay na lang ako kasama ng mga dalaga sa planeta. Sana…” Hinila mo ang mahabang buhok ko hanggang sa tumingala ako ng konti at kinuyumos ako ng halik. Napakapit ako sa leeg mo habang nilalasap natin ang bawat bibig. Napaungol tayong dalawa nang maghiwalay ang ating mga labi. At walang sabing ibinalik mo na naman ang nakakapaso mong halik. Hindi ko alam kung ilang minuto tayong nasa ganon posisyon pero natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa sahig at nasa ilalim mo. Mas nakakapaso pang mga eksena ang ipinadama mo sa’kin gamit ang iyong kamay, bibig at ari. At hindi ako nahiyang labanan ang mapupusok mong ginawa. Umalis ka at dumiretso sa lawa upang magtampisaw. Walang tinig akong bumangon at napayuko. Sapat na siguro ‘to at babalik na ako sa amin. Nanginginig akong tumayo, tahimik na inayos ang aking buhok at dahan-dahang lumakad papunta sa pinto. May pumulupot sa aking baywang at napatili ako nang hinila ako papunta sa lawa. Awtomatikong bumalik ako sa orihinal na anyo at lumabas ang aking asul na buntot at dilaw na palikpik sa baywang. Lumingon ako sa’yo at nakangiti ka habang naaaliw na pinanood akong nakikipag-away sa tubig. “Saan ka pupunta?” Tumibok ang puso ko nang ipinadama mo ulit sa akin ang init na dapat nating pagsaluhan sa gabing ‘yon. Mga labi mo sa labi ko, mga kamay mo sa dibdib ko at mga galamay mong pumulupot sa aking buntot. Ilang beses mo akong napasigaw at dinala sa paraisong ikaw lang ang makakapagbigay. Akala ko don tayo magtatapos pero hindi. Dinala mo ako sa iyong kama at ipinamalas mo rin sa akin ang kakaibang apoy mula sa taong anyo ko at sa orihinal mong hitsura. Mga galamay mong kumapit sa aking kamay, dibdib, baywang, hita at paa. Napasigaw na naman ako ng ilang ulit sa kakaibang pagniniig na ipinamalas mo. At matapos ang lahat-lahat, lumuhod ako sa harapan mo at umiyak. Kinuha ko ang mga kamay mo at marahang hinalikan ang mga palad mong sumalo sa mga diyamante kong luha. “Mahal na Hari…Lorim…” bulong ko. “Alam kong hindi magbabago ang desisyon mong magpapakasal ka sa isang babaeng tao. Naintindihan ko naman ‘yon eh.” Pinunasan mo ang aking mga pisngi. “Pero mahal na mahal kita. Nakita mo ang maliit na kahon ng perlas?” Tahimik kang tumango. “May isang kaban pa ako sa kwarto ko.” Yumuko ako at kitang-kita ko ang mabilis na pagkahulog ng mga diyamante sa kama. “Sampung libong taon akong umiyak dahil at para sa’yo.” “Kinra…” “Una, dahil sa magkaaway ang mga tribo natin at ‘di k alam kung may posibilidad bang magkatuluyan tayo. Ikalawa, umalis ka sa kaharian mo at nagtayo ka nitong palasyo at dito ka nanatili. Ikatlo, sa mga balitang maraming nag-alok ng kasal sa’yo. Sinubukan kong kausapin si Papa pero kinulong ako ng tatlong libong taon sa aking silid. Ikaapat, nang marinig na nagkanobya ka. Ikalima, nang malaman kong may plano ka ring magpakasal sa kalahi mo. Naghanap na rin si Papa ng mapapangasawa ko. Ika-anim, nang malamang kong namatay ang nobya mo sa virus. Nagkasakit ako at nakaligtas pero umatras na ang mga lalaking nag-alok.” Bumuntong-hininga ka. “At ngayon…” Humagulgol ako. “Sa tingin ko, ‘di ko na kakayanin pa ang sampung libong taong mabuhay na mag-isa. Kaya patayin mo na lang ako ngayon.” Naninigas ang mga kamay mong nakahawak pa rin sa aking mukha. Mariin kong kinuyom ang aking mga kamay sa kumot. “Suklian mo na lang ang pagmamahal ko sa susunod nating buhay. Sapat na ang makaniig ka ngayong gabi. Magiging kampante akong mamamatay sa mga kamay mo, Lorim.” Pinulupot mo ang iyong mga kamay sa aking leeg. Napangiti akong pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD