Chapter 2
• Third Person's Point of View •
's**t' mura ni Vaughn sa isip habang pinapatakbo ng mabilis ang kaniyang kotse. Napatingin siya sa rear view mirror ng kaniyang sasakyan, pinapaputukan siya ng mga humahabol sa kaniya.
Kanina pa habol nang habol ang mga ito at tila nakikipag-unahan para makuha ang Blue Phantom. Isa iyong kwintas na importante at pinag-aagawan ng mga organisasyon.
At ngayon ay nabalitang nandito ito sa isang probinsya sa Quezon kaya dali-daling pumunta si Vaughn. Tinawagan naman niya ang mga tauhan na sumunod sa kaniya. Ang kaso ay ang mga walang hiyang kalaban nila ay nakatunog din at ngayon eto't nakikipag-unahan ang mga ito sa kaniya.
Kinuha niya ang isang silent gun at itinutok ito sa likod, sa kotseng humahabol sa kaniya at walang tingin pinaputukan ang mga ito.
Agad naman nag gewang-gewang ang mga ito at bumangga sa isang puno pero sadyang madami sumusunod sa kaniya dahil meron pa rin isang kotse nakasunod, lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo sa sinasakyan.
Damn it! Vaugn cursed.
Gumalaw ang kaniyang panga habang binibilisan ang pagmamaneho hanggang makarating si Vaughn sa isang farm, sumalubong ang madaming puno at bukidan.
Sisiguraduhin niyang makikita niya ang matandang lalake na nagtatago ng Blue Phantom na pakay niya.
• Yvette's Point of View •
Sumakay ako sa tricycle papunta sa farm na pinag-tatrabahuhan ni Tatay. Ilang beses na akong nakakapunta doon kaya nakabisado ko na rin ang daan papunta.
"Manong dito na lang po." Huminto ito sa pinaka b****a ng farm, napanguso ako ng bahagyang pumugak-pugak pa ang tricycle. "Magkano po manong?"
"Bente ineng," ani ng matandang kalbo.
Sandali ko siyang nilingon, grabe naman si manong.
"Eto manong." Inabot ko ang sampong piso. Kumunot ang kaniyang noo sa binigay ko.
"Teka! Bente, hindi sampo!" inis na sabi niya. Inayos ko naman ang suot kong t-shirt na hello kitty. Nako! Pati si hello kitty sumisimangot na sa kay manong. Ang buraot naman.
"Bente po manong kapag lahat ng pwet ko ay naka-upo. Eh kalahating puwet ko lang naman ang inupo ko kaya sampo lang," wika ko at ngumiti sa kaniya ng pagkatamis-tamis.
Hay nako si manong talaga, hindi marunong sa math.
Mabilis akong bumaba sa sasakyan niya at naglakad na papasok kahit naririnig ko pangsumisigaw siya.
Masayang naglalakad ako habang nakatanaw sa mga puno at bukid, kita na rin ang malaking hacienda ng may-ari ng farm na amo ng aking ama.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa mga puno ng napatingin sa isang matandang lalaking naka-jacket at palinga-linga, bahagyang kumunot pa ang aking noo sa kaniya nang makilala ay malakas ko siyang tinawag.
"Don Nestor!" masayang tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin kaya masayang lumapit ako at nagmano sa kaniya, bahagya kong napansin ang panginginig niya. "Saan po kayo pupunta?" takang tanong ko nang makitang may dala siya bag.
Hinatak ako nito sa likod ng puno habang lumilinga-linga.
Hinawakan niya ang aking balikat kaya napangiwi ako. Grabe naman si Don Nestor, ang touchy. "Ineng aalis muna ako," aniya animong natataranta.
"Hala! Saan po kayo pupunta? Paano po 'yong farm dadalin niyo po ba? Pwede po bang 'wag muna dahil pupunta po ako sa lawa eh magpi-picnic po ako!" aniko at nag paawa pa. Sayang 'yong pamahase ko sampong piso rin 'yon.
"Oo, hindi ko dadalhin ang farm ano ka naman ineng. Huwg ka mag-alala saka eto..." ani Don Nestor at iniabot sa akin ang isang maliit na box na kulay itim. "Sayo na 'yan ineng."
Napatitig ako sa ibinigay niya.
Wow! Ang bait talaga ni Don Nestor, binigyan pa ako ng bahay ng gagamba kaso pang sosyal ata 'to karaniwan kasi sa nakikita ko ay box ng posporo lang ang pinag-lalagyan ng gagamba.
"Sakin na po ito?" paninigurado ko.
Mabilis siyang tumango, binuksan ko naman ang bahay ng gagamba, nagulat ako nang makitang may laman itong kulay blue na kwintas. "Nako! Don Nestor bakit may laman?" nang hihinayang na usal ko. Sayang kung walang laman ay madami akong gagamba na mailalagay.
Kumunot ang kulubot niyang noo. "Sayo na ang kwintas na 'yan ineng." Gulat na napatingin ako sa kaniya. "Itago mo iyan at huwag na huwag mong ibibigay kahit kanino. Naiintindihan mo?" aniya at hinawakan pa ako sa balikat, bahagyang lumaki ang mga mata.
"Kahit kila nanay at tatay?" Tumango naman siya "Kahit kay Yna?" tanong ko at tumango ulit siya.
"Oo. Basta ipapakita mo lang iyan sa taong alam mong mapag kakatiwalaan mo. Gets mo?" aniya at nagpalinga-linga.
"Ah, sige po. Saka bakit ba kayo nagpapalinga-linga? Natatae ba kayo?Kung naghahanap po kayo ng sasakyan ay doon sa labasan," wika ko at tinuro pa ang daan na dinaanan ko.
"Oh sige, ineng aalis na ako! Mag-iingat ka at patawad," aniya at mabilis na tumalikod. Bakit naghihingi ng tawad si Don Nestor?
Wala naman ako binebenta eh.
Nagkibit-balikat na lang ako at inilagay ang box sa dala sa maliit na bag na hello kitty.
"Wah! Ang ganda!" bulalas ko nang makita ang lawa medyo kalahiyang lawa. Kaagad akong naupo sa gilid nito sa ilalim ng puno, inilabas ko ang aking dalang pandesal at isang chucky.
Tahimik na kinain ko iyon habang naka-tingin sa lawa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakasandal sa puno.
NAGISING ako sa isang malakas na putok. Nanlaki ang aking mata at bahagya pang napatalon sa gulat.
"Ay! Anak ng hellokitty!" sigaw ko't napabalikwas.
Gulat akong napatingin sa kabilang dulo ng lawa. May mga lalaking naka-itim at may mga hawak na baril.
OMG? Oh my gulay!
Don't tell me may nagte-taping ng pelikula? Wah! This is it pancit!
Dahan-dahan akong lumapit, syempre bawal maingay kapag may nag te-taping kasi magagalit ang direktor.
Hindi ko maiwasan humanga sa kanilang galing umarte. May isang lalaki na sa tingin ko siya ang bida kasi bukod sa gwapo siya ay siya 'yong kinakalaban ng tatlong lalaki, imposibile naman tatlo bida. Pero baka pwede rin?
Pinagkrus ko ang aking braso sa harap ng dibdib, inilagay ang kamay sa ilaim ng baba. Nang magkaubusan ng bala ay nag suntukan naman sila, manghang-mangha naman ako sa bida. Ang gwapo niya, grabe! Siguro ay bagong artista lang siya hindi ko siya namumukaan e.
Sa sobrang tagal nilang magsuntakan ay umupo na ako sa damuhan at pumalumbaba pa. Ang galing nila parang totoo 'yong sapakan nila.
Bahagya akong natawa ng makitang may kunwaring dugo 'yong lalaki sa tiyan. Wow, ano 'yon? Ketchup?
Nagulat ako ng sa sobrang pag-atras ng bida ay nahulog siya sa lawa. Ay tanga! Hindi naman mataas ang tubig doon siguro ay hanggang dibdib niya lang pero kita kong hindi na siya lumulutang.
Lah! Baka may twist 'to, baka magiging sirena siya?
Napatayo na ako at nag palinga linga wala bang mag sasabi ng 'cut'. Kasama pa ba to sa eksena? Nasan na ba 'yong mga tao.
"Hahaha! Ang yabang mo Navarro! Oh ano ka ngayon putangina ka!" dinig kong sabi ng isa. Humalakhak pa siya.
"Totoo pala 'yong sabi nila may phobia itong Navarro na ito sa tubig." humalakhak pa silang tatlo. Ano ba 'yan? Talo na ba bida?
Ano ba 'yon?
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko't sinearch iyon sa dictionary ko.
Pubya
Fukya
Hompya
Kumunot ang aking noo ng walang lumalabas. Sumubok ulit ako at nagulat ako ng may lumabas na Phobia.
Mabilis na binasa ko iyon. Takot. Iyon lang ang naiindihan ko sa hinaba-haba ng nabasa ko. Takot siya sa tubig? Edi hindi siya naliligo.
Kinabahan ako ng hindi pa rin pala siya lumilitaw at kumakawag-kawag ang tubig.
Tumakbo na ako papalit.
"Cut na! Cut na! time-pers lang," sigaw ko, mabilis kong tinanggal ang bag ko at tumalon sa tubig.
~