#3

1984 Words
Aeron Singalon : Sir may sasabihin po ako Coldeen Bawit : Aeron, wag ka dito gumawa ng kalat. Nakakahiya kay Sir. Aeron Singalon : what? do you think na magkakalat ako dito? Assuming mo naman haha. Bley Mendoza : Coldeen is right. Doon ka nalang sa gc ng section natin @Aeron Singalon shame on u! Agad namang nanahimik sa gc. HAHAHA well, takot sila kay Bley. Hindi mo maiimagine na nakakatakot siya lalo na kapag hindi maganda ang ginagawa ng mga classmates namin. Mabuti nga sakanila at nakuha sila sa mga sinabi ni Bley. Agad akong lumipat ng i********: at chinat si Bley. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya binubura ang ig story niya. Kainis. Feeling ko tuloy wala na akong dignidad. sheengvr : hey, nanahimik sila ah hahaha bleymndz_ : dapat lang. mali yata sila ng nakalaban. kahit na hindi ako ang mayor, I have the rights to say those words. Hindi nila ako pinapakain or pinapalaki. I have my own choice of words. sheengvr : that's the spirit girl. iloveit <3 bleymndz_ : oh btw, i'll send someone's pic. and tell me if its good looking or not. sheengvr : who's that? make sure he's my type!! bleymndz_ : ofcourse it is! Sino na naman kaya ang bago naming pagnanasaan? Charot. Bley and I are having this kind of routine everytime na may nakikita kaming gwapo sa ig, f*******:, twitter or even sa personal. We always share different pictures of a guy then we share our thoughts if he was good or not. bleymndz_ sent a photo. bleymndz_ sent a photo. bleymndz_ sent a photo. Agad ko namang chineck 'yon dahil excited akong husgahan yung lalake charet. Titignan ko lang naman if good-looking or not then we will try to flirt him hahaha. Ganon na nga yata ang buhay namin forever. Wala kasing taste sa ganito si Ayenn kaya kami nalang hahaha. Tibo yata 'yun e. Pagkabukas ko ng message ni Bley ay hindi agad ako kumibo sa picture na sinend niya at lalo pa akong napanganga. At dahil 'don ay lalo pa akong nainis dahil siya na naman ang topic namin! Kailan ba tatahimik ang buhay ko ng hindi siya nasasali sa usapan?! bleymndz_ : what do u think? for me he's too hot. bleymndz_ : hey, na-seen mo naman ang message ko. bakit hindi ka nagrereply? FUCK!! PICTURE NI JEREMIE NA TOPLESS AT NAKASHORTS NA PANG-BEACH. PUTANGINA LANG DAHIL PARANG TINATRAYDOR AKO NG PUSO KO. SOBRANG HOT NIYA TIGNAN. DAGDAG MO PA YUNG SIX PACK ABS NIYA AT ANG MESSY HAIR. ETO YUNG SINASABI NILA NA PARA KANG NANALO SA LOTTO. sheengvr : come on bley, he's not too hot. hindi ka bulag okay? tss. Pagsisinungaling ko pa kay Bley atsaka hinawakan ang dibdib ko dahil sobrang lakas ng pintig neto. Tangina, anong nangyayare sayo hearteu? hindi ko na siya gusto okay? Agad ko naman tinignan isa-isa yung mga pictures na sinend niya sa akin. Grabe ang gwapo pa din niya. Walang kupas! Siya padin yung Jeremie Basillo na nakilala ko. Yung mata niyang kulay brown na nakakatunaw, titig pa lang para ka ng ginagahasa yung bibig din niya na parang anytime hihigupin ka chos. Yung ilong argh! parang mas maayos pa sa mga bundok dito sa Pilipinas at yung mga ngiti niya s**t!! WALANG DUDA SIYA PADIN YUNG LALAKING NAKILALA AT MINAHAL KO DATI. Isama mo pa 'yung jawline niya. Ang sarap grr!!! Balak ko sanang tumingan pa ng madami niyang picture sa ig niya pero hindi ko macheck ng personal dahil naka-private ang account niya. Ayoko naman matapakan yung pride ko at antayin ko pa ang approval niya para sa pag-follow ko sakanya. Pero para bang nalungkot ako dahil naglalaway na ako sa mga pictures niya at gusto ko pa ng madami. Send me more Bley HAHAHAHA CHOS. You already change Sheen baka nakakalimutan mo. bleymndz_ : im not blind sis. For me, he's the real definition of a perfect boyfriend. No doubt kaya mo siya nagustuhan haha Argh. Eto na naman tayo sa past ko. Ang mga masasakit na alaala na ibinigay sa akin ng lalaking iyon. Ang mga walang kwenta niyang rason kung bakit hindi kami pwede. Ang mga excuses niya na kailanman ay hindi magiging valid para sa akin. Bigla ko tuloy naalala kung paano kami nagpaalam at pinili na lamang na ituring ang isa't isa na hindi magkakilala - flashback - ONE YEAR AGO Jeremie Basilio : sheen? Kinikilig 'kong binasa ang message sa akin ni Jeremie. Argh ano ba ang dapat 'kong ireply? 'Yes honey?' o 'what do you need babe?' Panigurado akong hindi naman siya magugulat kung irereply ko 'yan dahil palagi ko siyang pinaparinggan sa mga sharedposts ko hehehe. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ang manhid niya? Sheen Guevarra : yes po kuya jeremie? Sa huli ay 'yes po kuya jeremie?' nalang ang nareply ko. Hays. Kailan niya kaya ako mapapansin? Jeremie Basillo : Let's meet up. I need to tell you something. Pumunta ka sa park, yung malapit sa condo mo. Sheen Guevarra : Okay. May sasabihin din ako. Seeyou. Omg. May sasabihin siya sa akin? At ano kaya 'yon? Aamin na ba siya na gusto niya din ako at hindi na niya kaya pang itago 'yon? Okay eto na siguro yung tamang time para magconfess din ako sakanya. Eto na ba talaga yung sinasabi nilang love? Can't wait to see him hshshs. "Kanina ka pa ba dito?" Nagtataka 'kong tanong sakanya dahil kaka-chat niya pa lang kanina. Agad naman siyang tumingin sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. NYETA PAPATAYIN MO BA AKO DITO SA PARK JEREMIE? "Actually kanina pa ako. Nagdadalawang isip lang ako if sasabihin ko ba talaga 'to." Nawala bigla yung mga ngiti niya at biglang nagpakawala ng malalim na hininga. s**t bakit parang may mali? Hindi ba dapat masaya ang atmosphere namin dito? "Ah eh, ano ba 'yung sasabihin mo?" Saka ko siya tinignan ng maayos. Sinusuri ko yung mukha niya kung makukuha ko ba 'yung sagot pero blanko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Jeremie bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganto? Wag ka ng magpa hard to get. Sasapakin kita. Alam 'kong mahal mo din ako kaya amin amin din! Ilang sandali pa bigla niya akong niyakap. "Sheen..." Saka siya huminga ulit ng malalim. Ano ba talaga ang meron? At bakit sobrang higpit ng pagkakayakap niya? "Alam ko may nararamdaman ka para sa akin... But sorry, I can't love you back the way you wanted." parang nagpaulit-ulit sa tenga ko yung mga sinabi niya "Alam ko may nararamdaman ka para sa akin... But sorry, I can't love you back the way you wanted." "Alam ko may nararamdaman ka para sa akin... But sorry, I can't love you back the way you wanted." "Alam ko may nararamdaman ka para sa akin... But sorry, I can't love you back the way you wanted." Agad akong umalis sa pagkakayakap niya dahilan para magulat siya. "W-what do you mean?" naintindihan ko 'yung sinabi niya pero mas gusto ko nalang marinig ulit sakanya. Nagbabaka-sakali na mali lang talaga 'yung narinig ko. "Sorry... Hindi ko kayang suklian 'yung pagmamahal mo sa akin" formal niyang saad atsaka tumingin ng diretso sa mata ko. Para bang sinasabi niya na hindi siya nagsisinungaling. Agad-agad nanlabo ang mga paningin ko dahil dali-daling lumabas 'yung mga luha ko. s**t! Bakit hindi ko mapigilan umiyak? "Sheen... sana maintindihan mo. Sorry" akmang hahawakan niya ako sa balikat pero inalis ko agad 'yon at tumingin sakanya ng diretso. "Why? Bakit hindi mo ako kayang mahalin kagaya ng pinapakita ko sayo?" naiinis 'kong tanong sakanya. FUCK!! Ayaw tumigil ng mata ko sa kakaiyak. "K-kasi... Kapatid lang talaga ang turing ko sayo..." mahina niyang tugon sa akin atsaka lumapit ng kaunti dahilan para mapa-atras ako. "No. Don't touch me, Hindi pa din nagssink-in sa utak ko lahat ng mga sinasabi mo ngayon" naiiyak 'kong sagot sakanya. "This is just a dream right? Tell me, panaginip lang 'to diba?" saka ako tumawa ng pilit para bawasan ng kaunti ang tensyon na namamagitan sa amin. "No, you're not dreaming Sheen. This is true" ngayon ay mahinahon na siyang nagsasalita. Para bang nabunutan na siya ng tinik sa puso niya at wala na siyang aalalahanin na problema. "Yun lang ba? Yun lang ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magustuhan at mahalin pabalik kagaya ng ginagawa ko sayo?!" napataas na ng konti ang boses ko at nagtitinginan na sa amin ang ibang tao dito sa park. "It was just like-" hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil sinigawan ko ulit siya "Ano?! Magpapaligoy-ligoy ka pa!? Bakit hindi mo pa ako diretsuhin?! Tutal nasaktan mo na din naman ako!" saka ko pinunasan yung luha sa mata ko. Tumahimik siya saglit at pinagmamasdan ako habang umiiyak. Siya naman ay walang ekspresyon na pinapakita at parang wala man lang bakas ng pagsisisi ang makikita mo sakanya. Hindi man lang ba siya maki-ayon ng mukha sa eksena na 'to?! "Tatapatin na kita Sheen, 6 years ang age gap natin. Masyado ka pang bata para sa akin at isa pa tinuring lang talaga kita bilang kapatid. Wala ng iba." Ouch. Mas masakit pa yata 'to sa palakol na grades ng mga classmates ko sa Calculus. Tangina 'yun lang ba ang dahilan niya!? Bakit ang babaw naman yata?! "f**k NUMBERS!! I HATE NUMBERS AND ALSO YOU JEREMIE!!" iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Alam ko nasasaktan din si Jeremie sa mga sinasabi ko pero paano nalang ako? Masyado ng mabigat ang ulo ko dahil sa pag-iyak ko dito sa park. Nakakahiya na din dahil pinagtitinginan na nila kami na para bang may live na teleserye dito sa park. Pinunasan ko 'yung mga luha ko at tumalikod na sakanya para umalis. "Sheen." tawag niya pa ulit sa akin at hinawakan bigla ang kamay ko. Tangina! Hindi ko na naman mapigilan umiyak. Daig ko pa ang mga lalaking na-busted dahil sa ginawa sa akin ni Jeremie. "I hope we can still be friends. I can also be your kuya." Bwisit!!! Saan pa siya nakakakuha ng lakas ng loob na makipag-kaibigan sa akin!? Inalis ko agad ang pagkakahawak niya sa akin at tumingin sakanya na para bang hindi ko na siya kilala "No thanks. Madami din naman akong kaibigan at sapat na 'yung mga tinuturing 'kong kuya ngayon" walang gana 'kong sagot atsaka ngumiti sakanya na para bang walang nangyaring eksena kanina. Hindi na din naman siya sumagot at tiningnan lang ako. Ano 'to? Makikipagtitigan ba siya sa akin hanggang magdilim?! Bago ako umalis ay lumapit ako sakanya. "I guess ito na ang huling araw nating pagkikita. Thanks for the memories. I'll treasure it forever" bulong ko sakanya atsaka lumabas ng park - end of flashback - After that incident, tinanggal ko lahat ng connections ko kay Jeremie dahil sa sobrang inis ko. Hindi na din naman siya nagparamdam sa akin ng personal and also to my social media accounts. I also immediately unfollow him on twitter, i********: and unfriend him on f*******:. Let's say I was very childish doing such things like that. But thanks to him, I learned alot from the past. Nawala yung dating pagkatao ko dahil sakanya pagiging jolly, malambing, masunurin at yung pagka-pilya ko ay biglang nawala dahil sakanya. Nagkaroon din ako ng trust issues kaya nahirapan akong ipakita sa iba ang totoong ako. That time lahat ng bagay ay nagbago para sa akin, even my perception in life was totally change. Nahirapan din sila mommy at daddy na mag-adjust sa mga kinikilos ko kasi nag-iba daw ako. But I was very lucky dahil unti-unti ko namang napapakita ulit sakanila 'yon. Kung tutuusin ang dami niyang na-contribute sa buhay ko haha. Napaka-effort naman niya, siya lang pala ang magpapabago sa akin. Should I honor him for changing me alot? Well I guess the answer was yes because the weak and innocent old version of me was gone. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD