Chapter 1

1314 Words
Chapter 1 • Yvette's Point of View • Papasok pa lang ako sa bahay ay narinig ko na ang malakas na sigaw ng aking nanay. Isinara ko ang gate at nagpatuloy sa paglalakad, mas lalong lumalakas ang kaniyang sigaw. Hanga rin ako sa kaniya, hindi siya namamaos. "Nasaan na ba kasi ang bata na 'yon?!" kalmadong boses ni Tatay. "Hay nako! Ewan ko sa anak mo, sinabi ko na nga ba dapat ay sinundo mo siya!" rinig ko naman boses ni Nanay halata mong sinisisi si Tatay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, bahagya silang sinilip. Nang makitang napatingin ang aking kapatid ay tuluyan ko ng nilakihan ang bukas non. "Oh! Nandyan na pala si Ate," ani ng kapatid ko na si Yna. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay, nasa sala silang lahat at animong natataranta na si Nanay. Napatayo pa siya nang makita ako at kaagad sinalubong bahagya pa akong napaatras dahil akala ko'y pepektusan niya ako pero namewang siya aking harapan. Nagmano naman ako sa kanya. "At bakit ngayon ka lang bata ka ha?!" sermon niya. Si Yna naman ay pinagpatuloy ang panunuod sa tv samantalang si Tatay ay sumimsim ng kape habang nakatingin samin ni nanay. "Nay kasi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya. "At sumasagot ka na talaga ngayon bata ka? Sinabi ng kapatid mong ala-una pa lang ay tapos na klase mo! Talagang inubos mo pa siguro ang baon mo bago umuwi noh?" aniya at pinaningkitan ako ng mata. Hindi ko alam kung bakit laging highblood 'tong si nanay sakin e. Oo, galing kasi akong school dahil fourth year college na ako at may klase kami. Bakit ba nagagalit si nanay? Siya naman may kasalanan. Hindi ako nagsalita at binaba ko ang bag kong kulay pink na may tatak na hello kitty. "Ano hindi ka makasagot? Naglalakwasya ka na? Aba'y tatay tingnan mo itong anak mo pagsabihan mo 'yan!" sumbong nito kay tatay na nagka-kape lang, palipat-lipat ang tingin sa amin, sanay na siya sa bunganga ni Nanay. "Nay naman, kapag sasagot sasabihin mo huwag sasagot tapos kapag tahimik naman ako sasabihin mo sumagot ako kasi kinakausap mo ako, gulo mo nay." Humalukipkip ako sa isang sofa. "Aba't 'wag mo ibahin ang usapan bata ka. Bakit ka nga ginabi? Alam mo ba kung anong oras na?" tanong niya. Napatingin naman ako kay Yna at kinalabit ito. "Ano?" mahinang tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa telebisyon. "Anong oras na raw, tinatanong ni nanay?" mahinang bulong ko. Tumingin naman siya sa wall clock. Hindi kasi ako marunong magbasa ng ganon sanay ako sa orasan sa cellphone lang. Hindi ko lang talaga naka-sanayan, sinusubukan ko naman pero matagal kasi binibilang ko pa. "Five forty five pm na," simpleng sagot niya, humarap naman ako kay Nanay at matamis siyang nginitian. "Five forty five na raw po nay," sabi ko. Lalong kumunot ang kulubot niyang noo. "Oh uwi ba 'yan ng matinong babae, Ling?" tanong niya. Ling ang tawag sa akin sa bahay. Napakamot naman ako ng ulo, ang gulo talaga kausap ni nanay. Baka kaagad akong tumanda kapag lagi ko siyang kasama. "Nanay naman, 'di ba naalala mo 'yung sinabi mo kanina bago ako umalis?" mahinahong tanong ko tinaas-taas ko pa ang aking kilay. "Oo, ang sabi ko bago gumabi ay dapat nandito ka na!" aniya habang kunot ang noo. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis. "Iyon naman pala eh nay. Ikaw kaya may kasalanan sabi mo bago gumabi umuwi na ako, alam mo ba nay ang tagal ko naghintay sa labas ng school para lang gumabi dapat nga kanina pa ako tanghali rito kaso naalala ko 'yung sinabi mo," buong pagmamalaking usal ko. Ha! Akala niya ah, naalala ko kaya 'yon! Huwag ako nay, matalas memory ko. Nakita ko kung paano nanlaki naman ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa akin. Tumayo siya ng tuwid at kumamot sa batok "Nako! Tatanda ako sayong bata ka maryosep! Magpalit ka na ng damit doon habang hindi pa nagdidilim ang paningin ko sayo!" pananakot ni Nanay. "Kayo talagang mag-ina," komento ni tatay. Mabilis naman ako tumayo at pumunta sa kwarto namin ni Yna. Minsan talaga hindi ko ma-gets si Nanay. Nagtataka nga ako ano nagustuhan ni tatay sa kaniya bukod sa maputi si nanay e lagi naman nane-nermon sa akin. Kagaya ng sabi ni Nanay ay agad akong naglinis ng katawan, masayang inilibot ko ang paningin ko sa kwarto kong puno ng hello kitty collections. Si Yna naman ay mahilig sa stitch kaya hati ang kulay ng kwarto namin dahil magkasama. Kinabukasan ay masayang lumabas ako sa kwarto. Wala na si Yna ng magising ako, grabe siya! Nauna akong natulog sa kaniya kasi nagse-cellphone pa siya tapos ang aga naman niya nagising. Sana all talaga. "Nanay? Tatay?" sigaw ko ng maabutang wala tao. "Gusto kong tinapay! Ate kuya gusto kong kape." biglang kanta ko habang naglalakad pababa ng hagdan. "Ate wag ka maingay. Mag almusal ka na dyan, may pagkain na dyan." Napalingon ako sa nagsalita, akala ko sinong ulikba, si Yna lang pala na abala na naman sa cellphone. Napataas kilay ko, kinakausap niya 'yung cellphone niya? Ako ba? Lumapit ako sa kaniya at dumunghaw sa cellphone niya dahil akala ko'y may kausap siya doon pero agad naman niyang tinago iyon sa likod niya. Damot! "Ate naman bakit naniningin ka? May ka-text ako," usal niya at napanguso sa ginawa ko. Ang damot talaga, titingnan lang e. "Ate rin ba yang katext mo?" usisa ko. Inirapan niya, dukutin ko kaya mata nito. "Ano ba pinagsasabi mo ate? Ikaw kausap ko. Ang sabi ko kumain ka na roon sa kusina at saka wala pala sila nanay pumunta sila ni kila tiya Noning baka raw tatlong araw sila mawawala kasi bibiyahe pa sila e sa pampanga pa 'yon," aniya napakunot naman nuo ko. "Bakit hindi man tayo sinama?" takang tanong ko. Sayang gusto ko pa naman sumama doon, saka ayoko maiwan kasam si Yna, tuwing wala sila tatay ay ako lagi ang naghuhugas ng pinggan e. Binasa niya ang ibabang labi niyang parang sinapak dahil sa sobrang pula. "Walang pamasahe saka bibisita lang naman sila ron ate. Saka nga pala aalis din ako dalawang araw ako kila Kori," aniya sabay iwas tingin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ang daya! "What?! Anong gagawin mo ron? Ako lang dito?" kabadong tanong ko. Hinawakan naman niya ang balikat ko. "Oo ate ikaw lang. Kailangan kasi namin gawin yung portfolio namin kaya mag-overnight ako sa kanila." paliwanag niya. Napanguso na lang ako, kaya ko man mag-isa hindi naman ako takot sa multo. Ang kaso hindi ako marunong magluto kaya naman paano ako kakain? "Basta sa gabi isasara mo lang 'yung pinto. Weekends naman kay walang pasok edi gumala ka sa bayan hanggang doon ka lang kasi hindi mo na alam kapag sa kabilang bayan ka pumunta. Lagi mo lang dadalhin 'yung cellphone mo para matatawagan ka!" palala niya para talaga siyang si Nanay. Hinawakan pa niya ang balikat ko bahagyang pinisil iyon. Tumango naman ako sa kaniya. Hay! Ano naman gagawin ko dito? Ayoko naman manuod lang buong araw. Kabisado ko na ata mga palabas. Wah! Tama! Pupunta na lang ako sa may farm kung saan nagta-trabaho si tatay. May lawa roon siguro ay mag pipicnic na lang ako doon mamaya. Napangiti ako sa naisip ko. Yes! ~*~ Paalala: Ang ugali ng bidang babae ay hindi angkop sa kaniyang edad. Mas isip bata at inosente siya. Iyon po talaga ang istorya kaya wala ng magtatanong kung bakit ganon siya mag-isip dahil ganon ko talaga siya ginawa. Wala akong binanggit na sakit niya but warning lang sa babasa, she's not normal girl. She's special. Ganon ko siya binuo para sa istoryang ito. Siguro naman nakakita na po kayo ng tao na matanda na pero medyo may pagkaisip bata? Inosente? Ignorante? Ganon po. Thank you! ----•♡•----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD