Denara’s POV Hindi ako nakagalaw mula sa kinakatayuan ko pagkatapos marinig ang malakas na sigaw ni Ms. Tacenda kay Jespy. Simula noong dumating ako sa grupong ‘to, ngayon ko lang nakitang ganito si Ms. Tacenda. Ngayon ko lang din naman kasi muling nakita si Ms. Tacenda pagkatapos nitong pumasok sa inatas na misyon sa kanya. Mukhang ilang buwan din ang guguling oras doon, hindi pa sigurado kung aabot nga ba ng taon. “Ano?! Sumagot ka!” mas lumakas ang tunog nang sigaw nito dahilan upang mapagtanto ko ang sinasabi ni Sorin kaninang huwag ako magsalita. Ito pala ang tinutukoy niya. Ang manahimik habang ganito ang sitwasyon. Sa tingin ko ay sanay na si Sorin sa ganito. Ang alam ko, partners na talaga silang tatlo ever since. Nanahimik ako at bahagyang yumuko habang nakikinig lamang. Ganoon

