maiingay na tawanan at hampas sa lamesa ang naririnig ko dito sa canteen habang kumakain. argh hindi pa din maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. bwisit talaga! bakit siya pa ang naging prof ko sa physics?!
Napansin ko naman na kanina pa ako tinitignan ni Bley at Ayenn na para bang andami dami 'kong iniisip. "ghorl okay ka lang ba?" "hayaan mo na si Sir Jeremie, thrice a week lang natin siya makikita at ang malala pa ay siya lagi ang first sub natin" magkasunod na sabi pa nila at biglang nagtawanan.
Tinignan ko nalang sila at inirapan saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi sila nakakatulong sa problema ko!!!
Nanahimik lang ako habang patuloy na sinasariwa ang mga nangyari kanina. "Hoy Sheen, kasama mo kami dito. Hindi kami hangin. Oh wait, by the way. ano ang pinag-usapan niyo ni Sir?" sabay taas-baba ng kilay niya na para bang may pinapahiwatig si Bley.
Agad namang kumunot yung noo ko "Hoy Bley, wala ako sa mood makipag-kantyawan sayo. Sira ang buong araw ko dahil kay Jeremie!" inis na tugon ko.
Sinenyasan naman nila ako na wag maingay dahil baka may makarinig sa amin lalo na't teacher si Jeremie dito. Baka sabihin nila na wala akong respeto dahil hindi ko man lang nilalagyan ng 'Sir' bago ang pangalan niya.
"Wait. Sheen hindi nagp-process sa utak ko" naguguluhang sambit ni Ayenn.
"You mean Sir Jeremie was inviting you to go with him here at the canteen because he was not familiar in this University plus he wants you and him to have a closure? But before that, sinabi mo na hindi mo ibibigay sakanya ang bataan?" natatawang tanong sa akin ni Bley na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kay Jeremie.
"Yeah, that's right. At sobrang nahihiya ako dahil naunahan ako ng kaba at 'yun nalang ang nabanggit ko sakanya" inis na sabi ko at hindi ko na talaga alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko sakanya sa next meeting namin.
"So iniisip mo na may gagawing masaya sayo si Sir Jeremie at 'yun nalang ang nasabi mo dahil sobrang kinakabahan ka?" natatawang tanong ni Bley sa akin habang si Ayenn naman ay nagpipigil ng tawa. Tumango na lang ako at sabay yumuko sa lamesa. Hindi ko na alam ang gagawin ko huhu.
Buong klase namin ay tahimik lang ako at hindi nakikinig sa mga bago naming profs. Kahit na gwapo ang mga iilan sakanila ay 'di ko pa din magawang bumalik sa dati 'kong mood.
Masyado ng madami ang mga nangyari para sa araw na 'to. Ni hindi ko na nga alam ang gagawin ko kauwi sa condo huhu.
"You look so tired. Omg Sheen it's our first day pa lang naman. Para 'kang nalugi sa lotto" mahinang pagkasabi sa akin ni Ayenn dahil nagd-discuss na ang prof namin sa harap.
First day na first day discussion agad?! Tiningnan ko lang si Ayenn na para bang pinapahiwatig ko na wala ng saysay ang bubay ko dahil sa nangyari kanina. "Don't worry Sheen, makakalimutan 'din 'yon ni Sir Jeremie kaya relax ka lang" pagcomfort naman sa akin ni Bley dahil alam nilang sobra 'kong dinibdib ang nangyari.
Finally. Natapos na din ang last subject namin. 5:00pm pa lang at may oras pa kami para gumala kung saan saan. "Guys" nanghihina 'kong tawag sakanila habang lumalabas ng classroom.
"Sheen kahit hindi mo sabihin sa amin G! lang kami" sagot naman sa akin ni Bley at tumango-tango si Ayenn. Ugh! They really know me well. Agad ko silang niyakap at sinabi na "Iloveyou guys!! Alam na alam niyo talaga ako pag problemado ako. Don't worry it's my treat!!"
Agad kaming nakarating sa milktea shop. Ito ang madalas naming tambayan at dito 'din kami nagkakilalang tatlo. I was going to invite Mike and Britney but sad to say they we're busy to their first performance for tomorrow. Magkaiba kasi kami ng school na pinasukan dahil gusto nilang maging Pilot at Flight Attendant at ako naman ay more on sa Engineering.
"So how's your mood? Is it okay already?" tanong sa akin ni Ayenn na busy sa pagkalikot sa phone niya. "A little bit. s**t. What should I do?" naguguluhan 'kong tanong dahil bumalik na naman ang mga nangyari kanina.
"Gawin mo nalang mga pinapagawa sayo ni Sir. Who knows? Baka for him It's not a big deal" suggest pa sa akin ni Bley sabay inom sa milktea niya. Ano na nga ba ang gagawin ko?
Almost 9pm na ng makauwi ako sa condo ko. It was a very long day f**k! Umupo muna ako sa sofa atsaka ibinaba ang bag ko. Humiga muna ako 'don saglit at tumayo na ulit para kuhanin ang cellphone ko sa bag.
Agad akong tumingin sa phone ko kung meron 'bang mga requirements na ipapasa and thank God at wala namang pinapagawa as our class mayor's chat. Nag-scroll nalang ako dahil buong gabi ay wala naman akong gagawin.
Nagpabalik balik na lang ako sa twitter at i********: na mabusising tinitignan ang updates sa mga favorite k-pop idols ko.
Shit!! Saglit lang ako nawala pero madami dami na ang mga updates. Mukhang madami akong pagkaka-abalahan ngayon gabi sabay tili ng malakas para panoorin at sabayan ang mga kanta nila. Nakareceive naman ako ng notification sa i********:
"bleymndz_ mentioned you in her story"
Ano na naman kaya 'tong minention niya sa akin? Matignan nga. Holy s**t!! Vinideohan niya pala ako sa milktea shop kanina habang tulala ako at nag-caption pa ng "Bataan pa nga" 1 hour ago!! putek! Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Agad akong nag-dm sakanya at gulat ako dahil mayroon pa siyang message sa akin
bleymndz_ : girl I have good news for you!!
sheengvr : hoy babae!!
sheengvr : punyeta ka magreply ka!!!!
sheengvr : anong goodnews?!
Ang tagal mag-reply ng babaitang 'to!! Kailangan niya ng idelete ang ig story niya na 'yon dahil baka may makakita sa mga classmates namin
bleymndz_ : chill inaccept lang naman ni Sir Jeremie yung follow request ko sakanya sa ig hihi nakakakilig diba? Slr din dahil busy ako sa pagstalk kay Sir. Omg ang hot niya
Tangina. Yan pa talaga ang inasikaso niya?! Ganoon ba siya ka-uhaw sa pogi?! Forsure nakita na niya yung ig story ni Bley. Baka isipin niya na proud ko pang kinwento sa iba ang nangyari kanina. Sumasakit na naman ang ulo ko.
sheengvr : wtf?! yan pa talaga nasa utak mo ngayon?
bleymndz_ : yes hihi
WHAT THE f**k! NASISIRAAN NA BA SIYA NG ULO? OMG BLEY NEEDS TO DELETE IT RIGHT NOW BAGO PA MAKITA NI JEREMIE. NAKAKAHIYA.
sheengvr : bley listen to me. I know it sounds so childish but please can you delete it for me? Baka kasi makita ni Jeremie eh. Please Bley Mendoza delete it baka kung anong isipin niya lalo na sa caption mo.
Mahinahon 'kong sagot sakanya dahilan para isipin niya na seryoso akong nakikiusap. Dahil kapag galit 'kong inutos sakanya ay lalo niya pa akong pagti-tripan. weirdo. Agad naman nagreply sa akin si Bley
bleymndz_ : it's too late sheen. Sir Jeremie already seen it 30mins ago.
sheengvr : what? bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!
bleymndz_ : I thought wala kang pake sakanya. So I didn't hesitate to tell you.
PAANO NA 'TO? NA-SEEN NA NIYA YUNG STORY NI BLEY. SIRANG SIRA NA AKO NETO HUHU. Agad namang nagchat ulit si Bley
bleymndz_ : actually, after that he immediately replied to me.
Gulat akong napatingin sa message ni Bley. Wala na talaga. Sirang sira na ako!! Ayoko ng makita pa si Jeremie. Papa-transfer na ako!!!
sheengvr : what did he say? make sure this is not a joke or else i'll kill u btch.
bleymndz_ : come on sis, do u think im joking rn? okay nevermind. forget about what he replied to me.
ANO BANG PROBLEMA NETO? NAGTANONG NA NGA AKO EH.
sheengvr : Im asking you bley. what did he say?
ang tagal bago mag-reply si Bley. Come on!! Naiinip na ako kailangan 'kong malaman ang sinabi niya.
bleymndz_ : okay. Sir Jeremie asked me if you are okay and I immediately respond to him that you're a little bit okay despite of what happened to the both of you after our class in physics.
omg. kailangan pa ba talagang i-emphasize yung 'despite of what happened to the both of you after our class in physics' ?! pistingyawa.
sheengvr : no more follow up questions or replies?
bleymndz_ : he said that it's good to know that you're okay. he's a little bit worried actually. at pinapasabi niya na gawin mo na daw ang mga binilin niya sayo. hmm
After 'kong mabasa ang message ni Bley ay agad akong humiga sa sofa atsaka nagtalukbong ng unan. s**t! BAKIT AKO KINIKILIG? DOES HE CARE FOR ME? BAKA NAMAN CONCERN SIYA SA AKIN DAHIL ESTUDYANTE NIYA AKO?
sheengvr : nothing else?
bleymndz_ : look who's asking for more.
bleymndz_ : actually I forgot to tell you. sinabi niya sa akin na you should takecare of yourself. bawasan mo daw ang pagm-milktea mo.
Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Bley. Omg!! Did he really care for me?! Pero wag assuming baka masaktan ka lang sa huli. Tandaan mo Sheen, matuto ka sa nakaraan. Pero habang iniisip ko na nag-alala siya para sa akin ay hindi ko mapigilan mapatili sa sobrang kilig.
sheengvr : okay. i'll take care of myself. thanks for the info <3 babawasan ko na 'din ang milktea sa katawan.
Matapos 'kong i-send ang message ko kay Bley ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Dali-dali akong pumasok sa kwarto. Kumuha ng gamit at dire-diretsong naligo at bumalik sa sofa para gawin ang mga iniutos sa akin ni Jeremie.
bleymndz_ : alam mo sheen, ang rupok mo talaga. it's not our fault anymore if you'll jump again to your wrong conclusions.
'Yan ang huling message sa akin ni Bley na nagbigay sa akin ng idea na baka nag-aalala lang talaga si Jeremie sa akin bilang estudyante niya. Hindi ko nalang nireplyan si Bley at dumiretso ako sa f*******:. Agad agad akong gumawa ng groupchat para sa physics
You added Bley Mendoza and 16 others
You added Ayenn Sanchez and 5 others
You added Aeron Singalon and Christoper James
You added Coldeen Bawit and 3 others
I also renamed our groupchat into 'Physics 12 - Onyx'
Sheen Guevarra : guys, Sir Jeremie requested this groupchat.
Aeron Singalon : really? bakit hindi mo pa siya i-add?
Oo nga, bakit hindi ko pa siya i-add dito? Ayaw ko naman siyang i-add dahil nahihiya ako. Mas mabuti siguro kung sila nalang mag-add. Pero ano naman idadahilan ko? Yeah! At bigla ako nakaisip ng ideya. We're not friends here in f*******:. Tama, 'yun nalang ang idadahilan ko.
Sheen Guevarra : uhm we're not friends.
Coldeen Bawit : then add him.
Aeron Singalon : you can add him here even though you and him are not friends hahaha.
Paano na 'to? No choice na ako kung hindi ako mismo ang mag-add sakanya. Baka isipin na naman nila na may something pa ako sakanya.
Sheen Guevarra : k
Sheen Guevarra added Jeremie Basillo
Christopher James : yun oh hahaha
Aeron Singalon : hi sir @Jeremie Singalon
Ayenn Sanchez : Goodevening Sir :)
Aish. Bakit ba kailangan pa nilang magchat ng ganyan? Uso ang pm!! Hindi pa siguro nakikita ni Jeremie yung groupchat. Siguro pauwi na siya? Or maybe may inasikaso lang? WAIT. BAKIT BA AKO NAG-IISIP NG GANITO? WALA NA AKONG PAKE KAY JEREMIE PERIOD. TEACHER KO LANG SIYA KAYA AKO NAGKAKAGANITO. Fck feelings!! Please cooperate with me.
?