bc

Ikaw Lang ( SHORT STORY - COMPLETED!)

book_age16+
109
FOLLOW
1K
READ
fated
opposites attract
royalty/noble
mermaid/mermen
drama
royal
another world
enimies to lovers
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

Alam kong magkalaban ang lahi natin. Alam kong hindi mo ako kilala. Pero nasasakatan ako nang malaman kong magpapakasal ka sa iba.

Sana man lang malaman mong mahal na mahal kita.

(This is a story of a forbidden relationship between a mermaid and an octopus man)

chap-preview
Free preview
1 - Dalagita
Ginto ang kulay ng iyong mga mata!   Akala mong masyado pa akong bata at hindi ko maalala ang pagsagip mo sa’kin. Nagkakamali ka kasi minahal ka ng aking dalagitang puso sa mga sandaling ‘yon. Binaliwala mong magkalaban ang mga lahi natin. Isa kang Arok at isa akong Haklon! Ang alam ko lang sa buong buhay ko ay hindi dapat magtagpo ang landas ng mga lahi natin. Lilihis ako ng daan kapang nakasalubong ko ang isang Arok.  Nag-away kami ni Papa dahil hindi niya ako pinayagang gumala kasama ang aking mga kaibigan. Dalawang libong taon na kaya ako pero hindi niya maintindihan na kailangan ko ring magliwaliw. Kaya tumakas ako at nagpasyang maglakwatsang mag-isa. Hindi ko naman sukat akalaing mapapadpad ako sa isang madilim na lugar. At nakasalubong ko pa ang lasing at nag-aamok na pating!   Akala ko’y katapusan ko na at nagsisisi ako dahil sa kamaliang nagawa nang biglang may pumulupot sa aking baywang at inilayo ako sa kanya. Sinugod tayo ng pating pero gamit ang dalawa sa walo mong galamay, inilayo mo ang posisyon ko at nagpakawala ka ng isang napakalakas na suntok sa kaniya. Nawala ng ulirat ang kalaban.   Tumibok ang dalagitang puso ko nang mapatitig sa isang binatang tulad mo. Mataas ang kulay itim mong buhok. Malapad ang iyong noo, maganda ang korte ng kilay, matangos ang ilong at makapal ang iyong mga labi. Diretsong bumaba ang aking paningin sa maskulado mong katawan. Medyo kulay abo ang iyong balat pero pula at itim ang kulay ng iyong walong galamay.   “Anong ginagawa mo rito, Haklon?” Galit ang tanong mo. “Espiya kaba?”   Tiningnan mo ako at napasinghap ako sa kulay ginto mong mga mata!   “Haklon?” Naging mahigpit ang mga galamay mo sa aking baywang.   “Nawawala ako,” simple kong sagot. “Saan ba ang pabalik sa Glustos?”   Matigas ang mukha mong nakatingin sa buo kong katawan. Kahit sintigas ng bato ang hitsura mo, hindi ito nakapigil sa lakas ng tambol ng puso ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataong napalapit ako sa isang estrangherong lalaki. Sa kaawaya pa!   “Ihahatid mo ako?” Tinapik ko ang makinis mong braso.   Pinakawalan mo ako at nag-inat ako ng katawan. Tiningnan ko kung nabali o may sugat ba ang buntot ko.   “Huwag ka ng babalik sa teritoryo ng mga Arok.” Sinabihan mo ako sa tamang direksyon pabalik sa amin gago ka tumalikod at umalis.   Hinabol kita. “Anong pangalan mo?”   Lumingon ka. “Para ano? Hindi na tayo magkikita ulit.” Lumangoy ka ng mabilis hanggang sa nawala ka sa paningin ko.   Akala mo lang na hindi tayo magkikita. Nagkakamali ka.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

Marrying My Fiancee

read
461.1K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
399.1K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook